Sylvia Sanchez thankful for a frutiful 2010; wishes for good health in the coming year

"Wala akong gustong baguhin sa pagpasok ng 2011 dahil araw-araw kasi akong naniniwala na puwede ka magbago kung meron kang gustong baguhin, at araw-araw ka namang puwedeng mag-wish kung meron kang gustong i-wish," says Sylvia Sanchez.


Naging very fruitful ang 2010 para kay Sylvia Sanchez.

Ayon sa aktres, na nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa telepono noong December 26, masuwerte ang 2010 dahil nagkasunud-sunod ang dating ng magagandang proyekto para sa kanya.

"Masasabi kong masuwerte sa akin ang 2010 dahil sa magagandang trabaho ang nagawa ko sa TV," sabi niya.

"Like itong Koreana, very challenging yung role na ibinigay sa akin ng GMA-7. At kahit yung ibang proyekto na nagawa ko this year, lahat magaganda yung role na naiatang sa akin.

"Kaya naman marami talaga akong dapat ipagpasalamat sa Diyos dahil sa sobra-sobrang blessings na ibinigay Niya sa akin."

Asam din ni Sylvia na magtuluy-tuloy hanggang 2011 ang suwerteng meron siya ngayon.

"I'm hoping for a prosperous and fuitful year sa 2011. Sana magkaroon ako ulit ng magagandang projects sa TV at pelikula.

"Pero kung magiging matumal ang dating sa akin ng projects sa 2011, okey lang sa akin. Siguro aasikasuhin ko muna yung business namin and more time sa family ko.

"Ako naman kasi, if may trabaho ako, thank you. If wala naman, rest muna.

"Hindi naman kasi all the time, ikaw nang ikaw na lang ang mapapanood sa TV at pelikula, natural kailangan din naman ng ibang magtrabaho.

"Pero kung bibigyan nila ako ng trabaho at kaya naman ng oras ko, tatanggapin ko kasi trabaho yun, sayang naman."


WORKING WITH VHONG & ANGELICA. Pero mukhang hindi naman mababakante ng trabaho si Sylvia dahil hanggang next year pa ang Koreana. Nakapagsimula na rin siyang mag-shooting ng isang pelikula para sa Star Cinema.

Ito ay ang horror film na Bulong with Vhong Navarro and Angelica Panganiban.

"Bale naka-one shooting na ako last December 20 at magre-resume ako ng shooting sa January," banggit ni Sylvia.

"Bale ang role ko dito, anak ako ni Angie Ferro na isang mangkukulam. Galit ako dito sa nanay ko kasi mas pinili niya ang pagiging mangkukulam at tinalikuran niya ang kanyang pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Maganda at challenging din ang role ko dito."

Hindi na raw bago kay Sylvia ang pakikipagtrabaho kina Vhong at Angelica. Nakasama na na kasi niya si Vhong sa dating soap opera na Esperanza at kung ilang beses na niyang naging anak si Angelica sa mga TV show.

Ano ang masasabi niya sa klase ng pagtatrabaho nina Vhong at Angelica?

"Very professional sila katrabaho, pareho kasi silang workaholic kaya masarap sila katrabaho. Hindi sila nagbibigay ng problema at sakit ng ulo sa production.

"Ganun naman kasi siguro yung mga taong masaya at gusto nila ang kanilang ginagawa. Kaya naman very smooth ang shooting namin despite sa dami ng trabaho nina Vhong at Angelica.

"Noong una ko pa lang silang nakatrabaho, masarap na sila kasama dahil makikita mo kasi sa kanila yung passion nila sa kanilang pinasok na trabaho.

"Iba kasi pag magaling at professional ang artistang makakatrabaho, mai-inspire ka rin na mas pagbutihin ang trabaho mo."

WISH FOR 2011. Ano ang wish at gusto niyang mabago sa pagpasok ng 2011?

"Wala akong gustong baguhin sa pagpasok ng 2011 dahil araw-araw kasi akong naniniwala na puwede ka magbago kung meron kang gustong baguhin, at araw-araw ka namang puwedeng mag-wish kung meron kang gustong i-wish.

"Siguro kung may gusto akong mangyari, yun yung magkaroon ako at aking pamilya ng good health sa buong taon at sa mga susunod pang taon," sabi ni Sylvia.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN