JC Tiuseco reveals his New Year's Resolution: "To work harder and enjoy life!"

JC Tiuseco just stayed home last Christmas because he was sick. "Two days akong maysakit, bad stomach and fever. Pero okay na ako," he says.


Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si JC Tiuseco kahapon, December 29, sa pamamagitan ng pakikipag-chat sa social networking site na Facebook.

Una munang kinumusta ng PEP kay JC kung ano ang bago niyang project sa home network niyang GMA-7.

"Sa February pa daw, sabi ni Jonas, e," sabi ng kauna-unahang Pinoy Sole Survivor.

Ang Jonas na tinutukoy ni JC ay si Jonas Gaffud, na siyang nangangalaga sa kanyang career, sa ilalim ng Mercator Model and Artist Management.

Bukod kay JC, ang ilan pa sa artists ng Mercator ay ang mga Brazilian-Japanese hunks na sina Akihiro Sato, Fabio Ide, Hideo Muraoka, at Daniel Matsunaga.

Tinanong din ng PEP kung paano nag-celebrate ng Christmas si JC.48813_780836762_2332804_q

"Nasa bahay lang ako, kasama ang family at mga kamag-anak namin," sagot niya.

Nagkasakit daw kasi ang Kapuso actor ilang araw bago mag-Christmas kaya nasa bahay lamang siya nitong nakaraang Pasko. 70682_1333752324_1199820_q

"Two days akong maysakit, bad stomach and fever. Pero okay na ako," banggit niya.

Inusisa rin namin si JC kung ano ang material gifts na natanggap niya this Christmas.

Ang ilan sa mga binanggit ni JC ay isang dog tag mula sa X-Life—ang show niya sa Q11 with Gino dela Peña and Stephanie Henares—isang iPad at USB.

Pero ang pinakamagandang regalo raw na natanggap niya ay "quality time" kasama ang kanyang buong pamilya during the holidays.

Nang kumustahin naman namin ang kanyang love life, sinabi niyang "zero" ito ngayon. Sa trabaho raw muna siya naka-focus.

Dahil ilang araw na lang at 2011 na, tinanong din ng PEP kung ano ang New Year's Resolution ng hunky star.

"To work harder and enjoy life!" sagot ni JC.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN