Eugene Domingo did not snub MMFF Awards Night

"Salamat sa Diyos sa blessings natin, di ba? Ako'y tuwang-tuwa sa napakagandang regalong 'yan! At lubos na nagpapasalamat sa mga bumubuo ng MMFF. At sa lahat ng pumipila sa Tanging Ina!" says Eugene Domingo.


Nandito lang pala sa Pilipinas si Eugene Domingo noong Gabi ng Parangal ng Metro Manila Film Festival (MMFF), Linggo, December 26. (CLICK HERE to read related story.)

Ayon kasi sa unang reports ay nasa U.S. ang komedyana kaya hindi siya nakadalo sa awards night na ginanap sa Meralco Theater.

Nanalong Best Supporting Actress si Eugene para sa pagganap niya sa Ang Tanging Ina Mo (Last Na 'To!).

Ito ang ikalawang Best Supporting Actress trophy ni Uge (palayaw ng aktres) mula sa MMFF. Ang una ay noong 2007 para sa Bahay Kubo.

Ayon kay Uge, hindi niya inisnab ang awards night ng MMFF.

"Ay, hindi! Hinding-hindi ko inisnab! May naka-sked na talaga akong personal activity before Christmas pa," sabi niya nang maka-chat siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa Facebook kahapon, December 29.

Bakasyon daw talaga ng mahusay na comedienne ang December 25 hanggang January 2.

"Aalis din ako before New Year. Asia lang ako, kapatid!" banggit niya.

Pero labis-labis ang pasasalamat ni Uge sa napakagandang Christmas gift na natanggap niya—ang kanyang Best Supporting Actress trophy.

"Salamat sa Diyos sa blessings natin, di ba?

"Ako'y tuwang-tuwa sa napakagandang regalong 'yan! At lubos na nagpapasalamat sa mga bumubuo ng MMFF. At sa lahat ng pumipila sa Tanging Ina!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN