Neil Coleta starting to get noticed thanks to an iced tea commercial

"Ngayon, mas lalo akong ginaganahan sa trabaho dahil nga sa magandang feedback sa commercial namin. Yun ang naging inspirasyon ko. Dapat mas galingan ko. Like sa acting, dapat ibibigay ko yung lahat dahil mataas ang expectation sa akin," says Neil Coleta.


Matagal na rin namang nag-aartista ang young actor na si Neil Coleta.

In fact, naging part siya noong 2008 ng defunct youth-oriented show ng TV5 na Lipgloss. Pero hindi pa rin yun naging dahilan para makilala siya ng publiko.

Salamat na lang at siya ang napiling maging bida sa isang brang ng iced tea kung saan gumanap siya bilang si "Nikos." Siya yung nag-dialogue na ayaw niyang maging member ng SMP (Samahan ng mga Malalamig ang Pasko).

Yun ang naging daan para mapansin na rin siya ng mga tao dahil malakas ang recall ng nasabing commercial. Siyempre pa, masaya si Neil sa malakas na dating ng kanyang TV commercial.

"Ang sarap ng feeling, nakakataba ng puso," sambit niya.

"Ngayon, mas lalo akong ginaganahan sa trabaho dahil nga sa magandang feedback sa commercial namin. Yun ang naging inspirasyon ko.

"Dapat mas galingan ko. Like sa acting, dapat ibibigay ko yung lahat dahil mataas ang expectation sa akin."

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Neil sa Grams restaurant sa ABS-CBN compound.

FREELANCER. Naiikot ngayon ni Neil ang Kapamilya, Kapuso, at Kapatid networks dahil freelancer siya.

Si Neil ay lumabas na sa defunct afternoon soap ng ABS-CBN na Rosalka bilang si Randy. Napanood din siya bilang si Junior sa primetime series ng GMA-7 na Jilian: Namamasko Po.

Noong Huwebes, January 13, ay napanood naman si Neil bilang lover ni Eula Valdes sa Untold Stories ng TV5.

"Tinanong ako ni Ms. Eula, 'Anak ba kita dito?' 'Hindi po. Ako po yung boyfriend.' Nagulat po si Ms. Eula!" natatawang kuwento ng 19-year-old actor.

Posible bang pumatol siya sa mas matanda sa kanya?

"Hindi ko masabi. Depende kung na-fall ako. Why not?

"Pero parang awkward lang. Pero sabi nila na malapit daw ako sa ganoon."

Si Maja Salvador ang crush ni Neil sa hanay ng mga young actresses ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang ganda kasi ng mukha niya," nakangiti niyang sabi.

Sina Bea Alonzo naman at John Lloyd Cruz ang mga hinahangaan ni Neil pagdating sa pag-arte.

NEIL'S MANAGER. Ang manager ni Neil ay si Becky Aguila, na siyang manager nina Jennylyn Mercado at Valerie Concepcion. Si Becky rin ang dating manager ni Angel Locsin.

Kuwento ni Neil, "Sa Lipgloss pa lang, kinukuha na ako ni Tita Becky. Yung brother ko kasi friend ni Tita Becky. That time kasi hindi ako puwede.

"Nagkita kami nung nag-audition ako para sa Rosalka. Kinausap niya ako at dun na nagsimula na nagpa-manage ako sa kanya."

Nag-aaral ngayon si Neil sa Adamson University ng kursong Information Technology.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN