Willie Revillame's lawyer refutes ABS-CBN's accusation that Willie's P426-million surety bond is a forged document

Willing Willie host Willie Revillame's lawyer, Atty. Ferdinand A. Domingo, denies ABS-CBN's accusation that the P426 million surety bond submitted in Court is a forged document. Atty. Domingo, in a statement from TV5, claimed that he and Willie were inside a moving car when the TV host signed the surety bond, hence the difference in handwriting.


Bilang sagot sa pagbatikos ng mga abogado ng ABS-CBN sa pirmang nakalagay sa isinumiteng P426 million surety bond ni Willie Revillame, naglabas ng press statement ang TV5 ukol sa sagot ng abogado ni Willie na si Atty. Ferdinand A. Domingo.

Matatandaang kasama sa mga kinukuwestiyon ng Kapamilya network sa press statement nito, na ipinadala sa PEP (Philippine Entertainment Portal) noong Disyembre 13, ay ang di pagkakapareho diumano ng pirmang nakalagay sa surety bond ni Willie sa mga nauna na nitong isinumiteng dokumento sa korte. (CLICK HERE to read related article.)

Ayon pa sa press statement ng ABS-CBN, maaaring kasuhan ng "perjury" at "falsification of commercial document" si Willie, na maaaring humantong sa mahigit na dalawampung taong pagkakabilanggo kung mapapatunayan ngang "forgery" ang isinumiteng surety bond nito.

Depensa naman ng abogado ni Willie na si Atty. Domingo, sa isang press statement mula sa TV5 na nakarating sa PEP kahapon, Disyembre 25, hindi "forgery" ang pirma ni Willie sa surety bond.

Ayon sa statement, "Attorney Ferdinand A. Domingo, has strongly denied the accusation and said Willie had in fact signed the bond in his presence."

Nagsumite ng P426 million bond o piyansa si Willie noong Oktubre 27, bilang tugon sa utos ni Judge Luisito Cortez ng Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) Branch 84, matapos mabigo ng dalawang beses ang ABS-CBN na makakuha ng temporary restraining order (TRO) mula sa korte. Hiningi ng Kapamilya network na pigilan ang pag-ere ng bagong show ni Willie sa TV5 na Willing Willie.

Ang P426 million surety bond ay representasyon ng principal counterclaim na hinihingi ng ABS-CBN sa breach of contract case nito laban kay Willie.

SIGNED INSIDE A MOVING CAR. Inamin naman ni Atty. Domingo sa press statement ng TV5 ang posibleng dahilan ng pagkakaiba ng pirma ni Willie sa surety bond sa pirma nito sa mga naisumite nang dokumento sa korte.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon muli sa statement, "Atty. Domingo admitted that there might be some difference in Willie's handwriting when he signed the bond, but this was only because they were inside a moving car when Willie signed it."

Nakasaad din sa statement na: "Atty. Domingo said it is utterly absurd for Willie to forge his own signature, and added that the false story was obviously part of ABS-CBN's continuing smear campaign against Willie and his hit show, which has recently overtaken ABS-CBN's primetime programs in the ratings war.

"Willie's lawyer insisted that the surety bond was validly issued by a reputable bonding company accredited by the Supreme Court and authorized by the Insurance Commission. The RTC Clerk of Court found the surety bond valid and even the judge approved it."

Pahayag pa ni Atty. Domingo sa TV5 statement, "ABS-CBN is just trying to deviate from the real issue of the cancellation of Willie's contract with that network."

Matatandaang nauna nang nag-file ng P11-million damage suit si Willie para sa pagkakakansela ng kontrata niya sa ABS-CBN, na tinugunan naman ng Kapamilya network ng P426 million breach of contract case at paghingi ng TRO mula sa korte.

Sa kasalukuyang takbo ng kaso, kinatigan ni Judge Cortez ang petisyon ng ABS-CBN na inhibition o pagtanggal ng sarili sa pagdinig ng kaso, matapos kuwestiyunin ng mga abogado ng Dos ang diumano'y "undisclosed relationship" ni Judge Cortez at ng TV5. (CLICK HERE to read related article)

CLICK HERE to view the signatures.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN