Andi Eigenmann shares her blessings with indigent children; denies snubbing fans in Iloilo

"Siyempre, ever since I was a kid, I always promised myself I would help out and do things like this. Masarap magbigay lalo na kung hindi mo ini-expect na mayroon darating na kapalit. Kapag nakakita ka ng ibang tao, lalo yung mga bata, at nakikita mo ang genuine smile ng mga kids and it was because of you, sobrang sarap ng pakiramdam ko. Kasi parang somehow, I'm paying it forward," says Andi Eigenmann about the small thanksgiving pakain she did with her friends last F


Isang magandang blessing ang ibinahagi ni Andi Eigenmann at ng kanyang mga kaibigan last Friday, February 4, sa mga batang nakatira malapit sa simbahan ng Sta. Maria Dela Strada sa Quezon City. Nagpa-merienda si Andi sa halos 50 bata sa isang fastfood chain.

Ayon kay Andi, gusto niya lang i-share ang tuwa niya dahil sa endorsement deal na nakuha niya para sa isang beauty product. Matagal niya na raw kasing ninais na maging endorser nito.

"Gusto ko lang po talaga manlibre. If I had the time pa nga, parang magge-games pa dapat kami. Kaso nawalan na ako ng time para bumili-bili ng mga stuff," sabi ni Andi sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) during the event.

Dagdag niya, "Kinu-consider ko na din ito na thanksgiving celebration ko. It's a way of giving back for what I got. I got my dream. My dream became true. Kasi I've been dreaming about this.

"Ever since na bata ako, sabi ko, kapag nag-earn na ako ng sarili kong money, actually kami ng friends ko, yung extra na mayroon kami, ibibigay namin.

"Yung Pond's billboard ko, 'yan po yung unang-una kong dream ko ever since hindi ko pa gustong mag-showbiz at ayaw ko pa noon na mag-artista. Yun na yung gusto ko. E, nakuha ko siya. I just want to start giving back what I receive.''

Ayon kay Andi, hindi ito ang unang pagkakataon na ginawa nila ng kanyang mga kaibigan ang pagkakawang-gawa. Karaniwan daw ay naghahanda sila ng isang party na may kasamang games para sa mga bata.

Pinipili rin daw niya ang mga community na kanyang babahigan ng isang simpleng merienda. Karaniwan ay malapit lang sa kanilang bahay sa may Katipunan Avenue.

"Parang mga kapitbahay lang. Usually talaga, ang mga tinutulungan ko is yung mga nasa barangay na malalapit sa amin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I had an awesome childhood. Sobrang saya ng kabataan ko. Hindi ko mapagpapalit yun sa iba. Parang walang worry. Sobrang dali ng buhay," saad niya.

Kuwento pa ni Andi, nagsimula ang pagbibigay niya ng biyaya sa ibang tao nang bumisita siya at ang kanyang high school friends sa Home for the Aged noon.

"Si Mommy kasi, bumabalik siya doon. Pumunta kami doon noong high school. Kilala nilang lahat yung mommy ko. Yun pala, my mom would go there every Christmas. Inisip ko na rin na gusto ko na rin gawin yung ganitong bagay," sabi ng anak ng aktres na si Jaclyn Jose.

IGNORING FANS AND THEIR REQUESTS. Natanong naman kay Andi ang tungkol sa isyu na hindi niya raw pinapansin ang fans noong bumisita siya sa Iloilo kamakailan. Kasama niya si Kim Chiu sa naturang event.

"Minsan kasi, totoong nangyari pala 'yon, pero hindi pala ako aware. Pero I don't think it's true kasi ang mga tao nakapaligid lang sila sa amin.

"Nasa loob kami ng mga tents. Bawat labas mo, kitang-kita mo sila. Hindi lang sila makakalapit.

"Hindi po ako nag-snub. 'Saka ba't naman ako mag-i-snub? Everytime na may magha-hi sa akin, magha-hi talaga ako," sabi niya.

Enjoy rin daw siya kapag napagbibigyan ang fans na gustong magpalitrato kasama siya.

Dahil siguro sa mestiza features niya kaya napagkakamalang masungit si Andi. Pero aniya, "Hindi naman talaga ako masungit. Hindi ako masungit at all.

"Siguro nakita nila ako out on a normal day. Halimbawa, nasa mall ako at kasama ko yung mga kaibigan ko at nanonood lang ng sine.

"Minsan, humihingi ako ng pasensiya kasi gusto ko naman ng private time with my friends. Pero hindi nga po lagi ganoon. Pumapayag pa nga ako madalas sa mga requests. Kaya nga ako naging artista para sa kanila, tapos aayawan ko sila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Akala lang siguro nila siguro dahil sa kilay ko kasi mataas. Inayos ko nga yung kilay ko para hindi mukhang matapang. 'Saka dahil sa mestiza ako," pabiro niyang sabi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN