Kylie Padilla on first taping day of Tween Hearts: "I feel okey sa set kasi alam ko I will be working with one of the best people in the industry."

Kylie Padilla describes working with director Gina Alajar: "I thought nga na strict si Direk Gina pero hindi naman pala. She's very nice and very helpful."

Kylie is all praises for co-star Derrick Monasterio. "At first, he was so shy. Pareho kami. Maybe because we haven't met each other yet. Pero after the workshop, naging okey na kami. Nagkukuwentuhan na kami... Then noong mag-taping na ako for Tween Hearts, he was the one


Nag-first taping day na nga noong nakaraang Saturday (January 22) para sa Reel Love Presents Tween Hearts si Kylie Padilla.

Si Kylie nga ang magiging bagong partner ni Derrick Monasterio sa naturang tween series bilang kapalit ni Louise delos Reyes na nagbibida na ngayon sa afternoon drama series ng GMA-7 na Alakdana.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Kylie sa set ng Tween Hearts sa Albergus Restaurant sa Capitol Hills, Quezon City, masaya at sobrang excited siya sa unang taping day niya for the show. Alam daw kasi niya na big hit ang naturang series at masuwerte siya at nakasama sa cast nito.

"I'm very excited and so happy to be working here sa Tween Hearts. I got nervous at first kasi si Derrick lang ang kilala ko talaga.

"Nakapag-acting workshop na kasi kami for Dwarfina. Hindi pa nga kami nakakapag-taping together sa Dwarfina, mas nauna pa kaming magkaroon ng scene dito sa Tween Hearts," ngiti pa ni Kylie.

Hoping ang batang aktres na makasundo niya lahat ng mga tween stars sa show.

"I am hoping for that kasi ang warm ng welcome nila sa akin. Matagal na raw nila akong hinihintay na mag-taping na kasama sila. I am happy na welcome na kaagad ako sa kanila. I hope to be good friends with all of them."

Hindi naman daw nahirapan si Kylie sa unang sabak niya sa eksena dahil very supportive daw ang kanilang director na si Ms. Gina Alajar. Tinuturo nga raw sa kanya ni Direk Gina ang mga dapat gawin niya sa mga eksena at mabilis naman daw niyang nasusunod.

"I thought nga na strict si Direk Gina pero hindi naman pala. She's very nice and very helpful," kwento niya.

"Para siyang teacher namin sa set. Parang may workshop kami parati. Kaya I feel okey sa set kasi alam ko na I will be working with one of the best people in the industry."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tungkol naman sa ka-loveteam niya sa Tween Hearts at Dwarfina na si Derrick, very vocal nga ito na sinasabing ang ganda-ganda niya. Natutuwa nga si Kylie dahil hindi na nga raw mahiyain sa kanya si Derrick.

"Makulit na siya," tawa pa ni Kylie.

"At first, he was so shy. Pareho kami. Maybe because we haven't met each other yet. Pero after the workshop, naging okey na kami. Nagkukuwentuhan na kami.

"Then noong mag-taping na ako for Tween Hearts, he was the one introduced me to the cast. Siya pa lang kasi ang kilala ko kaya kaming dalawa ang nag-uusap parati.

"I later found out na madaldal pala siya. He has many stories kaya naging madaldal na rin ako. Now okey na kami ni Derrick. We're both makulit na with one another."

Nagsabi nga si Derrick na may possibility daw na ligawan niya si Kylie kapag mas nakilala na nila ang isa't isa. Gusto raw muna niyang maging good friends sila at ayaw niyang basta na lang manligaw ng mabilisan.

Okey lang daw kay Kylie na ligawan siya dahil may blessing naman mula sa kanyang ama na si Robin Padilla. Pero sana raw ay huwag munang unahin ang panliligaw o pagkakaroon ng boyfriend dahil trabaho muna ang uunahin niya.

"I want to make friends muna. I want to get to know these people more. Like si Derrick, I want na maging magkaibigan muna kami. Gusto naming mag-work ang team-up namin sa shows.

"Wala namang problema sa pagligaw, may blessing naman na from my papa. But it's not what I want now. I want to do good sa trabaho ko.

"I want my papa and mama to be proud of me because of what I am doing now. Yung magka-boyfriend, later na lang yan kapag okey na ako sa mga ginagawa ko," pagtatapos pa ni Kylie Padilla.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN