John Prats and Rachelle Ann Go say working for rival networks is an advantage to their relationship

Kahit hindi magka-holding hands ang magkasintahang sina John Prats at Rachelle Ann Go sa premiere night ng Bulong ay halatang close na close sila sa isa't isa.


Kagabi, February 1, ay sabay na dumating ang magkasintahang sina John Prats at Rachelle Ann Go sa premiere night ng Star Cinema film na Bulong sa Cinema 10 ng SM Megamall. Hindi man magka-holding hands ang dalawa ay halatang sweet sila sa isa't isa.

Sa panayam nila sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press, ipinahayag nina John at Rachelle Ann na isa ang panonood ng pelikula sa kanilang mga date para sa buwan ng mga puso.

Ayon kay John, may inihahanda rin siyang sorpresa para kay Rachelle sa February 14. Sikreto rin daw muna ang mga regalong ibibigay niya sa dalagang singer.

Dahil sa nakikitang pagkakamabutihan ng dalawa, hindi naiwasang itanong ng press kay John kung nahirapan ba siyang pasagutin si Rachelle.

"Hirap din, a! Tiyaga, tiyaga," sagot niya. "Mahirap, oo. Mahirap. Pero worth it lahat."

Pahayag naman ni Rachelle Ann, masaya siya na niligawan siya ni John.

"Nararamdaman ko na proud ako, na ang sarap ng pakiramdam," sabi ng singer.

At kahit nasa magkaibang network ang Kapamilyang si John at ang Kapusong si Rachelle Ann, lalo pa raw silang nagiging close sa isa't isa.

"Advantage" pa nga raw na magkaiba sila ng network, saad ni John.

Dagdag niya, "Kumbaga, pag nagkikita kami, para sa akin, miss na miss ko siya dahil hindi kami nagkakasama sa ASAP, dahil Party Pilipinas siya."

FAMILY TIES. Pagpapatuloy ng dalawa, nag-click daw sila dahil pareho silang malapit sa kani-kanilang mga pamilya.

"Lagi kong sinasabi na sobrang blessed ako dahil sa family niya," pahayag ni John. "Isa 'yon na sobrang napakabait din. Nakita ko yung family ko sa family niya."

Sagot naman ni Rachelle, "Lagi niya akong napapasaya. Masayang kasama, kausap. Napakasimpleng tao niya. Walang yabang sa katawan. Napakatotoong tao niya. Very sincere, and yun nga, mapagmahal sa family. Kung ano kasi ako sa pamilya ko, nakikita ko rin sa kanya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag ni John, "Ang sarap din na nagkakasundo kami sa parte na yun, na when it comes to family, walang question yun dahil parehas kami na malapit sa pamilya namin."

Tanong ng press, may chance ba na matuloy na sa dambana ang kanilang relasyon?

"Gusto ko siya niya. Yun na naman yun," pahayag ni John.

"Oo, dapat ganun naman talaga yung thinking natin, e," pagsang-ayon ni Rachelle.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN