Wendell Ramos joins Perry Lansigan's stable of talents

"So far, maganda naman ang nangyayari. Meron siyang mga sinabi sa akin na mga projects... Parang ang galing nga, e. Nag-usap din kami ni Perry na if ever may offer sa iba, walang magiging problema," says Wendell Ramos about his new manager, Perry Lansigan.


Opisyal nang bahagi ng PPL Entertainment, Inc. ang aktor na si Wendell Ramos.

Ang PPL ang talent management na pinamamahalaan ng talent manager na si Perry Lansigan. Ang iba pang talents na nasa pangangalaga ni Perry ay sina Dingdong Dantes, Jolina Magdangal, Geoff Eigenmann, Angelika dela Cruz, Gabby Eigenmann, Carl Guevara, Arthur Solinap, at Carlo Gonzalez.

Kung matatandaan, nang mamatay ang unang manager ni Wendell na si Douglas Quijano noong 2009, nabalita na noon na lumapit ang aktor kay Perry para tulungan siya sa kanyang showbiz career.

Ganito rin ang nangyari nang sumakabilang-buhay rin ang ikalawang nag-manage sa actor na si Wyngard Tracy last year, 2010.

Kahapon, February 3, sa pocket presscon ng PPL para kay Wendell sa Finio restaurant sa Tomas Morato, ipinaliwanag ng aktor kung bakit noon pa nababalitang si Perry na ang manager niya gayong kailan lang sila nagkasarahan ng usapan.

"Actually kasi, noong nasa hospital pa lang si Tito Wyn, noong na-bypass pa lang siya noon, tinawagan ko na si Perry. Sabi ko, 'Baka kung pupuwede, tulungan mo naman ako.'

"Kasi ang sa akin, kahit maka-fully recover si Tito Wyn, hindi na to the point para i-pressure. Ang sa akin, parang mas maganda na huwag na lang siyang mag-isip na makakadagdag sa sitwasyon niya.

"Lumapit ako kay Perry, at alam ko naman na magkaibigan sila ni Tito Wyn. Tapos si Perry, kaibigan ko rin naman dati," paglalahad ni Wendell.

Bakit noong nabalita na kinausap niya si Perry nang mamatay si Tito Dougs ay hindi natuloy ang pagma-manage nito sa kanya?

"Ang alam ko kasi noon, nasa GMA pa si Perry [as executive producer]. Siyempre, nandoon siya sa isang network din.

"Ang sa akin noon, parang gusto ko na maging open sa lahat ng network. Yung walang hassle. So, ayun... Tapos, 'eto, si Perry, umalis na sa GMA, nag-focus na siya sa management.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually, even before si Tito Wyn, si Perry na talaga. Wala naman akong inisip na sila Dingdong talent niya, na baka hindi ako maalagaan, wala namang ganoon. Wala sa akin yung ganoon.

"At saka ako, naniniwala ako na kung magkakaroon ka ng project na para sa 'yo, para sa 'yo yun talaga," saad ng aktor.

Pero bakit si Perry ang napili niya sa dami ng talent managers sa showbiz?

"Si Perry kasi, way, way back pa, noong gumagawa pa sila ng mga soap opera noon, palagi ko siyang nakakakuwentuhan noon. At sinasabi rin niya kung paano pag-repackage sa sarili ko. Palagi ko siyang kakuwentuhan.

"Worth it din nga ang paglapit ko sa kanya. Mas nag-isip pa nga ako kung kukuhanin niya ako or hindi. Siguro, parang ganoon lang ang thinking ko," sabi niya.

THREE-YEAR CONTRACT. Ayon kay Wendell, pumirma na siya ng three-year management contract sa PPL Entertainment. Ito raw ang kauna-unahang pagkakataon na nagkaroon siya ng kontrata sa manager.

"Actually, naigsian nga ako, three years lang!" natatawa niyang sabi. "Medyo nanibago ako. Siyempre, organized...

"Pero hindi ko naman sinasabing hindi organized kala Tito Dougs, Tito Wyn, but 'eto yung management na magri-reason out ka na, kasi nakalimutan or something, sobrang organized na.

"May mga road managers din na mag-a-assist para sa 'yo at kumakausap sa mga taong dapat hindi na ikaw ang kakausap."

May sinabi na ba sa kanya ang bago niyang manager kung ano ang plano nito for his career?

"Wala pa siyang sinasabing plano, pero ang sabi niya, magtrabaho lang. Although, yun din ang gusto ko dati, magtrabaho lang. Ayusin ang trabaho.

"So far, maganda naman ang nangyayari. Meron siyang mga sinabi sa akin na mga projects... Parang ang galing nga, e. Nag-usap din kami ni Perry na if ever may offer sa iba, walang magiging problema.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro on my part, ang gusto ko lang din, consistency ng mga shows. Kasi, para sa akin, parang napansin ko, at naging thankful ako, na yung mga soaps na nagawa ko sa GMA, yung mga rating niya, puro magaganda naman pati rating, at dire-diretso naman yun. So, yung consistency lang siguro ng isang show."

NO CONFLICT WITH DINGDONG. Naniniwala si Wendell na hindi magiging problema, tulad ng iniintriga raw sa kanya una pa lang, na baka magka-conflict sa kanila ni Dingdong Dantes ngayong nasa iisang management company na sila. Hindi naman kaila na si Dingdong ang maituturing na biggest star sa ilalim ng PPL Entertainment, Inc.

"Hindi, e," sabi ni Wendell. "Unang-una, si Dingdong, nandoon na siya. At saka kaibigan ko rin naman siya.

"At saka, thankful din ako kasi si Dingdong din ang isa sa nagsabi kay Perry na kung kinakailangan ko talaga ng tulong ni Perry, bakit hindi. Actually, kapag nagkita kami, magpapasalamat pa ako sa kanya.

"Eto na lang din, nang malaman ko na bago pala tumanggap ng bagong talent ni Perry, kailangan may consent ng lahat. Ang galing nga, e, which is okay rin. Kasi, kung ikakasira nga ng buong pamilya dahil sa isang tao, di ba?

"Big deal sa akin yun para i-welcome ako ng kaibigan ko rin naman dati pa."

LOYAL KAPUSO. For 15 years, masasabing loyal Kapuso si Wendell magmula pa sa gag show na Bubble Gang. Huling napanood si Wendell sa primetime series na Jillian: Namamasko Po!.

Although, aminado si Wendell na may time daw talaga na matagal bago masundan ang last project niya. Ano sa tingin niya ang nagiging problema?

"Siguro, para sa akin, siguro sa management, ganoon ang rules ng bawat network. Dahil hindi ka pa kontrata sa GMA, siyempre ipa-prioritize nila ang talagang talents nila," sagot niya.

Nagkaroon ba siya ng problema sa professionalism sa loob ng 15 years na pagtatrabaho sa GMA network?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Meron din," pag-amin niya. "Tulad nga minsan, hindi kayo nagkakaintindihan with the staff. Lahat hindi mo napi-please. Nami-misunderstood.

"Pero noong sila Perry ang ka-work ko, wala naman silang problema. At kung meron man siguro akong problema, sila na siguro ang unang magsasabi."

Isa siya sa masasabing leading men ng Kapuso network. Ganoon pa rin ba ang gusto niyang makita sa career niya?

"Ako naman, kahit na ano. Nakaganap na rin ako ng character [role], kumportable naman ako.

"Ang sa akin lang, basta huwag lang napapabayaan. Kung ano ang mapag-usapan sa storycon, sana yun ang matupad," sabi niya.

Isa rin daw sa gustong masubukan ni Wendell ay ang paggawa ng indie films. Open siya sa daring roles, pero depende raw sa konsepto ng istorya na gagawin niya.

SINGLE FATHER. Pagdating naman sa kanyang personal life, sinabi ni Wendell na masaya naman siya ngayon.

"Masaya ako, lalo na ngayon na masaya ang mga anak ko sa akin. Lalo na kapag nakikita nilang nasa bahay ako.

"Iba ang family, ramdam nila kahit hindi ganoon kabigat. Ngayon, yung lalaki ko, tuwang-tuwa. Single dad, e."

Nasa poder daw niya ang kanyang mga anak.

"Civil naman kasi kami ng mom. Masasabi kong okay naman yung relationship namin," banggit niya.

Bakit hindi pa niya naiisipang magpakasal?

"Ako kasi, pagdating sa pagpapakasal, napaka-sagrado ng tingin ko sa bagay na 'yan. Para sa akin, ayokong magkamali or ayokong maghihiwalay rin pala. Gusto ko yung siguradong-sigurado na. Yung talagang sure ka na," sagot ni Wendell.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN