The New Year's Resolution of the stars

(Clockwise) Cristine Reyes, Kathryn Bernardo, Rhian Ramos, and Jolina Magdangal reveal their New Year's Resolutions.


Tuwing papasok ang bagong taon, nakaugalian na natin na magkaroon ng tinatawag na New Year's Resolutions. Ito ang mga pangako natin sa ating sarili na gagawin o tatalikuran sa darating na taon.

Nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang ilan sa mga hinahangaan nating mga artista at tinanong namin sila ng kanilang New Year's Resolution at kung ano ang gusto nilang mangyari sa susunod na taon.

Narito ang kanilang mga sagot:

MARVIN AGUSTIN: "Ang New Year's Resolution ko siguro, yung bawas-bawasan yung sobrang prangka, na kung minsan ay nami-misinterpret ng iba at napagkakamalan akong suplado, na hindi naman, di ba? Honestly speaking, yun lang siguro.

"Sa trabaho naman, more focus. Alam ko naman kasing naka-focus ako, pero mas gusto ko pang doblehin o kahit triplehin pa sa business side at sa showbiz side. Basta more projects to come sa 2011."

SUNSHINE DIZON: "Well, I don't have to change myself coz wala naman akong nasasagasaang ibang tao or nasasaktan this 2010. Hindi rin naman ako naging palaaway this year.

"Siguro lang, kung may gusto akong gawin, yun yung magpapayat pagkapanganak. Masyado kasi akong tumaba. Pero this coming year, I promise na maglu-lose ako ng weight bago bumalik sa trabaho.

"And, of course, more focus sa trabaho at family. Iba na kasi pag may asawa ka na, dapat alam mong i-balance ang trabaho at buhay may asawa.

"Wish ko na sana maging healthy yung aming first baby ni Tim, at mas gumanda pa ang takbo ng career ko this coming year."

Ang napangasawa ni Sunshine ay si Tim Tan.

CRISTINE REYES: "For me, ang New Year's Resolution ko siguro is hindi na magiging sobrang close sa mga kaibigan kong artistang lalaki. Kasi nami-misinterpret yung pagiging close sa kanila ng mga tao. Iniisip nila playgirl ako, e, hindi naman.

"'Tsaka yung pagiging prangka. Kasi napagkakamalan akong mataray, pero gano'n talaga ako. Pero siguro this year, medyo magme-mellow ako para naman hindi na ako maakusahan ng kung ano-ano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wish ko na sana dumami pa yung shows ko this coming year at less katampuhan."

ERICH GONZALES: "Siguro po more time sa family. Kasi this year, medyo naging busy po ako sa dami ng raket.

"Siguro, this coming year, mas magiging concentrated ako sa family ko at mas mag-a-allot ako ng time na makauwi ng Davao to be with them.

"Pero tuloy pa rin yung trabaho. Mahirap naman kasi basta-bastang talikuran kung ano yung nasimulan mo na, mahal, at gusto mong gawin."

JHAKE VARGAS: "Ang New Year's Resolution ko? Siguro mas pagbutihin pa yung trabaho ko, sa acting at kahit sa recording side. Para naman mas dumami pa ang trabahong dumating sa akin this coming year.

"Kung sa ugali naman, wala naman po siguro akong dapat baguhin kasi feeling ko, wala naman akong hindi magandang ginawa this year."

SUZUKI SADATSUGU: "More work, 'yan po ang New Year's Resolution ko, kaya naman magsisipag ako sa 2011 para dumami pa trabaho ko.

"Kung sa ugali naman, siguro yung pagiging prangka ko. Kasi minsan, nami-misinterpret ng iba kung ano yung sinasabi ko, kasi yun yung totoo, kaya naman nabibigyang kulay.

"This coming year, siguro magiging less talk ako, para iwas-intriga."

ARRON VILLAFLOR: "I don't think na meron pa akong dapat baguhin sa sarili ko, kasi I know and I feel na wala naman akong ginawa o nagawa na hindi maganda para sa kapwa ko.

"Siguro lang, kung may gusto man akong mangyari sa akin this coming year, is to have more projects sa TV, outside shows, at movies."

KRISTOFFER MARTIN: "Wala naman akong gustong baguhin sa pagpasok ng taon. Siguro ipagpapatuloy ko lang ang pagiging workaholic ko dahil gustong-gusto ko talaga ang laging may trabaho, at mas pagbubutihin ko pa ang aking trabaho para sa gano'n ay mas dumami pa ang projects na darating sa akin sa 2011."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MARK HERRAS: "More focus sa career, especially now na kababalik ko lang sa trabaho. Pero happy ako kasi I'm so blessed this year dahil sunud-sunod ang dating ng suwerte sa career ko. Kaya naman this coming year, mas doble effort ako para mas dumami pa ang projects na dumating sa akin.

Dedma lang sa intriga. Lately kasi, sunud-sunod ang intrigang dumadating sa akin."

JC DE VERA: "Kung ang laging sinasabi nila [critics] na medyo hindi daw okey, yung PR ko, dahil suplado daw ang dating ko, siguro this coming year, susubukan kong mas maging ma-PR, para naman hindi na ako maakusahang suplado.

"Shy person kasi ako kaya naman hindi ako masyadong palabati, especially pag hindi ko gaanong kilala yung tao. Pero ngayon naman, hindi na ako masyadong mahiyain at nagiging palabati na ako.

"Siguro para sa iba, kulang pa. Pero promise ko sa year 2011, mas magiging friendly na ako.

"Wish ko na sana mas maging maganda ang takbo ng career ko ngayong papasok na taon."

HIRO MAGALONA: "Hindi naman ako naniniwala sa New Year's Resolution. Nasa tao naman kasi 'yan, nasa tao naman kasi yung pagbabago. Ikaw naman kasi yung hari ng sarili mo at ang lahat ng bagay na ginagawa mo at gagawin mo ay ikaw ang nagdidikta.

"Kaya mas magandang gawin mo na lang kung ano mang pagbabagong gusto mong gawin sa sarili mo na hindi mo na kailangang gawing isang pangako na gagawin mo sa loob ng isang taon.

"Ako kasi, kung may gusto akong baguhin o gustong gawin sa sarili ko, ginagawa ko na lang at hindi ko inaasa sa panga-pangako. Mahirap kasing ang isang pangako ay mapako dahil hindi mo kayang gawin, di ba?

"Wish ko lang na sana na mas gumanda at mas dumami pa ang trabaho ko next year at maging maganda rin ang takbo ng business ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DIREK LOUIE IGNACIO: "Ang mag-reduce! 'Yan siguro ang New Year's Resolution ko. Marami kasi yung nagsasabing parang medyo tumaba ako. Pero, promise, next year gagawin kong mag-lose ng weight.

"Wish ko na sana magtuloy-tuloy ang papaganda kong career this 2011 at dumami pa yung projects ko."

BEA BINENE: "Magkaroon po ng konting oras sa pamilya ko, yun po yung isang New Year's Resolution ko. These past few months po kasi, masyado akong naging busy sa sobrang hectic schedule ng trabaho ko kaya lagi na lang akong nasa labas at nagtatrabaho, at wala masyadong time sa pamilya ko.

"Pero this coming year, mag-a-allot ako ng time para naman makapagsama-sama kaming buong pamilya. Wish ko na sana mas maging mas maganda pa ang takbo ng career ko, at sana magkaroon ako ulit ng another teleserye na may temang action."

JOLINA MAGDANGAL: "Wala naman akong gustong baguhin sa sarili ko. Siguro wish na lang na sana maging successful yung lalabas kong album next year and, of course, more projects sa TV, movies, at out-of-town shows."

BENJAMIN DE GUZMAN: "More focus sa career ko—at saka na ang puso! Para hindi ako masaktan. More dance albums to come at sana magpatuloy pa ang suwerte ko ngayong taon sa bago kong tahanan, ang ABS-CBN. Wala naman po akong dapat baguhin kasi hindi naman po ako naging pasaway this year."

KATHRYN BERNARDO: "Gusto kong baguhin yung pagiging sobrang tahimik ko at prangka sa pagsasalita. Minsan kasi marami ang nami-misinterpret yung pagiging ganito ko, sinasabi nila suplada ako, na hindi naman totoo.

"Sa career, very thankful po ako sa ABS-CBN sa magagandang shows na ibinibigay nila sa akin. Sana lang po, sa 2011, magtuluy-tuloy po ang projects ko sa TV at movies."

RYZA CENON: "Ugaling dapat kong baguhin? Actually, wala naman. Siguro kung meron, yun yung maging less close sa mga lalaking ipinakikilala sa akin, especially yung mga artista, para hindi ako matsismis sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa career? Okey naman ang takbo ng career ko at hindi ako pinapabayaan ng GMA-7. Siguro kung may hihilingin ako this coming year, yun yung mag-continue sana ang blessings na dumarating sa akin."

CHARIZ SOLOMON: "Gusto kong baguhin yung pagiging mahiyain at pa-Maria Clara effect... Charing! Hehehe!

"Honestly speaking, kung may gusto man akong baguhin, yun yung pagiging liberated at sexy sa pagsusuot ko. Kasi minsan, napapansin ko, iniisip ng mga lalaki na easy-to-get ako. Pero ang totoo niyan, old-fashioned ang pananaw ko sa buhay. Trabaho lang ang ginagawa at walang personalan. Hahaha!

"Sa career? Sana magkaroon pa ako ng ibang TV shows at mapansin ako ng mga producers at isama ako sa kanilang pelikula. Alam mo na! Hahaha!"

ZYRUS DESAMPARADO: "Sa ugali? Ano ba ang dapat kong baguhin? Siguro, yung pagiging prangka, kasi yung iba akala nila nagsusuplado ako. Pero, if they just know me, napaka-sweet kong tao. Ganoon talaga kasi ako, sinasabi kung anong gusto kong sabihin.

"Sa career? Sana magkaroon ako ng marami pang shows and, of course, sana magkaroon ako ng movies this year."

SHEENA HALILI: "New Year's Resolution ko po ang mas mag-focus sa trabaho this coming year. Yun ang priority ko this year. Siguro no pansin muna ako sa mga nanliligaw sa akin.

"Sa career? Sana mabigyan ako ng GMA-7 ng mas marami pang shows this year, more guestings, and hopefully, pelikula po. Gusto ko po kasing makagawa ulit ng pelikula next year."

IVAN DORSCHNER: "Right now naman kasi ay going smooth ang career ko at maraming projects ang ginagawa at gagawin ko pa. Sana lang siguro magtuluy-tuloy ang projects sa akin this year sa TV, pelikula, at TV Commercials."

SHALALA: "Sa sobra-sobrang suwerteng ipinagkaloob ni Lord sa akin last year, sobra-sobrang pasasalamat din ang hatid ko sa Kanya. Wish ko na this year ay maging kasing-suwerte din ako at mas dumami pa ang projects and more movies to come."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

VANNESS DEL MORAL: "Ugali? Siguro ang gusto kong baguhin, yung pagiging open ko sa lahat ng nakakausap ko. Kasi minsan pag nagkuwento ka, iba yung nakakarating sa iba, may dagdag, kaya nasasangkot ako sa gulo at tsismis.

"Sa Career? More regular TV shows, movies, out-of-town shows. Right now naman kasi medyo maganda yung tinatakbo ng career ko. Sana lang next year, mas maging maganda pa yung takbo ng career ko."

DIREK CESAR APOLINARIO: "Actually I'm so blessed dahil binibigyan ako ng trabaho ng GMA-7. Nagpapasalamat ako sa GMA-7 sa tiwalang ibinigay nila sa akin. Sana mas dumami pa ang projects ko this year at maging blockbuster ang mga pelikulang naka-lineup kong gawin."

RHIAN RAMOS: "Sa pagpasok ng taon, sana mas dumami yung projects na dumating sa akin sa TV at sana makagawa ako ng pelikula. Ugali, siguro, less talk para less mistakes. Kasi minsan yung pagiging prangka at straight ko, iba yung dating sa ibang tao. Kaya naman mas magandang tumahimik na lang para walang intriga sa 2011."

ARNELL IGNACIO: "Lately kasi medyo nararamdaman ko nag-gain ako ng weight. Sana mas pumayat pa ako this year, at yun yung goal ko ngayon, na mapanatiling physically fit at slim ako all throughout the year. At sana mas maging fruitful ang 2011 sa akin at sa mga mahal ko sa buhay...at good health."

SYLVIA SANCHEZ: "Wala akong gustong baguhin sa pagpasok ng 2011 dahil araw-araw kasi akong naniniwala na puwede ka magbago kung meron kang gustong baguhin. At araw-araw ka namang puwedeng mag-wish kung meron kang gustong i-wish."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN