Eugene Domingo says rumor linking her to director Dominic Zapata is just "playtime"; reveals secret of her slimmer figure

"Alam mo, totoo yun, e, na you should love yourself more than anything, more than anybody. Your self first, your self-worth. And then, bahala na ang universe. Kung para sa iyo, gagawa na ng paraan 'yan," says Eugene Domingo.


"Playtime" o "biro" ang tingin ni Eugene Domingo sa pagli-link sa kanila ng direktor na si Dominic Zapata. Si Dominic ang direktor ni Eugene sa GMA-7 gag show na Comedy Bar at isa rin sa direktor ng trilogy movie ni Richard Gutierrez na My Valentine Girls, kunsaan kasama rin ang komedyana.

"Gano'n talaga kami magbiruan," paglilinaw ni Eugene nang makapanayam siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng My Valentine Girls kagabi, February 3, sa Imperial Palace Suites sa Tomas Morato, Quezon City.

Ang tinutukoy ni Eugene na biruan nila ni Direk Dom ay ang lambingan at batuhan nila ng mga linya na akala'y nagkakagustuhan silang dalawa.

"Kung ano yung nakikita mong acting namin, gano'n talaga. Pero wala talaga, e. Magkaibigan lang talaga kami!" natatawaang pagpupumilit ng komedyana na wala silang relasyon ng direktor.

FLOWERS ON VALENTINE'S. Aminado si Eugene na wala siyang scheduled date sa Valentine's, pero umaasa naman siya sa nais niyang matanggap.

"Sana lang may magbigay sa akin ng bulaklak. Kahit yung mga sponsors ko lang, di ba? Sa totoo lang naman, e," sabi niya.

Inamin ng komedyana na kinikilig pa rin siya kapag nakakatanggap ng bulaklak mula sa kung sinu-sino.

Matagal na ba siyang hindi nakakatanggap ng bulaklak?

"Every year naman, awa ng Diyos, nakakatanggap naman," tugon niya.

Sinu-sino naman ang mga nagbibigay sa kanya ng bulaklak?

"Ay naku, mga bakla! Hindi ako nakakalimutan. 'Saka sa production kapag naabutan ka sa production," sagot niya.

Hindi pa alam ni Eugene kung ano ang magiging kaganapan sa kanya sa Araw ng mga Puso. Ang isa sa options niya ay manatili na lang sa bahay.

Pagtatapat ni Eugene, base sa natatandaan niya, noong high school pa lang siya nang huli siyang makaranas mai-date ng Valentino niya.

SLIMMER UGE. Marami naman ang namangha sa bagong figure ni Eugene ngayon. Ang laki kasi ng ipinayat niya at kapansin-pansin na tila bumata siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matagal nang walang love life si Uge kaya natanong namin kung umaasa ba siyang sa bago niyang katawan ay may masisilo na siyang boyfriend.

"Baliktad nga ngayon, e. Ngayong mas parang sa tingin ko nasusuot ko na ang gusto ko at nag-improve na ang hitsura ko, parang sa akin, bahala na kayo, yung gano'n. Basta ako, masaya ako.

"Alam mo, totoo yun, e, na you should love yourself more than anything, more than anybody. Your self first, your self-worth. And then, bahala na ang universe. Kung para sa iyo, gagawa na ng paraan 'yan," saad niya.

Paano ba niya ginawa ang magpapayat?

"Dalawang taon 'yan. Kasi after no'ng Kimmy Dora, ang taba ko. Tapos gumawa ako ng short film na napanood ko just the other night. Naku, dyusko, bilog ako! Bilog lang. Bilog, bilog, bilog" turo niya sa mukha pababa sa katawan.

"Sabi ko," patuloy ni Uge, "two years pala ako nagdesisyon muna. Ang tagal din. Hindi ko niratsada. Tinuruan ko ang bituka ko. Lifestyle, ginawa kong habit."

Ang sinasabi ni Eugene na short film ay ang culminating activity para kay Direk Marilou Diaz-Abaya kung saan nag-aral ng directing si Ronnie Velasco.

Paano ba niya ginawa ang pagpapayat?

"Una, nagdesisyon. 'Ayoko na. Makapag-exercise na nga.'

"Seven a.m., as early as I can, sa UP [University of the Philippines] tatakbo ako or maglalakad ako. After that, nag-South Beach diet ako, phase one. Susunod na ang bituka mo niyan.

"After that, nag-give up na ako sa pork. And then after, ayoko na, okey na yun. Pagkatapos no'n, brown rice na. Sa umaga, maraming-marami akong kinakain.

"Tapos, ginive-up ko na ang softdrinks. Ginive-up ko na rin yung mga alcoholic drinks na pagkarami-rami. Pa-wine-wine na lang. Disiplina," isa-isa niyang esplika.

Wala raw naramdamang pagkahilo si Eugene dahil inunti-unti naman niya ang pagtatanggal ng mga nabanggit niyang pagkain.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Proud si Eugene na walang sinuman ang nagimpluwensya sa kanyang magbawas ng timbang.

"Ako na rin lang. Kasi ang katawan ko dati, payat-taba-payat-taba. So, alam mo na, e. Saka ire-research mo lang yun.

"'Saka alam mo naman kung ano ang tamang pagkain, kahit no'ng elementary ka pa lang, di ba? Isda, gulay...."

BATHING SUIT. Inamin naman ni Eugene na mas naging kumportable siya sa pagsuot ng bathing suit sa My Valentine Girls kaysa sa swimming-pool scene niya sa Kimmy Dora.

"Oo nga, e. Kasi sa Kimmy Dora, ang pattern no'ng bathing suit ko, di ba? Pero konting hiya na lang kasi si Richard [Gutierrez], di ba? Dysuko, konting-konting na lang. Pero dito, gumagano'n-gano'n na ako, di ba?" sabi ni Uge, na ang tinutukoy ay ang pagpo-pose niya sa harap ng kamera.

Imi-maintain na lang daw ni Eugene ang current weight niya dahil masaya na siya sa kung ano ang hitsura niya ngayon. Maintained na rin daw naman ang kanyang eating habit. Nasisingit din daw niya ang pag-e-exercise gaya ng paglalakad pag may oras siya.

Paano kaya kung alukin siya ng isang men's magazine para mag-pose nang sexy, gaya ng FHM?

"Sana bago FHM, Preview magazine muna. Siyempre, gusto ko namang makapagdamit sa isang fashion magazine. Sana lang mag-offer. Pero wala pa, e," sabi niya.

Mula sa 140 lbs, naglalaro na lang daw sa 122 lbs o 123 lbs ang timbang ngayon ni Eugene.

"Kakaloka, 'no?" nakangiti niyang sabi.

Kung nakaya niyang mag-one-piece bathing suit, kakayanin din kaya niyang magsuot ng two-piece string bikini?

"Kakayanin ko, kakayanin ko...prayers 'to," malumanay niyang sagot.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN