Ms. Celia Rodriguez remains close to former co-star Marian Rivera; defends her against critics

"I'm with her three times a week, for seven months. Alam ko ang ins and outs ni Marian, alam ko yung tanrums niya. Hindi naman tayo perfect, e. Ang problema dito sa atin, if you are yourself, suplada, antipatika, yung ganun. E, gusto mo yung palagi na lang showbiz? Gusto mo palagi na lang kaipokritahan, nakangiti kahit may regla ka? Hindi naman puwede yung ganun. You have to take her as she is. Marian is a very nice person!" says Celia Rodriguez about former


Sa kabila ng kanyang mataray at kontrabida image, napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na masaya palang kainterbyuhan ang veteran actress na si Ms. Celia Rodriguez.

Nakausap ng PEP si Ms. Celia sa presscon ng GMA-7 romantic-comedy series na I ♥ You Pare, kung saan ginagampanan niya ang papel ni Marita Castillo, "the great mother of all badings."

Kung ngayon ay si Dingdong Dantes ang katrabaho niya sa I ♥ You Pare, noon ay ang kasintahan ng aktor na si Marian Rivera ang laging ka-bonding ni Ms. Celia sa set ng defunct Kapuso telefantasya na Darna.

Miss na miss na raw ng beteranang aktres si Marian pero, 'Palagi namang nagte-text sa akin yung batang yun," sabi ni Ms. Celia.

Naging very close sa kanya si Marian?

"Very!"

DEFENDING MARIAN. Kapag nakakarinig nga raw siya ng mga negatibong balita, na sinasabing sulplada at maldita si Marian, naaapektuhan si Ms. Celia.

"Actually, alam mo, mayroon nga akong tinawagan na... Actually, hindi ko na sasabihin kung sino.

"Sabi ko, 'Tigilan mo na si Marian.' Noong we were making Darna, umiiyak si Marian.

"Sabi ko, 'Tigilan mo na. Kung ayaw mo sa kanya, alang-alang sa akin, igalang mo ako.'

"Sabi sa akin, 'O sige, Tita, hindi ko na lang babanggitin.'

"Sabi ko, 'Please lang, for my sake. Hindi mo naman kilala yung tao.' "Sabi ko, 'Hindi mo naman kilala yung bata.'

"Ako, kako, I'm with her three times a week, for seven months. Alam ko ang ins and outs ni Marian, alam ko yung tanrums niya. Hindi naman tayo perfect, e. Ang problama dito sa atin, if you are yourself, suplada, antipatika, yung ganun.

"E, gusto mo yung palagi na lang showbiz? Gusto mo palagi na lang kaipokritahan, nakangiti kahit may regla ka? Hindi naman puwede yung ganun.

"You have to take her as she is. Marian is a very nice person!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually bakla siya, ano! Ay, you know her, kikay na kikay, patawa nang patawa. 'Tita, patawanin mo ako kasi alas-kuwatro na!'

"Sasabihin ko sa kanya, 'E, sino ba? E, ako matanda sa iyo, inaantok na ako! Sampal-sampalin ko face mo diyan, ano!' Ganun kami, ganun kami!

"Kaya sabi ko kay Dingdong, 'I love your girl so much!'

"Maski until now, she gets in touch with me—Christmas, ganun, New Year."

May komunikasyon pa rin sila hanggang ngayon?

"Yes, we have, yes we have. 'Tita, kumusta ang taping? Andiyan si Dingdong? Tita, nagustuhan mo regalo ko?'

"Ganun, ganun kami. We never lost in touch," mahabang kuwento ni Ms. Celia tungkol kay Marian

DINGDONG & MARIAN. Kaya isa raw siya sa magiging masaya kapag nagkatuluyan sina Dingdong at Marian.

"Ay, oo naman!" sambit ni Ms. Celia.

"Sabi ko, 'Dingdong huwag iba, ha? Hindi na kita type!'

"'Hindi, Tita!'

"Love ni Dingdong si Marian, at love ni Marian si Dingdong. Ang tagal na nila, e.

"Sabi ko [kay Dingdong], 'Hahanapin kita!' Binibiro ko 'yan palagi, 'Hahanapin kita, behave, hmmm!'

"Nagbibiro din siya, 'Mahirap, may bantay ako dito!'

"Sasabihin ko naman sa kanya, 'Natural! Behave ka!'

"Wala namang dapat bantayan. Faithful naman siya. Sa taping, nasa kuwarto lang siya, nandun lang siya."

Kumusta namang katrabaho si Dingdong, na gumaganap bilang pamangkin niya sa I ♥ You Pare?

"Very, very well," sagot ni Ms. Celia.

WORKING WITH REGINE. First time namang makatrabaho ni Ms. Celia ang Asia's Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid, na siyang female lead sa I ♥ You Pare.

"Oo, una! Palagi, palagi kaming magkasama [sa eksena]," banggit ng veteran actress.

Kumusta katrabaho ang Songbird?

"Ay, magaling, magaling si Regine! She's very professional.

"Lahat naman, e, to the smallest bading, lahat professional. Kasi it's a very happy set, walang tension, walang masungit, walang ganun. Puro kami bakla dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pagkatapos nito, nothing can be like this anymore!"

Parang naglalaro lang daw sila kapag may taping.

"Oo, parang naglalaro. Pero may kaunting drama din, ganun-ganun.

"Galit silang dalawa [Regine at Dingdong], kasi hindi sila magkakilala. Hindi niya [Dingdong] alam na si Tonya ay si Tonette [Regine's dual roles].

"Ako, hindi ko rin alam, akala ko talaga bading siya."

So, ganoon ka-convincing si Regine bilang isang bading?

"Oo naman! Oo naman, very convincing. Ang pilik-mata niya, sobrang haba!" natatawang sabi ni Ms. Celia.

"Very, very convincing. Mahilig naman 'yan sa ano, e, she's good in comedy, e.

"Very convincing. Kahit ang wig, ang mga costumes, ang pilik-mata, ganun. May mga rhinestones pa siya sa katawan."

PAOLO BALLESTEROS. Isa pa sa mga kasama sa I ♥ You Pare ay si Paolo Ballesteros, na gumaganap bilang baklang si Vodka.

All praises din si Ms. Celia sa kanya.

"Magaling! Super-ganda siya, super!

"Sabi ko, 'Paolo, alam mo, sa kaunting dilim, parang babae ka talaga, hindi ka lalaki. Ang pututoy mo, baka makita ko!'" at sinabayan ito ng tawa ng mahusay na aktres.

"Ginaganun ko! Tawa nga nang tawa. 'Mas maganda ka pa sa babae kesa pag lalaki ka.'

"Ang ganda niya, hindi ba? Maganda siya, she is so pretty."

Ang I You Pare ay mula sa direksiyon nina Andoy Ranay at Joyce Bernal.

SECRET REVEALED. Ano ang sikreto ni Ms. Celia sa pagtatagal sa showbiz?

"I think my being a born-again Christian. Nothing affects me, nothing affects me except if I know that I have committed a crime that is against The Ten Commandments."

Taong 1992 daw siya naging born-again Christian.

"Oo, in the States, when I was in the States. Hindi ba I was there 11 years?" sabi niya.

Kabilang siya sa World Community Church.

"Doon si Sharon [Cuneta], si Gary [Valenciano], si Maricel Laxa... ang daming artista doon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Malaki raw ang ipinagbago ng buhay niya nang maging miyembro siya nito. Dati raw ay magulo ang lahat para sa kanya.

"Magulo talaga before I knew the Lord. Maski ako magulo ang buhay ko!" at muli siyang natawa.

"Pero as I knew the Lord, parang everything is...wala ka bang kaaway? Kung puwede lang pagbati-batiin mo ang mga maliliit na bagay na ganoon.

"Face it, darling, nothing lasts in this world. Whether we like it or not, everything will end. Everything is temporary.

"The most important thing is how you are going to face Him at the end of life. Nariyan ba ang pangalan mo? Bababa ka ba o aakyat?" saad ni Ms. Celia.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN