Carla Abellana does not see the need to give Geoff Eigenmann a gift on Valentine's Day

Ayon kay Carla Abellana, tapos na ang tampuhan nila ng boyfriend niyang si Geoff Eigenmann na nangyari bago matapos ang 2010. "Nagtampuhan kami nung day na yun, but you know, its normal to argue in any relationship. Tapos na yun. Whatever issue that was, we already resolved that. Normal tampuhan lang," saad niya.


Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang aktres na si Carla Abellana sa Chinese New Year party ni Mother Lily Monteverde noong February 2 sa Imperial Palace Suites, Quezon City.



Tinanong namin si Carla kung ano ang plano niya at ng kasintahan niyang si Geoff Eigenmann para sa Valentine's Day. Saad ni Carla, may taping daw sila para sa Magic Palayok sa araw na yun kaya ia-advance nila ang selebrasyon.



"Well, Valentine's Day kasi this year falls on a Monday, so malamang we have taping that day, so, honestly, we haven't planned anything yet. Pero most likely, we'll have dinner na lang in advance. Siguro Saturday or Sunday, the night before Valentine's na lang."



"Simple lang" daw ang gusto ni Carla na dinner. Wala raw kasi silang oras para magplano pa dahil sa taping.



"I'm really not expecting anything, pero we'll see. Baka dinner na lang, simple dinner out together, kung saan man walang masyadong tao. Ganun na lang," saad niya.



Dagdag ni Carla, wala pa nga raw siyang naipaplanong iregalo sa boyfriend.



"Gift? Di na kailangan ng gift! Parang, to be honest naman, di ba, you don't need a day like Valentine's Day to give each other gifts, di ba? Any day puwede ka namang mag-dinner out or magbigay ng regalo sa isa't-isa. So hindi na kailangan. I really don't see the need," sabi ng aktres.



Unang Valentine's Day ito nina Carla at Geoff bilang magkasintahan, kaya dapat espesyal ito. Ganun pa man, wala pa ring expectations ang Kapuso actress.



"Yes, this is our first [Valentine's Day] officially as a couple, so I guess, yeah, in a way, it should be special nga. Pero, I guess na outgrow ko na yung mentality na, you know, it's Valentine's Day, it should be special and all. Pero, we'll see. It should be special, pero I'm really not expecting anything," paliwanag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN