John Lloyd Cruz on recent Shaina-Ruffa issue: "Kahit gustuhin pa naming magsalita, magpaliwanag or sumagot, hindi na. It's not gonna be worth it."

"Ayoko nang magpaliwanag pa further on. Ayoko nang magsalita pa ng higit pa sa dapat kong sabihin. Hangga't meron pang respeto sa isa't isa at sa mga taong involved at nagpapa-involve, mas okay na yung ganoon. Hangga't kaya mo pang ngitian or tawanan yung isyu, okay pa 'yan. Huwag na nating hayaan lumala pa," says John Lloyd Cruz.


Sa presscon para sa ikalawang season ng ABS-CBN primetime series na Imortal kahapon, February 2, walang makapagbato ng tanong kay John Lloyd Cruz kaugnay ng mga isyung kinasasangkutan niya. Bago kasi magsimula ang presscon proper ay pinaalalahanan ang press na i-focus ang kanilang mga tanong sa programa.

Pero dahil Imortal nga ang titulo ng pinagsasamahang serye nina John Lloyd at Angel Locsin, naging malikhain ang press sa pagtatanong upang kahit paano ay madaanan nila ang topic na gusto nilang usisain tungkol sa aktor.

Gaya na lamang ng tanong kung naniniwala siya sa "imortal na pag-ibig."

Ayon kay John Lloyd, "Mas madaling maniwala kapag nagmamahal ka. Mas madaling paniwalaan ang mga bagay-bagay. In the same way na mas madali kang masaktan kapag nagmamahal ka. Naniniwala po ako do'n."

Natagpuan na ba ni John Lloyd ang immortal love?

"Well, kung nandito ka naman sa puntong ito na kagaya ko, nasa isang relasyon, mahirap hindi sabihin, at mahirap hindi mapaniwalaan na hinihiling mo nga na nahanap mo na.

"Parang, yun nga, hindi mahirap isipin na sana nga, nahanap mo na at nahanap ka na. Kasi minsan, nahanap mo na, pero ikaw pala, hindi pala ikaw ang hinahanap niya," sagot ng aktor.

Ang tinutukoy na "relasyon" ni John Lloyd ay ang sa kanila ng kasintahang si Shaina Magdayao.

Habang ginagawa niya ang Imortal, may nabago ba sa paniniwala niya pagdating sa pag-ibig o pakikipagrelasyon?

"Ako kasi, yung sa trabaho ko muna, ito yung mga trabahong nakakatakot pasukin, especially pagpasok ng bagong season. It's gonna get really bad especially for my character.

"And in the past, sa mga na-experience ko, yung mga character na ginagawa mo sa TV, hindi talaga imposibleng hindi maiuwi. Hindi imposibleng matangay mo, madala mo sa pang-araw-araw na buhay mo. So, sa ganoong aspeto, medyo nakakatakot nga.

"Ang mommy ko nga, palagi akong nire-remind. Ang mommy ko, talagang napaka-relihiyoso niya kaya talagang sa ganoong aspeto, nakakatakot siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero isa sa magandang aspeto sa ganitong trabaho, sa paggawa ng mga teleserye, napaka-inspiring ng mga istorya sa pagmamahalan, kung gaano katibay.

"Kasi kapag nasusulat, pakiramdam ko, totoong nangyayari. Kasi, hindi lang siya basta-basta nai-imagine. Naisusulat siya kasi somewhere in the world, nag-e-exist ang ganoong klase ng istorya or pagmamahalan."

Ang immortal love ba ay pagmamahal na hindi makalimutan o binabalik-balikan?

"Ay, hindi po. Ang immortal love, yung hanggang sa kabilang buhay, hanggang sa kamatayan, yun pa rin," sabi niya.

IMMORTAL LOVE. May nagsabi naman na kaya siguro hindi pa natatagpuan ng kapareha niyang si Angel ang kanyang "immortal love" ay dahil wala itong binabalik-balikan sa kanyang mga naging karelasyon.

Ang sagot naman ni John Lloyd: "Alam n'yo, okay lang po kung gusto n'yo akong tanungin. You're very much welcome. I don't think na meron kayong puwedeng itanong na hindi ko kayang sagutin ngayon."

Obviously, ang tinutukoy ni John Lloyd ay ang isyu tungkol sa pagtawag ni Shaina kay Ruffa Gutierrez ng madaling-araw kamakailan. Si Ruffa ay dating karelasyon ng aktor. (CLICK HERE to read related story.)

Pero hindi nga allowed ang press na magtanong tungkol sa isyu dahil wala itong koneksiyon sa Imortal. Ipinatawag daw kasi ang presscon para talaga sa ikalawang season ng programa.

Ganunpaman, sinabi ni John Lloyd ang konsepto niya ng immortal love.

"Ideally, when you love a person, parang gusto mong paniwalaan na sana, hindi matapos. Na sana, hindi mawala. Na sana, kahit maghiwalay kayo sa buhay n'yo, pumanaw kayo, matapos ang buhay n'yo, gusto kong umasa na kayo pa rin. At sa kabilang buhay, magkikita pa rin kayo at itutuloy n'yo ang pagmamahalan n'yo.

"In the same way na umaasa, na sana, kung pupunta ka sa langit, makita mo ang tatay at nanay mo."

PLAN ON VALENTINE'S. Pagkatapos ng presscon proper at interview sa kanya ng Entertainment Live, matiyagang naghintay ang PEP (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang miyembro ng media kay John Lloyd para makakuha pa ng updates sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

John Lloyd was asked kung ano ang plano nila ni Shaina sa nalalapit na Valentine's Day.

"On that day, February 14, ang alam ko, may taping ako. Unfortunately, mukhang walang anything special ng araw mismo ng Valentine's Day.

"Hindi naman nagma-matter sa amin kung kailan dapat mag-celebrate. Hindi naman kailangan doon mismo sa araw na yun. Ang importante, you'll always find time. You make time for each other.

"Kapag medyo dumarami na ang trabaho, it's easy to say you'll find time, pero dapat talaga, palaging you'll find time," sabi niya.

So far, wala pa raw siyang naiisip na regalong ibibigay kay Shaina sa Araw ng mga Puso.

"Actually, kahit naman hindi Valentine's Day, or walang okasyon, palagi kaming may rason para maghanap ng bagong restaurant na hindi pa nasusubukan. Manood ng sine.

"Yun lang naman ang ginagawa namin, yun ang nagpapasaya sa amin."

QUESTIONS ABOUT RUFFA. Natawa si John Lloyd sabay sabing intro lang pala yung mga tanong sa kanya tungkol sa Valentine's Day nang tanungin siya kung ready na siyang sumagot tungkol sa hindi mamatay-matay na isyu sa kanila ni Ruffa Gutierrez.

Ang pinakabago ngang issue ay ang pagtawag ng girlfriend ni John Lloyd na si Shaina Magdayao kay Ruffa dahil sa aktor. Sabi naman daw ni Ruffa kay Shaina, si John Lloyd na lang ang mismong tanungin niya kung may problema man siya.

Sabi ni John Lloyd, "Well, ang alam ko kasi, ang huli kong narinig tungkol diyan, nag-agree na ang both parties na hindi na sila... Kumbaga, tigil na, enough na. Nagsalita na last Sunday sa show nila.

"I mean, kahit gustuhin pa naming magsalita, magpaliwanag or sumagot, hindi na. It's not gonna be worth it.

"Okay na kami. Tatahimik na lang tayo to give way do'n sa inaasahan nating matigil na."

Pero ano ba ang pakiramdam niya na tila hindi matapos-tapos ang intriga tungkol sa kanila ni Ruffa? Wish niya bang matapos na ito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Well, 'eto na nga, ito na nga ang ginagawa ko ngayon. Ayoko nang magpaliwanag pa further on. Ayoko nang magsalita pa ng higit pa sa dapat kong sabihin.

"Hangga't meron pang respeto sa isa't isa at sa mga taong involved at nagpapa-involve, mas okay na yung ganoon.

"Hangga't kaya mo pang ngitian or tawanan yung isyu, okay pa 'yan. Huwag na nating hayaan lumala pa.

"Basta ngayon kasi, ang maganda, is that naayos na 'to through the help of our dear Tita Mariole [Alberto, Star Magic head], okay na.

"Kami talaga, hinihintay nga naming lumipas 'to. Wala nang mangyayari. Wala na tayong dapat na hintayin pang mangyari. Gusto na nating tumigil pa rito."

PLAYBOY IMAGE. Hindi ba nababahala si John Lloyd na tila sa mga isyung lumalabas, nagkakaroon siya ng reputasyon o imahe na "playboy o chickboy"?

Paliwanag ni John Lloyd, "Kasi ganito 'yan, ang totoong istorya ng kahit na anong istorya, you owe it to yourself, to the people involved do'n sa story. Hindi para pilitin.

"Kasi yung mga nagsasalita, yung mga nagko-comment, nandito kami sa business na ito na tanggap ko. Ako, I get it.

"You know, naiintindihan ko na sa trabaho natin, sa trabaho n'yo [entertainment press], hindi maiiwasan na magbigay sila ng opinion at comment nila.

"Wala kang ibang gagawin, wala kang ibang choice kung hindi intindihin yun kasi, part yun ng pinasok mong trabaho.

"Pero ang masasabi mo lang, hindi lagi kung ano yung lumalabas, kung ano ang perception nila, kung ano ang sinasabi ng mga taong 'to... Minsan nga, sila, alam ba nila kung ano ang totoo mula simula hanggang ngayon? Walang nakakaalam. Kami ang nakakaalam.

"Wala nang dapat pang lumabas. Wala nang dapat pang pag-usapan ng higit pa sa nangyayari ngayon. Kasi, di ba, parang paulit-ulit?" saad ng aktor.

Tinanong ng PEP si John Lloyd kung nabibigyan ba niya ng assurance o confidence sa relationship nila si Shaina bilang boyfriend nito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kanina nga, sa interview namin sa ELive, ang nakaka-worry rin, may mga taong concerned sa amin, pamilya namin, mga kapatid namin, kamag-anak namin sa ibang bansa pa na hindi nila alam. Ang inaasahan nila yung napapanood nila sa TV, mga nababasa kung saan-saang diyaryo, at nag-aalala rin sila.

"Hindi maganda na isang araw, you'll be bombarded by text messages, calls kung 'okay lang ba kayo, anong problema?' Hindi madaling magpaliwanag sa napakaraming tao, especially sa mga taong concerned sa 'yo.

"Ang sa akin lang, sinabi ko rin nga sa interview namin sa ELive, para ma-pacify sila, sa mga taong nag-aalala, sobrang okay kami.

"The relationship is going strong, really strong, and wala kaming nakikita or nararamdamang problema at this point. Sobrang okay, sobrang saya ng lahat.

"Sa ngayon, wala kaming ibang iniintindi but to look forward to many celebrations and, you know, nagtatrabaho kami. After work, we look forward to a break and we look forward to spending that together.

"So, everything is good. Wala pong problema," diin ni John Lloyd.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN