Bianca Manalo clarifies reports linking her to James Yap and Enchong Dee

"Gusto ko pagbaba pa lang ng kotse, puro petals na yung floor, tapos yun ang lalakaran ko. Tapos dinner for two, may nagba-violin, tapos unang bubuksang food, rose pala. Ganoon. Gusto ko lang ganoon ka-sweet..." says Bianca Manalo about her ideal date.


Isang thanksgiving cum farewell party na ginanap sa Dolphy Theater ang ibinigay ng ABS-CBN para sa cast ng Juanita Banana last Monday, January 31.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang bida ritong si Bianca Manalo.

Tinanong namin ang dating beauty queen tungkol sa mga lalaking nauugnay sa kanya ngayon, pati na ang issue sa kanila ng 2010 Miss Universe 4th runner-up at pinakabagong Kapamilya star na si Venus Raj.

VENUS BEING A KAPAMILYA. Sinabi ni Bianca na masaya siya sa pagkakasali ni Venus sa ABS-CBN at nakiusap din na huwag na silang intrigahin.

"Very happy! Kasi kung sa tingin ko naman 'yong field na gusto niya is hosting, then go, bagay sa kanya.

"Kasi, di ba, hindi ko kasi siya nakikita na parang ako na galawgaw? Ako kasi galawgaw, e. Bago pa ako manalo [sa Binibining Pilipinas] ay ganito na ako kalikot.

"Siya kasi, very ano, mahinhin, di ba? Ganoon talaga siya, very poised talaga siya. Happy ako kasi may everyday show siya, di ba? Bongga!" sabi ni Bianca, na ang tinutukoy na "everyday show" ni Venus ay ang Umagang Kay Ganda.

Ano sa palagay ni Bianca ang dahilan kung bakit iniintriga silang dalawa ni Venus?

"Hindi ko nga maintindihan, e. Sabi ko nga, noong ipinasa ko sa kanya ang korona ng Binibining Pilipinas, hindi n'yo naman ako ikinumpara, di ba? So, bakit ngayon ikinukumpara n'yo?" saad niya.

Si Bianca ang nanalong Bb. Pilipinas-Universe noong 2009, samantalang si Venus naman ang kinoranahan nito noong sumunod na taon, 2010.

Idinagdag pa ni Bianca na dedma lang sila ni Venus sa mga intriga at okay pa rin ang friendship nila.

"Wala talaga, alam mo, may mga ganyang intriga na, pero nagkakasama pa rin kami sa mga fashion show at okey naman kami. Dedma kami sa issue. Wala yun, biruan, ganoon pa rin. Hindi kami nagpapaapekto sa mga isyu kasi bakit naman kami magpapaapekto? Pag affected ka, totoo yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So, hindi threat sa kanya si Venus?

"Hindi po talaga," sagot ni Bianca.

JAMES YAP. Ukol naman sa mga lalaking nili-link sa kanya, paano ba nagsimulang matsismis siya sa PBA player na si James Yap?

"Hindi ko nga po alam kung bakit po. Hindi ko alam talaga, e," naiiling na sagot ni Bianca.

Paano ba sila nagkakilala?

"Nag-muse ako sa Purefoods dati, pero yun lang. Hindi naman kami magkakilala talaga kaya nagulat ako," sabi niya.

Wala silang personal na encounter?

"Wala, wala... Kaya nagulat ako na bakit ganoon, hindi ko talaga alam. Nagulat na lang ako nang sa isang Christmas special, may nagtanong sa akin na, 'Kumusta na kayo ni James, nagde-date ba kayo?'

"'Ha? Saan nanggaling 'yan? Buti ka pa alam mo 'yan? Ako hindi ko talaga alam.

"Wala, wala talagang ganoon," diin ni Bianca.

Pero ngayong hiwalay na si James kay Kris Aquino, hindi ba nagpaparamdam ang basketbolista sa kanya?

"Hindi po, hindi po talaga," mabilis na tugon ni Bianca.

ENCHONG DEE. Ano naman yung kuwento sa kanila ni Enchong Dee na nakita raw silang magka-date sa Greenbelt?

"Alam mo, lahat na lang ng lalaki—kay Zanjoe [Marudo], James Yap, Enchong... Sino next?

"Wala, magkaibigan lang. Hindi lang naman kaming dalawa yun, may mga kasama kaming iba," tila paiwas na sabi ni Bianca.

Saan ba talaga sila nagpunta ni Enchong noon?

"Greenbelt, nanood ng sine, Gulliver's Travels."

Gaano sila ka-close ni Enchong ngayon?

"Wala, magkaibigan lang kami."

Hindi ba sila nagkakailangan na tinutukso sila ngayon?

"Hindi, bakit kailangan mailang?" matipid na sagot ni Bianca.

Sa Agimat presscon, sinabi ni Enchong na si Bianca ang nagpapasaya sa kanya ngayon. Ano ang masasabi niya rito?

"Aaah..." sambit ni Bianca, pero tila hindi maapuhap ang salitang sasabihin.

Alam ba na ni Bianca na siya ang "nagpapasaya" kay Enchong?

"Hindi ko po alam," sagot niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero masaya kasi napapasaya ko siya. Masaya rin naman ako kapag kasama ko siya.

"Ganoon lang, pero magkaibigan lang naman kami, nag-e-enjoy. Okay lang, magkaibigan lang kami talaga."

Paano kung manligaw si Enchong sa kanya?

"Grabe! Nakakatawa lang, ha, kasi ganitong-ganito n'yo ako piniga noon, tapos ganitong-ganito kay James. Ngayon naman kay Enchong. What's next, ha?" nakangiti niyang sabi.

NO BOYFRIEND YET. Bakit wala pa siyang boyfriend ngayon?

"E, wala, e!" tawa ni Bianca.

"Hindi naman sa ayaw ko. Darating din po yun. Siyempre, sa ngayon, career muna."

Hindi kaya nai-intimidate sa kanya ang boys?

"Hindi ko po alam. Siguro hindi, hindi ko po alam. Siguro kung may darating, darating po 'yan, huwag nating pilitin."

As early as now, may nagparamdam ba na gusto kang yayain ng Valentine's date?

"Wala pa. Wala nga e."

Ano ang ideal date niya? Fantasy romantic date?

"Gusto ko ano... Gusto ko pagbaba pa lang ng kotse, puro petals na yung floor, tapos yun ang lalakaran ko. Tapos dinner for two, may nagba-violin, tapos unang bubuksang food, rose pala. Ganoon. Gusto ko lang ganoon ka-sweet....

"Or, ganito na lang, dalhin na lang niya ako sa Luneta, tapos lahat ng batang may hawak ng sampaguita, ibibigay niya sa akin. Hindi ba ang sweet no'n? Ganoon ang gusto ko, sweet, kasi malambing din akong tao. Gusto ko ng ganoon."

JUANITA BANANA. Tungkol naman sa performance niya sa Juanita Banana, on a scale of 1 to 10, paano niya ito ire-rate?

"Siyempre 10!" mabilis niyang sagot.

"Para sa akin yun, ha, bahala na yung iba. Kasi ako, ibinigay ko yung best ko. Kapag nag-acting, yun ang natural ko. Kapag kailangang pigain pa, pipigain pa. Ibinibigay ko talaga.

"Ayoko kasi yung nagse-second thought ako na dapat ganito, ganyan, ayoko. Gusto ko all out agad."

Totoo bang may bagong show na siya agad kapalit ng Juanita Banana?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sana," sambit niya.

"Ay naku, naisip ko tuloy bigla, ako naman kasi naniniwala naman po ako sa dasal. Just go with the flow. Kung may ibigay, sige po, hintay lang."

Ang Juanita Banana ay mapapanood hanggang February 18.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN