Marian, Bong, Jake, Sid, Sweet, Krystel, Ronnie, Yul, Diether, and Dennis sum up their best and worst of 2010

(Clockwise from top left) For John Lapus, Marian Rivera, Bong Revilla, and Sid Lucero, 2010 was full of blessings.


Ilang oras na lang at iiwanan na natin ang 2010. At bagamat maraming masamang bagay ang nangyari sa bansa sa taong ito, umaasa pa rin tayong mga Pilipino na magiging mas matingkad at mas mabuti ang 2011 para sa atin.

Gayon din ang nararamdaman ng ating mga bituin. Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang ilang mga artistang kasama sa MMFF Parade of the Stars noong Disyembre 24, 2010, at nagsabi sila ng mga best at worst na mga pangyayari para sa kanila sa 2010.

Binanggit rin ng mga bituin ang kani-kanilang mga new year's resolution para sa darating na taon.

MARIAN RIVERA. Para sa star ng Super Inday and the Golden Bibe, puro best lang ang nangyari sa kanya sa 2010. "Halos lahat ng nangyari sa akin sa araw-araw e best talaga. Walang worst," saad niya.

Gusto namang alagaan ni Marian ang kanyang sarili para sa 2011. "New year's resolution? Sinasabi ko palagi, last year kasi wala akong time para i-pamper yung sarili ko. So, this time kahit anong busy ko, sabi ko sa sarili ko, talagang kailangan e ma-relax ko yung katawan ko," banggit ng Kapuso actress.

JOHN LAPUS. Para naman sa comedian-host ng Showbiz Central at siyang Golden Bibe sa Super Inday and the Golden Bibe, importanteng bantayan niya ang kanyang kalusugan sa 2011.

Saad ni John, "Worst? Hindi ako nakapagpahinga. Hindi ako nakapagbakasyon noong 2010. Na-ospital ako, di ba? Four times akong na-ospital. I mean, E.R. lang naman, but it's also a new year's resolution to take care of my health for 2011."

Kaya naman gusto ni John na magbabad sa kanyang bagong bahay sa susunod na taon. "Because napansin ko, lagi akong ano, yung bahay ko tinutulugan ko lang. So, lagi akong paggising, work na kaagad. Pag walang work naman, labas kaagad ako ng bahay. I finally bought my own house-and-lot, so I promise to make sure na mag-stay sa kanya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano naman ang best para sa TV host and actor? "I think that would be Super Inday and the Golden Bibe, because this is my first movie after so many movies na yung character ko is part of the title," sagot ni John.

JAKE CUENCA. Worst naman para kay Jake Cuenca, na ABS-CBN talent at nasa cast ng Regal Films' Super Inday and the Golden Bibe, ang mga masasamang isyu na kumabit sa pangalan niya sa 2010.

"Siguro, kung meron mang worst, yung ibang mga issues na puwede naman sana maiwasan. But again, okay lang, e. At least you learn from your mistakes, di ba?" saad ni Jake.

Konektado dito ang kanyang new year's resolution. "Maturity. More self-sacrifice, maturity, responsibility," banggit ng young actor.

RONNIE RICKETTS. Konektado naman sa trabaho ni Ronnie Ricketts ng Super Inday ang mga worst na nangyari sa kanya sa 2010. Si Ronnie ang chairman ng Optical Media Board, ang ahensiyang lumalaban sa video piracy.

"Yung una siyempre, normal. Nagkakaroon ka ng mga death threats. Maraming naninira sa 'yo, may mga hindi naniniwala sa mga programa mo. But after a while, na nakita nila kung saan direksyon tayo pupunta, nakita ko yung suporta ng industriya, napakaganda," saad ng dating action star.

Pero kung meron mang worst, meron ding best na matatawag si Ronnie. "Well, ang dami nating awards na natanggap. We got Fernando Poe Jr. model award. We got also from the MMDA para dito sa campaign sa anti-piracy. We were given an award for Walk of Stars. And a lot of citations in terms of public information and operation. So, unbelievable!"

BONG REVILLA. Wala namang mahihiling pa ang aktor at senador—na nag-top sa box office ng kasalukuyang Metro Manila Film Festival sa pamamagitan ng Si Agimat at Si Enteng Kabisote—kaya wala siyang mabanggit na new year's resolution.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Alam mo, ano pa bang pagbabago ang aanuhin ko sa sarili ko? Sa tingin ko, wala na, e. Ang sa akin lang, 'pagpatuloy ko yung mga nagawa ko in the past, huwag magbago ang takbo ng suwerte natin. Yun! Ano pa bang hihilingin ng isang Bong Revilla? Lahat nand'yan na," saad niya.

Konektado naman sa political career niya at ng kanyang pamilya—ang asawang si Lani Mercado at ang anak na si Jolo Revilla—ang mga best na nangyari sa senador.

"Nanalo si Lani [bilang congresswoman], si Jolo is now a board member. Nagsimula sa Kapitan, ngayon board member na. So, marami. Tapos nag-number one pa tayo sa Senado so we are so blessed," paliwanag niya.

Hindi naman daw iniisip ng senador ang mga hindi magandang pangyayari sa buhay niya sa 2010.

"I'm a positive thinker. Kung ano man yung mga negatives, magiging positives 'yan next year," sabi ni Bong.

DIETHER OCAMPO. Positive thinker din ang male star ng Dalaw. Wala rin siyang mabanggit na worst moment of 2010.

"Maganda yung mga nangyari, kaya maganda rin yung pagtatapos ng 2010. Kaya we're looking forward to a much, much more exciting 2011," sabi ni Diether.

Samantala, wala namang maisip na new year's resolution si Diether sahil sa sobrang pagkaabala. "Naku. Teka, itse-check ko muna yung listahan ko. Sobrang busy ako ngayong holiday season, e."

YUL SERVO. Positive na positive din ang mga sagot ng isa sa male leads ng Rosario.

"Ang pinaka-the best dun yung nagkaroon ako ng pelikulang Rosario, at nanalo ako bilang konsehal ng third district ng Manila," saad ni Yul, na matagal na ring nasa local politics.

Related din sa kanyang political career ang kanyang new year's resolution. "Ang new year's resolution ko, siyempre, maging maganda pa yung career nating bilang artista at konsehal. Sana marami pa kong matulungan at marami pang trabaho."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

KRYSTEL. Para naman kay Krystel Moreno ng Shake, Rattle and Roll XII at ABS-CBN primetime series na Kristine, maganda ang itinakbo ng career niya sa 2010. Nakabili pa nga raw siya ng bagong kotse.

"Best ngayong taon? Siguro yung car. Nakabili ako ng bagong car, Honda Civic. Sabi ko nga, sana next year, bahay naman. Para dream come true naman," sabi ng sexy actress.

Career pa rin ang iniisip ni Krystel para sa kanyang new year's resolution. "Ako? Pumayat? Kasi pressure sa Kristine dahil ang seseksi nila. Oo, di ba? So kailangan nating mag-double effort diyan."

DENNIS TRILLO. Puro blessings din ang dumating kay Dennis Trillo ng Rosario ngayong 2010. "Best and worst? Wow, ano bang best and worst? Well, puro best lang dahil maraming blessings talaga. Sa sobrang dami hindi na ako makaisip ng mga worst na mangyari. Kinalimutan ko na," sabi ng Kapuso actor.

Career-minded din si Dennis sa kanyang new year's resolution. "Ako na lang, i-maintain ko lang yung mga ano, yung mga blessings na natanggap ko, and alagaan yun, para mas marami pang dumating."

SID LUCERO. Career din ang iniisip ni Sid Lucero ng Rosario para sa 2011. "More work, more discipline" raw ang kanyang new year's resolution.

Ang best na pangyayari naman ni Sid para sa 2010 ay ang pagkaka-nominate niya for Best Performance by an Actor sa International Emmys sa New York. Ito ay para sa performance niya sa ABS-CBN primetime series na Dahil May Isang Ikaw.

Sa New York din daw naganap ang worst moment of 2010 niya. "I lost my credit card in New York," banggit ni Sid habang tumatawa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN