Lovi Poe feels the pressure as rumored boyfriend Ronald Singson pleads guilty to drug trafficking in Hong Kong and faces eviction from Congress

Severe depression bunga ng pag-aaway umano ni Ronald Singson at ng nobyang si Lovi Poe (above) dalawang araw bago siya bumiyahe patungong Hong Kong ang itinuturong dahilan kung bakit may dalang drugs ang Ilocos Sur congressman.


Guilty.

Ito ang inihaing plea ni Ilocos Sur Representative Ronald Singson nitong Lunes sa kasong drug trafficking na dinidinig sa Wanchai District Court sa Hong Kong.

Ang guilty plea ni Singson ay inaasahang magpapababa ng sentensiya sa kanya ng hukuman. Ngunit ayon sa kongresista, ang nasabat na 14 grams ng powder na may lamang anim na gramo ng cocaine at dalawang tableta ng Nitrazepam sa Chek Lap Kok Airport sa Hong Kong noong July 11, 2010 ay pampersonal lang niyang gamit at hindi para ibenta sa mga nag-aantabay na mga kaibigan sa Macau.

Severe depression bunga ng pag-aaway umano nila ng nobyang si Lovi Poe ang itinuturong dahilan ni Singson, dalawang araw bago siya bumiyahe patungong Hong Kong.

Halos dalawang araw din daw nasadlak sa cocaine binge ang pulitiko na umabot hanggang sa kanyang pagka-casino.

At sa taped interview kay Lovi ng Startalk TX sa presscon ng My Valentine Girls movie na kung saan isa si Lovi sa mga leading ladies ni Richard Gutierrez, umiwas magbigay ng pahayag ang aktres.

"I'm sorry, I just don't wanna talk about it anymore. Ahm, I think it's for the best, not to talk about it anymore," ang sabi ni Lovi sa taped interview aired on Saturday, February 5.

Under Hong Kong laws on drugs, ang anim na gramo ng cocaine sa kasong drug trafficking ay may parusang three years in prison. Bukod pa rito, may maximum fine na five million Hong Kong dollars o katumbas na 28.5 million pesos, pero maaaring bumaba ang sentensiya ng isang taon kung paniniwalaan ng korte na personal use lamang iyon.

Nais naman ni Singson na mapadali ang hatol kasabay ng paghingi ng paumanhin sa mga inosenteng taong damay na rin sa kaso.

"The process will just prolong the agony, so anuman yung maging desisyon io-honor na lang natin. It could go either way.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siyempre, siyempre mahirap. Those are very personal things pero kailangan talagang sabihin yung totoo para malaman ng judge," ayon kay Singson.

Samantala batid ni Singson na malaking usapin sa Kongreso ang kanyang kaso. Sisimulan ang imbestigasyon sa Lower House sa February 15 na siyang magtatakda sa pagbitiw o pagsibak kay Singson.

Pangungunahan ni Bohol Representative Erico Aumentado, Chairman of the House Committee on Ethics, ang congressional inquiry.

"Pakiusap ko sana patapusin muna yung kaso hanggang mag-final judgment," sinabi pa ni Singson.

Sa February 17 naman inaasahang bababa ang hatol ng Hong Kong court kay Singson.

Samantala, Lovi's birthday falls on Valentine's Day. May wish ba siya, lalo sa kanyang personal na buhay na may kaugnayan kay Ronald?

At muli todo-iwas ang aktres na sumagot.

"It's too personal and too sensitive na kasi. Siguro kung ano na lang ang ibibigay sa akin ng Diyos, tatanggapin ko whatever it is."

Nagwi-wish ba siya ng peace of mind?

"Well, a lot of peace of mind."

Lovi appeared to be tired of the issue and said she was leaving everything to God and prayers to help her overcome this latest obstacle.

Aminado naman siyang may pinagdadaanan siya.

"Well I'm 21, but I feel like I'm 50."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN