Jasmine Curtis "disgusted" by kissing rumor with "kuya" Luis Manzano

"As long as I know what the truth is, and I know how to handle myself, and I know what the story behind it is, then, bahala na lang what people believe kasi nasa kanila na rin yun. You can't control them," says Jasmine Curtis on how she would handle future intrigues and issues.


Mamayang gabi, around 10:30 p.m., ang flight ni Jasmine Curtis pabalik ng Australia para ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral. Pero babalik ulit siya sa Pilipinas sa April 9 para ipagpatuloy ang kanyang showbiz career.

Pero bago siya umalis ay nakausap muna ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Jasmine kagabi, February 3, sa pictorial ng "TV5 Princesses" sa Broadway Centrum, Quezon City.

Kasama ni Jasmine sa pictorial sina Alex Gonzaga, Arci Muñoz, Meg Imperial, Ella Caballero, at Danita Paner.

FIRST TASTE OF SHOWBIZ. Ikinuwento ng 17-year-old newcomer sa PEP kung anu-ano na ang experiences niya sa unang sabak niya sa showbiz.

"[Nabawasan yung] hours of sleep, yun lang talaga yung big difference and also always [be] alert... Kasi when you are in this industry, I've learned, from the short time that I've been in it, na kailangan lagi kang prepared, laging may backup in terms of clothing, or accessories, or anything like that.

"Kasi nga, laging pagod. When you got to have the time to rest, once you wake up, you have to be very alert and prepared to do what they ask you to do. I learned to be awake and to be able to do the task they ask me to do."

So far, wala pa naman daw siyang nae-experience na hindi kaayaaya sa bagong mundong kanyang pinasok.

"Before, I thought loss of sleep is gonna be a big issue for me. But, you know, I found little ways to make up for it and also I found hours naman to sleep in between takes.

"And, you know, they really make sure that I do get rested well. They know that hindi ako makakapag-perfom nang mabuti kung walang tulog or walang pahinga," sabi ni Jasmine.

ATE ANNE. Malaki rin ang pasasalamat ni Jasmine sa kanyang ate na si Anne Curtis na sumuporta sa kanya sa pagpasok niya sa showbiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi when I told her [that I'm entering showbiz], sabi ko, 'Nahihiya ako. Hindi ko alam kung paano ko ia-approach 'to.

"Sabi ni Ate, 'Do what you really want to [do]. You know, if you do enter I will still be happy. You're gonna experience something that's been so kind to me to me the past years. And if ever you don't naman, you'll decline the offer, okay lang kasi alam ko naman na you'll excel in your studies.'

"Either way, kung nag-no ako or nag-yes pa rin, support pa rin si Ate sa akin," saad ni Jasmine.

Hindi ba issue sa kanya na kilala siya ngayon bilang "kapatid ni Anne Curtis"?

Ngumiti si Jasmine at sinabing, "Mas nauna si Ate sa akin. Of course, for a little while, I'll be known as the younger sister.

"It's not something to be embarrassed or ashamed off, kasi it's an honor to be my Ate's little sister, kasi she really worked hard for it.

"If ever that's how people perceive it, then siguro sa kanila na lang 'yon. But it doesn't bother me na yun yung nakikita nila."

NASTY RUMOR. Bago man sa showbiz ay hindi pa rin ligtas si Jasmine sa mga intriga. Kamakailan ay nagkaroon ng rumor na namataan daw siya at si Luis Manzano na "naghahalikan" sa loob ng kotse ng TV host-actor.

Nagsalita na sina Anne at Luis tungkol sa isyu. Pareho nilang pinabulaanan ang intrigang ito at isiniwalat din nila ang kanilang disgusto sa isyu. (CLICK here and here to read related stories).

"I'm really disgusted by it kasi si Kuya [Luis] 'yon! Hindi ko man siya kuya, hindi ko din siya papatulan because of the big age gap.

"For me, I just shrug it off 'cause it's not true and there's nothing more to it than it's just a false intriga," sagot ni Jasmine nang hingan siya ng reaksyon tungkol sa isyu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Halos 13 years daw ang age gap ni Jasmine at ni Luis, na 30 years old na ngayon.

Ilang buwan pa lang siya sa showbiz, pero nakatikim na ng pang-iintriga si Jasmine. Paano nga ba niya hinahanda ang sarili sa mga tulad nito?

"You really can't prepare for anything like that. 'Cause you never know what's gonna be next," sagot niya.

"And for me, as long as I know what the truth is, and I know how to handle myself, and I know what the story behind it is, then bahala na lang what people believe kasi nasa kanila na rin yun. You can't control them. So, wala talagang preparation."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN