Jake Cuenca spends memorable Christmas with family and girlfriend Melissa Ricks

"2010 was a great year. Maraming trabaho, for one. Pangalawa, siyempre mas naging masaya ang personal life ko. Tapos, to top it all, before the end of 2010, dumating ang pamilya ko. So, masayang-masaya talaga," says Jake Cuenca.


Muling binisita ni Jake Cuenca ang mga sanggol na nasa pangangalaga ng C.R.I.B.S. (Create Responsive Infants By Sharing) Foundation Inc. sa Marikina City kahapon, December 28.

Ito ang ikatlong taon na nagpunta ang young actor sa C.R.I.B.S. bilang bahagi ng pagdiriwang ng kanyang kaarawan. Jake will turn 23 tomorrow, December 30.

Kinagabihan naman ay nagkaroon siya ng pre-birthday celebration na inorganisa ng kanyang fans—ang ijakes—sa Plaza Ibarra, Timog Ave., Quezon City.

NUMBER ONE FAN. Ayon kay Jake, nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kagabi, "Sobrang thankful ako sa kanila [ijakes] kasi three years na nila itong ginagawa.

"Ngayon naman, maraming galing ng Davao... sa Europe may nanggaling din. Tapos, may live chat, kasi maraming mga TFC [The Filipino Channel] fans.

"Masaya ako kasi yung mga taong sumuporta sa akin since day one, isa na riyan si Analyn... Magmula nang dumating ako sa ABS, sinuportahan ako ni Analyn. So, ano talaga siya, kaya kong sabihin na she's my number one fan, and I'm happy na nakarating siya from the States, sa Texas.

"Kapag nagpupunta ako sa States, nakikita ko siya. Nagpupunta siya kapag may concert. At nakakausap ko siya sa chat.

"Sobrang nagpapasalamat lang ako na nakarating siya this year and sobrang supportive niya."

BIRTHDAY WISH. Ano ang birthday wish ni Jake?

"Bago ako humiling, gusto ko lang sigurong magpasalamat sa napakagandang taon. Gusto kong magpasalamat sa enlightening na taon.

"Pero siguro, ang wish ko, maturity nga, more maturity, more responsibility.

"As you see, nagkakamali pa rin ako. Pero aware naman ako kapag mali ako. At inaamin ko naman kapag nagkakamali ako.

"Pero yun siguro, maturity na presence of mind," saad ng birthday celebrator.

Noong nakaraang buwan ay nagkaroon ng sigalot sa pagitan ni Jake at ng kapwa niya Kapamilya na si Jason Abalos nang mag-show sila sa Davao. Pero naayos naman ito agad at humingi ng apology si Jake. (CLICK HERE to read related story.)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MEMORABLE CHRISTMAS. Naging memorable din daw kay Jake ang nagdaang Kapaskuhan.

"Christmas, masaya," sambit niya.

"Kasama ko ang buong pamilya ko na, for the longest time, ngayon lang ulit nangyari. So, masayang-masaya ako noong Christmas."

Ayon pa sa Kapamilya star, kasama rin niya noong Pasko ang girlfriend niyang si Melissa Ricks.

"Nasa bahay lang kami.

"Noong noche-buena, sa bahay ng tito ko sa Morato [Avenue], sa dad's side ko yun. Tapos the next day, sa mom's side ko naman.

"Magkasama kami ni Mel ng two days," nakangiti niyang sabi.

Wala raw kasi ang pamilya ni Melissa ngayon sa Pilipinas.

"Nasa States kasi ang mommy niya. Naiwan naman siya kasi may trabaho siya."

Biro namin kay Jake, kumpletong-kumpleto naman pala ang Christmas niya dahil kasama niya ang kanyang pamilya at pati na si Melissa.

"Oo nga!" natatawa naman niyang sabi. "At saka bihira lang din naman kasi kaming magkasama dahil parehong busy ang schedules namin.

"Isa ito sa maiko-consider ko talagang memorable Christmas ko, sobra-sobra!

"Kasi, parang ang tagal ko na rin na hindi nakasama ang pamilya ko. Tapos, first time din namin ni Mel na magsama ng Christmas, so memorable."

Bongga rin ang naging regalo nila ni Melissa sa isa't isa.

"Binigyan ko siya ng diamond earrings. Tapos, binigyan niya ako ng relo na T.W. Steel na relo at Christian Dior na sapatos," banggit ng young actor.

HANDLING HIS CAREER AND LOVE LIFE. Isa na yata sa busiest stars si Jake. Paano niya nagagawang ma-handle ang career at love life niya ngayon?

"Busy rin naman kasi si Mel," sagot niya.

"Pero yun nga ang nakita ko sa kanya. Sobrang supportive niya. Sobrang understanding niya. So, nakakatulong yun."

Ano ang masasabi niyang kaibahan ng relationship niya ngayon from his previous relationships?

"Siguro si Melissa yung pinaka-understanding. Siya yung pinaka-natitiis niya ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ako kasi talaga, minsan mahirap. Sobrang seryoso ko sa trabaho ko, at si Mel, sobrang supportive niya. Sobrang understanding niya.

"So, sinusuklian ko rin yun," saad ni Jake.

A GREAT YEAR. Hindi lang Christmas ang espesyal para kay Jake sa taong ito. Ipinagpapasalamat din niya ang lahat ng nangyari sa kanya sa this year.

"2010 was a great year. Maraming trabaho, for one.

"Pangalawa, siyempre mas naging masaya ang personal life ko.

"Tapos, to top it all, before the end of 2010, dumating ang pamilya ko.

"So, masayang-masaya talaga.

"Hopefully, ayoko lang mag-relax ng 2011 kasi kapag ganyang magandang-maganda, may tendency na mag-relax at maging kampante, na hindi dapat mangyari."

Masaya si Jake dahil every year ay gumaganda ang mga aspeto ng kanyang buhay.

"Nakakatuwa nga kasi nag-e-excel siya. And I think, it's the hard work.

"More than anything, siguro ang dapat, maging mabuting tao.

"At babalik at babalik din naman sa 'yong lahat kung magtatrabaho ka nang maigi. Babalik din sa 'yo ang trabaho."

Ngayong 2011, ano naman ang dapat abangan ng mga tao sa kanya?

"Siyempre, sa 2011, eere na yung soap na tine-tape ko nang medyo matagal-tagal na, yung Green Rose.

"Matagal naming pinaghandaan at talaga namang pinapaganda namin ang show namin. By February siya, Valentine's day."

Kasama ni Jake dito sina Jericho Rosales at Anne Curtis.

"At yung movie na sinu-shoot ko with Direk Olive Lamasan, lalabas na rin, with Aga Muhlach and Angel Locsin. Wala pa lang siyang title.

"At meron pa rin ibang naka-lineup for 2011, confidential pa nga lang siya."

Sa kabila ng mga batikos na ibinabato sa kanya, napatunayan naman ni Jake na ang anumang tagumpay na tinatamasa niya ngayon ay bunga ng kanyang sipag sa trabaho.

"Sa akin naman, nakukuha lahat yun sa hard work and determination, and that's how I made it happen. Kung paano ko nagawa ang tatlong taon na sinasabing maganda, nagawa ko sa ganoong paraan," saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Jake ay nasa pangangalaga ni Neil de Guia, ang talent manager na naging protogé ng yumaong talent manager na si Douglas Quijano. Tinuturing din si Jake bilang isang Star Magic talent.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN