Kris Aquino on love life: "I'm seeing people but I'm not dating."

In September 2010, which was a few months after she announced her split from James Yap and a few days after bidding goodbye to her now-defunct show Pilipinas, Win na Win, Kris Aquino mentioned her plan to "Eat, Pray, Love."

She related, "Nagpaalam na nga ako. Dramatic nga ako, e. Sabi ko mag-Julia Roberts na lang ako—Eat, Pray, Love. Sabi ko, uhm, 'Magi-eat ako sa ano, sa Europe, for two weeks. Sabi ko, 'Hindi ko ka


Nakabalik na si Kris Aquino mula sa kanyang pagbabakasyon sa Indonesia, kasama ang ilan niyang mga kaibigan.

Sa isang interview ng host-actress pagkatapos ng hiwalayan nila ni James Yap, nabanggit nito ang planong mag-Eat, Pray, Love,ang librong naisa-pelikula noong 2010tungkol sa isang babaeng naglakbay sa Italy, India, at Indonesia, pagkatapos ng kanyang divorce.

Pagkabalik ni Kris sa Manila, agad itong sumabak sa trabaho. Isa sa mga proyektong pinagkakaabalahan niya ay ang recording ng kanyang bagong album, kung saan maririnig ang ilang memorable songs at tula para sa dating niyang asawa.

Ayon sa Kapamilya star, "It's a compilation of all the previous album na nagawa. At sinabi ko naman kay James na last na 'yan. Closed chapter na tayo. May poem ako ro'n tungkol sa kanya at tungkol sa akin."

Mas okay na raw ngayon ang samahan nila ni James. Sa katunayan, noong muntik na raw itong maaksidente sa Cebu, si James ang una niyang tinawagan. Nangyari ito bago ang audition para sa season 2 ng Pilipinas Got Talent,

Kuwento ni Kris, "Nahulog ako doon sa Cebu, sa audition sa backstage. Kaya tapyas ang tuhod ko ngayon. Tapos, in all fairness naman, maganda ang benefit na ang dati mong partner, e, atleta. Natawagan namin si James para magtanong sa team doctor nila kung ano ang dapat ipahid. Kasi nga, noong una kasi, bukol na bukol, ang laki."

Bagamat naaksidente siya, natuloy pa rin ang audition.

"Tiring but exhilarating. May halong tension din sa amin kasi nga, sobrang taas ng rating na aming susundan. It's really been a broad [array of] exceptional talents and it's coming itong February," dagdag pa ng youngest sister ni PNoy.

Bukod sa Pilipinas Got Talent, isa pang game show ang gagawin ni Kris—If The Price is Right. First time at dito lang daw sa Pilipinas na babae ang magiging host ng isa sa longest-running game shows sa buong mundo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

And so far, "Masaya kasi," sabi niya. "I played all the games. I had to play it in order for me to understand."

But of course, family will always be her priority. As for love life, mas pabor daw kay Kris ang estado niya sa ngayon.

Pagtatapos ng ina nina Josh at Bimby, "I'm enjoying my work. I'm enjoying my family. I'm enjoying my freedom. Mas madaling mag-trabaho kung wala kang iniilagan. The good thing about life is, I'm seeing people but I'm not dating."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN