Wenn Deramas wins his first Best Director award for comedy film Ang Tanging Ina Mo (Last Na 'To)

"Sobra akong nagpapasalamat kasi binigyan halaga ang comedy. Alam mo naman dito sa atin, di ba, lagi na lang di nabibigyan ng atensiyon ang comedy? Kaya sobrang nagpapasalamat dahil binigyan nila ng importansiya ang comedy," says director Wenn Deramas about the MMFF jurors who recognized comedy films this year.


Lubos-lubos ang pasasalamat ni Wenn Deramas sa kanyang pagkapanalo bilang Best Director sa recently concluded 36th Metro Manila Film Festival Awards Night para sa pelikulang Ang Tanging Ina Mo (Last Na 'To!).

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) matapos ng awards night na ginanap sa Meralco Theater noong Linggo, December 26, winika ng first-time best director awardee na ikinatuwa niya ang pagkilala ng jurors sa mga comedy films.

Big winners kasi ang mga comedians sa Gabi ng Parangal dahil ang top acting honors ay nakopo ng mga comedians.

Ang Comedy King na si Dolphy ay Best actor for Father Jejemon at Best Supporting Actor pa para sa Rosario; ang bida ng Ang Tanging Ina Mo na si Ai-Ai delas Alas ay nagwaging Best Actress; at si Eugene Domingo naman ang itinanghal na Best Supporting Actress para pa rin sa Ang Tanging Ina Mo.

Ano ang pakiramdam ni Direk Wenn with his victory?

"Sobra akong nagpapasalamat kasi binigyan halaga ang comedy," sabi ng direktor.

"Alam mo naman dito sa atin, di ba, lagi na lang di nabibigyan ng atensiyon ang comedy? Kaya sobrang nagpapasalamat dahil binigyan nila [jurors] ng importansiya ang comedy."

NO EXPECTATIONS. Was he expecting anything?

"No. Definitely, wala akong ini-expect nang pumunta ako rito dahil nandito ako para sumuporta.

"Sabi ng Star Cinema, suportahan natin ang MMFF. Iyon lang. Iyon lang talaga," wika ni Direk Wenn.

Ano ang kanyang naging pakiramdam nang manalo ng dalawang awards si Mel Mendoza-del Rosario for Best Screenplay at Best Story para sa kanilang pelikula?

"Sobra na akong natutuwa nang kinukuha ko ang mga awards nila—yung mga awards ng wala sa awards night, like si Uge [Eugene Domingo]. Sobrang okay na ako. E, may bonus pa!

"Nang tinawag ang pangalan ko na Best Director, natuyo talaga ang bibig ko. Talagang walang water kaya nahirapan akong magsalita ako roon kanina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ko na alam kung ano ang mga sinabi ko. Hindi ko alam kung napasalamatan ko ba ang mga dapat kong pasalamatan. Nataranta ako kasi hindi naman talaga ako ready. Salamat sa Diyos," saad pa niya.

Kaya ba siya hindi nag-expect dahil sa quality ng competition? Mabibigat at magagaling ang mga kalaban?

"Hindi kasi ako puwedeng magsalita dahil pelikula ko pa lang ang napanood ko, so hindi ako puwedeng mag-comment na natakot ako dahil magagaling lahat ng mga kalaban ko. Hindi.

"Clueless ako pagdating doon. Pero ngayon na mayroon na akong sapat na panahon at oras, gagawin ko iyon, papanoorin ko lahat!" sabi ng direktor.

LAST NA BA TALAGA? Sinasabi nilang last installment na ito ng Ang Tanging Ina. Pero matapos niyang manalo ng Best Director award, may kasunod pa ba ito?

"Actually, kanina pa nila ako kinukulit," banggit ni Direk Wenn.

"Sa ngayon, talagang last na ito, not unless magkaroon ng isang napakagandang istorya uli. Kasi nang gawin namin itong Part 3, feeling namin, last na 'yan.

"Noong gawin nga namin ang Part 2, akala namin wala na rin kasunod. So, nang mag-come up ang istorya na ito, ginawa namin.

"Pero kunwari, talagang may istorya na super-ganda talaga, na hindi ko mahihindian, why not? Pero sa ngayon, palagay ko, last na talaga ito."

BEST ACTRESS FOR AI-AI. Sa huling panayam ng PEP kay Direk Wenn, sinabi niya na more than winning an award for best director, mas gusto niya makitang manalo ng Best Actress award si Ai-Ai. Natupad naman ang kanyang wish.

"Noong presscon ng movie, ang dasal ko lang naman ay manalo si Ai-Ai ng Best Actress award. So, sobra akong natuwa.

"Itong mga bonus na panalo na ito ay sobra-sobra dahil nakita ko kung paano talaga trinabaho ni Ai-Ai ang role niya sa movie, yung pelikula, dahil sa kanya 'yon. Kaya naman sobra akong nagpapasalamat na lahat kami napansin, hindi lang si Ai-Ai.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Maraming sakripisyo si Ai-Ai sa film ito. Ito yung film na sobra siyang harassed. Ang dami niyang ginagawa, pero tinanggal niya lahat ng iba niyang mga schedules para sa pelikula niyang ito. Talagang ibinigay niya lahat.

"Minsan halos di na siya matulog, se-segue pero wala kang maririnig. Basta kung ano ang ipagagawa ko, gagawin niya. At naiintindihan niya.

"Siguro sobra na rin ang friendship namin, talagang it's beyond the word friendship na kaya wala na kaming kahit na ano pang... Basta, iyon na iyon," pahayag ng award-winning director.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN