Lovi Poe denies depression as cause of her hospitalization

"Actually siguro napagod lang ako sa dami ng trabaho ko. For weeks kasi na dire-diretso, na walang tulog, and then plus stress nga, so ayun. Sabay-sabay lahat. Pero okay naman ako, I'm not depressed," explains Lovi Poe, who is currently confined at St. Luke's Hospital in Global City, Taguig.


Mula sa St. Luke's Hospital sa Bonifacio Global City, Taguig, ay live na nakausap via phone patch ng Showbiz Central si Lovi Poe kahapon, February 6. Kasalukuyang naka-confine sa nasabing ospital ang young actress dahil sa respiratory problema na may kasamang lagnat at ubo.

Kinumusta ng host na si Raymond Gutierrez ang kalagayan ni Lovi at kung ano talaga ang nangyari sa kanya.

"I'm okay naman. Siguro overfatigue lang 'tsaka may respiratory... may viral infection, ayun," sagot ni Lovi, na halatang-halata sa kanyang boses na may sakit nga siya.

May mga naglabasang reports na dahil diumano sa "depression" kaya naospital si Lovi. Hinihinalang may kinalaman ito sa kinahaharap na kaso ng kanyang rumored boyfriend na si Ilocos Sur Representative Ronald Singson sa Hong Kong. Kamakailan lang ay nag-plead ng guilty si Ronald para sa kasong illegal possession of drugs.

Pero ayon kay Lovi, "Sa dami ng pinagdaanan ko, ngayon pa ba ako made-depress?" At saka niya sinundan ito ng tawa.

"No, actually siguro napagod lang ako sa dami ng trabaho ko. For weeks kasi na dire-diretso, na walang tulog, and then plus stress nga, so ayun. Sabay-sabay lahat.

"Pero okay naman ako, I'm not depressed," diin niya.

Ano ang cause ng stress niya nowadays?

"Marami, marami," sabi ni Lovi.

"Siguro sunud-sunod nga ang trabaho ko, as in no sleep at all! Uuwi na lang ako ng bahay para maligo, siguro 'yon lang yun."

Ano ang payo sa kanya ng kanyang doktor at kailan siya makakalabas sa ospital?

"Well, hopefully, tomorrow [February 7] makalabas na ako, sana tomorrow ng gabi. I was hoping nga sana today, kaso hindi pa daw puwede, under observation pa din ako," saad ng young actress.

Dahil sa kanyang pagkakasakit ay hindi nakakasama si Lovi sa promo ng kinabibilangan niyang pelikula, My Valentine Girls na ipalalabas sa February 9.

Pero nangako ang young actress na sa premiere night ng pelikula bukas, February 8, sa SM Megamall Cinema 9, pupunta siya kahit maysakit pa raw siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN