How director Joyce Bernal ended up working on two teleseryes in competing networks

Lagarista si Joyce Bernal; parehong second unit director siya ng Babaeng Hampaslupa sa TV5 at ng I Heart You Pare sa GMA-7. She explains how she ended up working for two networks: "Ang nauna talaga yung [sa GMA-7]... Nagsabi ako sa Channel 5 na mag-aano muna ako sa [GMA-7]... Tapos sinabihan ako nung January na, 'Direk kahit second unit na.' Sabi ko, 'Sige sige, go!'"


Hindi naman raw nahirapan si Bb. Joyce Bernal na idirehe si Alex Gonzaga who came from the romance comedy, BFGF, and now starsin the TV5drama series, Babaeng Hampaslupa.

"Si Alex? Hindi naman. Na-prepare siya sa drama series nung kanyang workshop, e. So medyo handa naman siya.

Aminado si Joyce, matindi ang mga dramahang eksena sa Babaeng Hampaslupa na magpa-pilot na sa Lunes, February 7.

"Ay, oo! Ito, unang salang ko pa lang iiyak ka na agad na [parang sa sinehan] Lupang Hinirang pa lang, dapat lumuluha ka na agad."

Nahirapan ba siya?

"Physically mahirap siya. But alam mo nandyan si Susan Africa, reliable yan e, at si Julio Diaz...

"In fairness naman dito sa baklang Alex na 'to e... kaya naman niya... oo nakakasabay siya."

Napaarte niya si Alex?

"Oo, oo," ani Joyce.

"Okay naman siya, puwede na, I mean hindi siya iniiwan nina Susan at nina Julio, magagaling yung mga co-stars niya, e.

"Take 1, take 2 lang at the most."

HARD-WORKING DIRECTOR. Lagarista si Joyce dahil 2nd unit direktor rin siya ng I Heart You Pare nina Regine Velasquez-Alcasid at Dingdong Dantes na pilot episode rin sa Lunes ng gabi sa GMA-7.

"Ang nauna talaga yung I Heart You Pare. Nagsabi ako sa Channel 5 na mag-aano muna ako sa ano [GMA-7].

"Tapos sinabihan ako nung January na, 'Direk kahit second unit na.' Sabi ko, 'Sige sige, go!'"

So, parehong second unit director si Joyce ng dalawang shows; si Eric Quizon ang first unit director ng Babaeng Hampaslupa at si Andoy Ranay naman ang first unit director ng I Heart You Pare.

"Mga sampung shows ang kukunin ko na second unit para maraming raket," pabirong sabi ni Joyce.

So may show siya sa GMA-7, meron din sa TV5; sa ABS-CBN na lang siya walang show.

"Ah ano po, yung Umagang Kay Ganda, ako yung magdidirek ng traffic sa umaga. Kaya ko pa kasi pagka-pack-up, umaga na, diretso na ako doon [sa traffic]," pagbibiro pa rin ng direktora.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

REGINE/AGA MOVIE. Kumusta naman ang long-delayed Regine/Aga Muhlach movie niya. Matatapos pa ba iyon?

"Sana!

"Puwede bang kausapin ninyo sila at magmakaawa," muling pagbibiro ni Joyce.

Honestly, gusto pa ba niyang ituloy ang pelikula?

"Oo naman! Hindi nga ako maka-move on, hindi ako makagawa ng ibang pelikula hangga't hindi natatapos ito."

Magki-click pa kaya ang movie kahit nag-asawa na si Regine?

"Hindi ko alam, bahala na si Batman," aniya.

PEP learned na three to four days of shooting na lang at tapos na ang pelikula.

"Sabihin ninyo kay Aga at tsaka kay Regine, parang awa na nila," pabirong sabi ni Joyce.

Ang tagal na nga kasing "in the making" ang nasabing pelikula.

"Pero sana may pag-asa pa. Ano ba naman yung masoli ang bayad, kailangan naming tapusin iyon para naman kay Boss Vic [del Rosario, Viva Films producer].

"I mean, alam mo sa totoo lang, hindi ako nakarinig kay boss Vic ng anything bad or panunumbat. So parati kong sinasabi yan sa GMA-7 at sa TV5 na anytime na sabihin ng Aga/Regine na pelikula na kailangang mag-shoot, out lahat sila talaga. Priority yung pelikula," aniya.

PEP also learned that by March this year ay sigurado nang tatapusin ang pelikula.

TALENT FEE. Walang exclusive contract si Joyce sa kahit na anong TV network.

"Wala po, per show lang ako," ang sabi ng direktora.

At pareho ang effort niya sa Babaeng Hampaslupa at sa I Heart You Pare.

"Pareho lang, oo naman. At tsaka magkaiba kasi yung shows. Rom-com ang I Heart You Pare at heavy drama naman ang Babaeng Hampaslupa na may pagka- suspense."

Mas malaki nga ba ang bayad niya sa TV-5? Totoo bang triple kaysa talent fee niya sa GMA-7?

"Hindi naman, hindi naman," sagot ni Joyce.

KIMMY DORA, THE SEQUEL. Isa si Joyce sa mga producers ng Spring Films, ang film outfit na nag-produce ng mega-hit na Kimmy Dora ni Eugene Domingo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

This year, may plano sila ulit gumawa ng pelikula, bukod pa sa sequel ng Kimmy Dora.

"Yung Spring Films meron kaming gagawin. Yung Kimmy Dora, wala pang script pero within the year gagawin yung [pelikula]."

Isang Piolo Pascual (na kasosyo rin sa Spring Films) movie ang malamang na gagawin nila.

"Kung hindi pa handa yung script [ng Kimmy Dora], meron muna kaming gagawin na isang pelikula ni Piolo... Baka lang ito, ha?

"Parang Eric Matti na pelikula, proyekto ni Eric Matti."

"Action siya, hindi ako ang direktor, isa lang ako sa mga producers.

Gusto ba ni Joyce na makagawa ulit ng isang Judy Ann Santos at Piolo Pascual movie?

"Naku sobra!"

May chance?

"Parang wala," ani Joyce.

"Actually si Judai, priority niya talaga yung anak niya. Even yung mga shows na ino-offer sa kanya... sinasabi niya palagi, 'O, May anak ako.'

"Yun talaga ang priority niya at gusto pa nga niya, ano e, sunud-sunod e," pahayag ni Joyce tungkol sa young superstar na matalik niyang kaibigan for so many years.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN