Director Adolf Alix Jr. disappointed by X-rating of Chassis

by Ruel J. Mendoza
Jan 21, 2011
"We will appeal the decision as we want the film to be shown in its entirety. Nakakalungkot na sa ibang bansa ay naipapalabas natin ito nang buo. Pero sa ating sariling audience ay hindi," says director Adolf Alix Jr. about the X-rating given by the MTRCB after first review of his film, Chassis.

Nalulungkot ang direktor ng critically-acclaimed indie film na Chassis na si Adolf Alix Jr. dahil nabigyan ng X-rating ang kanyang pelikula ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Kapag nabigyan ng X-rating ang isang pelikula ay hindi ito puwedeng ipalabas sa commercial theaters.

Ayon kay Direk Adolf, X kaagad ang ibinigay na rating ng MTRCB sa first review ng Chassis. Pero mag-aapela raw ang direktor dahil gusto niyang ipalabas nang bup at walang cut ang Chassis.

"We will appeal the decision as we want the film to be shown in its entirety. Nakakalungkot na sa ibang bansa ay naipapalabas natin ito nang buo. Pero sa ating sariling audience ay hindi.

"I will stand by showing it in its integral version because if the scene is taken in context, it was not shot to arouse prurient interest but rather as an act of revenge by the poor woman who was victimized," saad ni Direk Adolf sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa kanya sa pamamagitan ng Facebook.

Continue reading below ↓

Ang sinasabi ni Direk Adolf na eksenang gustong ipatanggal ng MTRCB ay ang castration scene sa ending ng pelikula. Eksena iyon ng bida na si Jodi Sta. Maria at sa scene ay pinutol niya ang pagkalalaki ni Paolo Rivero.

"The reviewers want to remove and just 'establish' the ending but I think it is very vital for the character of Jodi," pagtatanggol ni Direk Adolf sa eksena na iyon.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nabigyan ng X-rating ang pelikulang gawa ni Direk Adolf. Nabigyan din ng X-rating ng MTRCB noong 2009 ang indie film niyang Aurora kunsaan bida si Rosanna Roces.

Pinapaputol ang matinding rape scene ni Rosanna with Kristoffer King sa pelikula.

Last year ay napasama sa tatlong malalaking international film festivals ang Chassis. Una sa Pusan International Film Festival in Korea, pangalawa sa Vancouver International Film Festival in Canada, at sa Mar del Plata International Film Festival in Argentina.

Continue reading below ↓

Sa tatlong international film festivals na 'yon ay buong naipalabas ang Chassis at pinuri ito ng film critics doon. Pinalabas na rin ang pelikula last November 2010 sa UP Film Center.

Ngayon ay may European premiere ang Chassis sa 40th Rotterdam Film Festival in The Netherlands. Magkakaroon din ito ng screening sa Goteborg Film Festival in Sweden by the end of January.

Sa February naman ay sa FICCO Mexico International Film Festival ipalalabas ang Chassis.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"We will appeal the decision as we want the film to be shown in its entirety. Nakakalungkot na sa ibang bansa ay naipapalabas natin ito nang buo. Pero sa ating sariling audience ay hindi," says director Adolf Alix Jr. about the X-rating given by the MTRCB after first review of his film, Chassis.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results