Richard Gutierrez willing to pose nude for Solenn Heussaff...when he's ready

"It's okay. Actually, that's not bad idea. Parang remembrance ng kabataan mo at magandang tingnan sa future," says Richard Gutierrez about posing nude for Solenn Heussaff's painting.


Nilinaw ni Richard Gutierrez ang balitang itinakas diumano niya si Solenn Heussaff pagkatapos ng Party Pilipinas noong Linggo, January 30. Nakita kasi silang kumakain sa isang restaurant sa Makati at "sweet na sweet" daw sila.

Ayon kay Richard, nagutom lang sila kaya nagdesisyon silang kumain. At kaya raw sila magkasama ay dahil may dubbing sila noong araw na 'yon para sa pinagsasamahan nilang pelikula, My Valentine Girls.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Richard sa presscon ng My Valentine Girls kagabi, February 3, sa Imperial Palace Suites sa Tomas Morato, Quezon City.

SOLENN'S PAINTING. Last Sunday sa birthday celebration ni Richard—who turned 27 last January 21—ay niregaluhan siya ng painting ni Solenn na mismong gawa ng dating Survivor Philippines Celebrity Showdown castaway.

Dahil sa sobrang laki ng painting ay hindi pa raw ito naisasabit ni Richard sa kanyang condo unit. Naghahanap pa raw siya ng perfect wall kung saan ito isasabit dahil napakalaki nga.

Banggit pa ng young actor, "Since that day na ibinigay niya, non-stop pa rin ang trabaho namin. So, sasamahan niya akong bumili at pumili ng frame for the painting.

"Ang galing, sobrang galing! Twelve hours daw na ginawa niya," sabi ni Richard tungkol sa painting.

"Talagang natuwa ako. It was such a sweet gesture for her to do that.

"Alam ko naman na gagawa siya ng portrait ko dahil sinabi niya sa akin. Pero hindi ko ini-expect na magagawa niya agad, kasi alam ko sobrang busy niya, tapos ang dami niyang priorities, ang dami niyang commitments.

"Pero kaya pala hindi siya naglalabas ng bahay, tinatapos niya yung painting. One time kasi niyaya namin siyang lumabas, sabi niya stay home na lang daw.

"Tapos nung ibinigay niya sa akin yung painting, yun daw yung araw na hindi siya lumabas."

Isa ba itong dahilan kaya lalong napalapit si Solenn sa kanya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ever since, before naman, e, we're very close," aniya.

Pero sa mga experience at bagong nangyayari sa kanila ay lalo raw silang nagiging close.

Sobrang na-appreciate din daw ni Richard na pinagpaguran ng isang babae ang ibinigay sa kanyang regalo.

"Iba kasi yun. Pinag-isipan tapos may effort, may oras na ibinigay at sarili niyang design. Iba yun, e, kesa sa mga bagay na nabibili, di ba?" sabi niya.

Paano kung dumating ang time na i-request ni Solenn na mag-pose siya nang nude para i-paint?

"If I'm ready, why not?" mabilis niyang sagot.

For Solenn?

"Yeah. It's okay. Actually, that's not bad idea. Parang remembrance ng kabataan mo at magandang tingnan sa future," saad ni Richard.

Nang tanungin kung mahal na niya si Solenn, tumawa lang ang young actor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN