Precious Lara Quigaman and Marco Alcaraz want to have a beach wedding in 2012

Precious Lara Quigaman says she would rather not watch the sexy flicks of her future husband, Marco Alcaraz. The beauty queen turned actress received a black diamond ring (inset) and earrings from her fiancé.


Nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang blooming na blooming at masayang-masayang si Precious Lara Quigaman sa presscon ng kanyang ABS-CBN show na Mutya, na pinagbibidahan ng bagong child star na si Mutya Orquia. Katambal ni Lara rito ang nagbabalik sa telebisyon na si Alfred Vargas.

Kapansin-pansin ang maningning na black diamond set (ring and earrings) ni Lara during the presscon kaya tinanong siya kung ito ay regalo sa kanya ng kanyang fiancé na si Marco Alcaraz.

"Ito yung engagement rin na ibinigay sa 'kin ni Marco. Alam niya kasi na black ang paborito ko. Napanood ko kasi yung Sex in the City ni Sarah Jessica Parker kunsaan binigyan siya ng black diamond ng boyfriend niya. Sabi ko sa sarili ko, basta ako, pag may nag-propose sa akin, gusto ko black diamond din ibigay sa akin. So, yun ang ipinagawa niya para sa akin.

"Ibinigay niya 'to late last year nung nagplano na kaming magpakasal. Di lang engagement ring ang ibinigay niya sa akin, pati set ng black diamond earrings din. Mahal na mahal talaga ako ng boyfriend ko!" saad ni Lara.

THE WEDDING. Ano ang dream wedding nila ni Marco?

"Beach wedding definitely," pag-amin ni Lara.

Sinabi ni Lara sa PEP kung kailan nila plano magpakasal ng kanyang fiancé.

"This year kasi ikakasal ang sister ko, so pauunahin ko muna siya," aniya. "We are planning na 2012 na ang kasal namin.

"Hindi uuwi si Mama this year kasi ikakasal din ngayong taon yung sister ko. Wala pang definite plan about our wedding kasi nakatuon yung attention ko sa pagtulong sa wedding ng sister ko.

"Kaya naisip naming baka May or October 2012 ang wedding namin dito sa Manila at hindi naming itatago sa publiko ang kasal namin na yun."

Naniniwala ba siya sa sukob?

"Hindi ako naniniwala sa sukob, naniniwala ako sa gastos!" biro ng Miss International 2005 titleholder.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

THE PROPOSAL. Paano nag-propose sa kanya si Marco?

"Hindi siya nangyari sa isang fancy restaurant. Ang desisyon namin na magpakasal, it was mutual. Tinanong niya ako very casually, nang walang ring, then habang nagtagal, nag-decide kami. Pinag-pray namin kung ito ba talaga ang gusto naming gawin.

"Nung nag-decide kami magpakasal, hindi dahil nasorpresa ako or hindi dahil sobrang bongga ang proposal niya...dahil yun ang gusto namin pareho.

"While we were in Canada, nung nandun rin ang family niya, nagkaraoon ng formal proposal in front of them. May pamamanhikan doon," kuwento ng former beauty queen.


MARCO'S SEXY IMAGE. Kilala si Marco sa pagkakaroon ng sexy image, gaya ng sa pelikulang Pitik Bulag (2009). Kapag kasal na sila, may mga limitasyon ba siyang ise-set para sa kanyang asawa?

"Wala naman, pero hindi ko papanoorin pag meron para wala nang selosan," sabi ni Lara.

May mga nagsasabi na masuwerte si Marco dahil mapapangasawa niya si Lara na isang beauty queen. Pero ayon sa dating Miss International, siya ang mas pinalad sa sitwasyon na ito.

"Si Marco kasi para siyang papa ko na kahit anong away ko sa kanya, hindi niya ako pinapatulan. Siya pa ang naglalambing sa akin at siya pa nagso-sorry sa akin. At sa aming mga babae, yun ang hinahanap namin—yung kami ang inaalagaan at kami ang lalambingin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN