Paolo Ballesteros goes all the way with his drag-queen role in I ♥You Pare

"Madali lang naman yun. Trabaho naman natin 'to. Sana kung nakita niya akong naggo-grocery at naka-makeup ako, naka-false eyelashes, ay naku, yun ang hindi ko mae-explain! O kaya nakita niya ako sa bahay na nakatakong ako. Naku, yun ang iba na!" says Paolo Ballesteros on how will he explain wearing women's clothes and playing gay roles to his daughter.


Isang drag queen ang role na ginagampanan ng actor-TV host na si Paolo Ballesteros sa upcoming romantic comedy series ng GMA-7, ang I ♥You Pare.

Bilang Vodka, si Paolo ang magiging karibal ni Regine Velasquez—bilang babaeng nagpapanggap na bakla (Tonette)—sa club na pinagtatrabahuan nila.

"Magkaribal kami ni Regine sa bar kasi ako ang star ng club bago siya dumating. Marami akong sayaw-sayaw rito, tapos lipsynch..." paglalarawan ni Paolo sa kanyang role habang nakasauot pa rin ng kanyang girlie costume.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Paolo sa presscon ng I ♥You Pare kagabi, January 31, sa Boiler Room, Riverbanks, Marikina City.

Hindi ito ang unang pagkakataon na gumanap na bading at nagsuot ng damit-pambabae si Paolo. Pero hindi maitatangging maraming patataubing tunay na babae ang Eat Bulaga! mainstay dahil sa kanyang kagandahan kapag nakaayos-babae siya.

WORKING WITH REGINE. Ito ang unang pagkakataon na nakatrabaho ni Paolo si Regine. Kumusta ang pagtatrabaho nila?

"Mahirap!" nakangiti niyang sagot.

Bakit naging mahirap?

"Nahihiya nga kasi ako, pero hindi na ngayon. Charot! Kasi, nagano'n-gano'n ko na siya," sabi ni Paolo, na ang ibig sabihin ay naduro-duro niya ang Asia's Songbird sa mga eksena nila.

"Pero okay kasi si Regine, parang bakla rin," pahabol ni Paolo.

GAY ROLES. Dahil dalang-dala ni Paolo ang pagdadamit-babae, tila na-typecast na siya sa gay roles. Pero wala naman daw problema sa kanya.

"Okay lang. Basta may trabaho. Kesa naman puro panlalaki [na role], e, wala namang trabaho," sabi niya.

Dahil sa madalas niyang pagdadamit-babae ay sanay na raw si Paolo maglagay ng false eyelashes at mag-makeup.

Katuwiran niya, "Pinagkakakitaan, e."

PAOLO'S DAUGHTER. May two-year-old daughter si Paolo na nasa U.S., kasama ang ina nito na dating girlfriend ng aktor. Bagamat toddler pa lang ang anak ni Paolo, paano niya kaya ie-explain dito ang pagganap niya ng gay roles at pagdadamit-babae?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ko nga alam kung paano ko ie-explain kapag nakita niya sa Edsa ang mga billboard namin na naka-swimsuit!" natatawa niyang sabi.

Pero seriously, maipapaliwanag naman daw niya nang maayos sa anak ito.

"Madali lang naman yun. Trabaho naman natin 'to. Sana kung nakita niya akong naggo-grocery at naka-makeup ako, naka-false eyelashes, ay naku, yun ang hindi ko mae-explain! O kaya nakita niya ako sa bahay na nakatakong ako. Naku, yun ang iba na!"

Nasa Arizona ang anak ni Paolo na si Keira Claire. September last year daw niya huling nakita ang anak.

Hindi raw niya naisipang dalawin noong Pasko ang anak dahil wala raw siyang budget, bukod pa sa may trabaho siya araw-araw sa Eat Bulaga!.

Pero ayon kay Paolo, sa Pilipinas pa rin talaga magse-settle ang mag-ina niya.

"Babalik pa rin naman dito. Nagkataon lang na yung lola, may inaayos sa States," sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN