Dingdong Dantes is confident that his team-up with Regine Velasquez will never be an issue

"Ako, so far, alam ko namang wala akong problema. 'Saka, siguro kung magkaroon man ng pagkakamali, hindi ko tatakasan yun because we're trying to show a good example of a good citizen. That's one step of showing your love for the country," says Dingdong Dantes about the problem of some of the stars with the Bureau of Internal Revenue.


Malaking tulong ang pagiging magkaibigan nina Dingdong Dantes at Regine Velasquez para mapagaan at maging kumportable sila sa taping ng pinagtatambalan nilang teleserye sa GMA-7, I ♥ You Pare.

Panatag ang loob ni Dingdong na walang isyung susulpot sa kanila ni Regine habang ginagawa nila ang kanilang serye na magsisimula nang ipalabas sa February 7.

"Yun ang maganda sa pagkakaibigan namin, alam namin where we stand and we're professionals to respect each other, talent-wise and being [makatao]. Malaking bagay talaga na magkaibigan kami and it made us easier to do this," pahayag ni Dingdong.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang aktor sa presscon ng I ♥ You Pare noong Lunes, Enero 31.

Noong una pa lang daw na malaman niyang makakasama niya si Regine sa isang acting project, na-excite na agad si Dingdong lalo't alam niyang magku-comedy rin siya.

"Yung dati kasi, parang pasulpot-sulpot lang, e. Pero dito, talagang may mga situations na akala mo pag nagde-deliver ka, hindi comic ang dating. Pero pag napanood mo, comedy pala. I'm happy kasi kakaiba naman sa mga roles na ginawa ko before," sabi ng aktor.

MARIAN RIVERA. As usual, ang tungkol na naman sa kasintahan niyang si Marian Rivera ang isa sa mga naging sentro ng interview kay Dingdong ng karamihanng press. Kaya tinanong namin siya kung hindi ba siya nagsasawa sa paulit-ulit na pagtatanong sa kanya kung kailan sila ikakasal ni Marian.

"Hindi naman," nakangiting sagot ni Dingdong.

"Siguro hangga't hindi nangyayari yun, meron at merong mga tanong about that. Hindi ko naman masisi dahil partner ko just got married. At yun ang nagiging usap-usapan naman."

Ang tinutukoy ni Dingdong ay ang pagpapakasal ni Regine kay Ogie Alcasid noong December 22, 2010.

Hindi ba siya nag-aalala dahil ang daming nag-aabang kung kailan sila ikakasal ni Marian, tapos ang ending ay maghihiwalay rin pala sila?

"Actually, isang bagay rin yun kaya hangga't maaari I don't wanna talk about it. So, I will just let the situation speak for itself. Pag talagang mangyayari, mangyayari," sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hanggang ngayon ay hindi pa rin daw nagbabago ang magandang samahan nina Dingdong at Marian. Inamin din ng aktor na okey sila sa kasalukuyan ng aktres.

VALENTINE'S DAY. Sa mga naunang interviews ni Dingdong, kinukunsidera niyang magpunta ng Baguio kasama si Marian para doon mag-celebrate ng Valentine's Day. Pero mukhang maiiba ang plano.

"Sana, sana... Kasi ang Monday namin will be... [February] 14, e, nandito kami, nagti-taping kami. But hopefully, may magawa kami sa weekend. Kasi 12-13, Saturday and Sunday, baka puwede kaming...

"Pero hindi na Baguio. Kasi Baguio pa lang, anim na oras na agad ang kakainin sa iyo papunta pa lang. Siguro ang gagawin na lang namin, relax na lang, kain, inom!"

Naubusan na ba siya ng idea kung paano niya sosorpresahin si Marian?

"Oo," pag-amin ni Dingdong.

"Pero ang nangyayari naman sa akin, yun, pag a day before, may mga lumalabas na bright idea. So, magaling ako sa cramming. Pag alam kong malapit na, doon lumalabas yung adrenaline," paniniwala ni Dingdong.

NO TAX PROBLEM. Next month ay sisimulan na ang Bureau of Internal Revenue (BIR) season. Meaning, ito yung mga panahong kinakailangang magbayad na ng buwis ang lahat.

Isa sa mga laging nalalagay sa balita na may problema sa BIR ay ang mga artista. Sa kaso ni Dingdong, wala ba siyang problema sa BIR?

"Ako, so far, alam ko namang wala akong problema. 'Saka, siguro kung magkaroon man ng pagkakamali, hindi ko tatakasan yun because we're trying to show a good example of a good citizen. That's one step of showing your love for the country," sabi niya.

Ano ang nararamdaman niya para sa mga kapwa niya artistang may problema sa BIR?

"Alam mo, maaaring may pagkakamali lang siguro. Maaaring may hindi nakita o na-oversee, pero lahat naman yun naaayos, e.

"Yun lang, sana walang with the intention na gusto mo lang makaisa. Kasi kung yun talaga na gusto mong makalamang sa umpisa pa lang, may paglalagyan ka talaga."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang feeling niya na kadalasan ay mga artista ang nasasalang sa isyu ng hindi pagbabayad ng buwis?

"Kasi, it is because sa ating mga media, tayo ang laging nakikita. Kumbaga, napupuna tayo sa lahat ng kilos natin. Yun ang mas namo-monitor nila.

"Mas malaki ang chance of really verifying kung match ba yun sa na-file mo o hindi. Aside from other professions, ito talaga yung mas watched."

SURROUNDED BY GAYS. Tungkol naman sa I ♥ You Pare, napapaligiran ng sangkatutak na mga bading si Dingdong dito. Ayon sa kanya, wala pang bonding na nagaganap sa kanila at sa mga kasamahan niya sa serye na mga drag-queen performers.

"Hindi pa naman kami sa nagba-bonding pa nang literal. Kasi originally, sa character ko, hindi pa ako gano'n ka-relax sa kanila, e.

"Pero si Kevin [Santos], yun talaga. Nakakatawa yung character ni Kevin," nakangiting sabi ni Dingdong, na ang ibig sabihin ay ang homophobic role ng kanyang co-star.

Aminado si Dingdong na homophobic siya noong bata siya. Pero nilinaw niyang hindi iyon dahil nagkaroon siya ng masamang karanasan sa bading dahil wala naman daw insidenteng nabastos siya ng mga ito.

"Wala naman akong bad experience. Pero minsan, yung society, may sinasabing bagay na hindi mo pa naiintindihan no'ng mga panahong iyon.

"It really had to take maturity and understanding, yung pakikipagkaibigan ko. Like, example, my manager [Perry Lansigan], ilang taon na niya akong mina-manage. Like yung mga gano'n.

"Pero when it comes to bonding with them, hindi pa dapat dahil sa character ko na hindi pa dapat. Tini-take ko siya as is na parang totoong nangyayari.

"Kasi eventually, parang magiging friends din kami," paliwanag niya.

Natawa si Dingdong sa tanong namin kung may nagkainteres bang bading at nagparamdam sa kanya no'ng bata-bata pa siya.

"Wala nga, e!" iiling-iling niyang sabi habang nangingiti.

Paano raw kasi siya matitipuhan ng mga bakla gayong mayaman na siya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala naman sa yaman, e, it's all about love!" sabay tawa nito.

Kung noon ay hindi na isyu kay Dingdong ang mga bading sa society, lalo na ngayong matagal na siya sa showbiz at nakakasama pa niya ang mga ito sa kanilang serye ni Regine.

"Nothing has changed. Siguro, nadagdagan lang ang bilib ko sa kanila, especially the ones who perform, the ones who are always creative.

"Kasi minsan, hindi naman talaga artista. Pero kapag nag-punchline or nag-deliver, kakaiba. Kakaiba ang energy at performance level. Saludo ako sa talent nila."

Hindi pa naman siya nai-in love sa bading?

"Hindi pa naman. Mas okey ako sa babae," mabilis niyang sagot.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN