Randy Santiago and John Estrada on accepting ABS-CBN noontime show: "Trabaho lang."

John Estrada (left) and Randy Santiago (right) return to noontime programming as they host Happy, Yipee, Yehey! with Toni Gonzaga, Mariel Rodriguez, Melai Cantiveros, and Bianca Manalo.


Sa tinagal-tagal ni Randy Santiago sa ABS-CBN, kahapon, February 6, lang siya nag-guest nang live sa showbiz talk show na The Buzz.

Ang pagge-guest ni Randy ay may kinalaman sa bagong noontime show na bubuksan ng Kapamilya network, Happy, Yipee, Yehey! na magsisimula sa February 12.

Makakasama ni Randy rito sina John Estrada, Mariel Rodriguez, Bianca Manalo, Melai Cantiveros, at ang isa sa co-hosts ng The Buzz na si Toni Gonzaga.

Kasamang nag-interview ni Toni kay Randy si Boy Abunda.

BACK TO NOONTIME. Hindi ito ang unang pagkakataon na maghu-host ng isang noontime show si Randy.

Ang una niyang noontime show ay ang Lunch Date (1986 to 1993) at sinundan ng SST: Salo-Salo Together (1993-1995), na parehong ipinalabas sa GMA-7.

Nagbalik sa noontime slot si Randy sa 'Sang Linggo nAPO Sila (1995-1998) at Magandang Tanghali Bayan (1998-2005) sa bakuran naman ng ABS-CBN.

Kaya ang tanong sa kanya, ano ang pakiramdam niya na after a long time ay balik-noontime show siya?

"Very excited, actually. Of course, after MTB, yun po ang pinakahuli naming ginawa na noontime. But I've been doing noontime, ever since... Lunch Date, SST, tapos 'Sang Linggo Na Po Sila. Tagal na, 'no? And then, MTB. At ngayon, meron nang bagong-bago," sabi ni Randy.

BONDING. Tinanong rin ni Boy si Toni kung ano ang pakiramdam niya working with Randy, John, and Mariel.

"Tito Boy, I'm very excited!" sagot ni Toni.

"Kahapon, nag-dry-run kami. Nag-lunch kami, all together, kaming lahat with the staff, Mr. M [Johnny Manahan]. Then, 12 o'clock, nagkaroon kami ng lunch bonding. After that, dumiretso kami ng Studio 4, tinest na namin yung mga games, yung set, yung buong programa.

"Ang sarap ng pakiramdam na makatrabaho si Kuya Randy at si Kuya John. Kasi, hindi ka na mag-a-adjust sa kanila. Yung level of comfortability namin ni Mariel sa kanila, nandoon agad. Ang bilis, parang lunch pa lang... Actually, meeting pa lang, nandoon na agad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At saka, siguro, nakatulong din that I've worked with Kuya Randy. Nakatulong din na nakatrabaho ko na si Kuya Randy noong 2005 sa isang sitcom [My Juan and Only]."

Ayon naman kay Randy, "Siyempre, importante, magagaling ang hosts, e. Napakapalad po namin, of course, we have Toni Gonzaga and Mariel. Talagang seasoned, 'ika nga. Kaya nakakatuwa."

Ano bang noontime show ang Happy, Yipee, Yehey!?

"It's a very basic variety show," sagot ni Randy.

"Nandoon yung mga papremyo. Nandoon yung mga kantahan, etc., etc. Pero importante, gusto nilang ibalik yung pamilya ang hitsura. Pamilya, barkada."

Nakausap din ni Boy on the phone ang isa pang host ng programa na si John Estrada. Tulad nina Randy at Toni, tinanong din siya kung ano ang aasahan sa bagong noontime show nila?

"Naku, napaka-exciting po ng bagong noontime show natin. Wala pong hinahangad ang bagong noontime show kung hindi magbigay ng ligaya sa mga manonood.

"Ang dami naming bagong games. Ang dami naming exciting games. Maraming-maraming aabangan po," sagot ni John.

WILLIE REVILLAME. Pagkatapos nito ay diniretso na ni Boy sina John at Randy tungkol sa isyu sa kanila ng kaibigan nilang si Willie Revillame.

Matatandaang naglabas ng sama ng loob si Willie sa kanyang programa sa TV5 na Willing Willie, dahil sa pagtanggap nina John at Randy ng offer ng ABS-CBN na mag-host ng isang noontime show. Ayon kay Willie, may inaayos na raw siyang noontime program sa TV5 para kina John at Randy kaya nagulat siya na tinanggap na pala ng dalawa ang offer ng ABS-CBN. (CLICK HERE to read related story.)

Dating magkakasama sa Magandang Tanghali Bayan sina Randy, John, at Willie.

Tanong ni Boy: Ano ang nais sabihin nina Randy at John?

Sabi ni John, "Alam n'yo, hindi lang naman sa magkakaibigan nangyayari 'yan. Kahit sa magkakapatid, meron talagang mga tampuhan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ganunpaman, just to put an end to this, I'll just like to say na wala po kaming ginawang masama. Kami po ay tumanggap ng trabaho at ganunpaman din, gusto lang din naman namin na magpasaya ng tao.

"I hope, magpasaya na lang tayo ng tao."

Sabi naman ni Randy, "Of course, you know, kami ni Willie, magkasama ever since 1983, we're talking about 28 years together. Isang kuwarto ang tinutulugan namin when we were doing Cicada.

"So, in other words, tampuhan ng magkapatid. Right after na mapakinggan natin ang tampo niya, we were deeply hurt also dahil gusto niya, siyempre, magkasama-sama kaming muli.

"Pero, of course, dahil nga sa nangyaring ito, hindi namin inaasahan na nandito pa rin kami sa Channel 2. In a way, tinext din agad namin siya. Si brother John, e, nag-text din sa kanya. Humihiling kami na sana, sa susunod na panahon, e, magkakasama rin tayo.

"Pero at this point, siyempre, trabaho lang, 'ika nga. Nauna lang itong show ng ABS."

Dugtong pa ni John, "Well, totoo naman ang sinasabi ni brother Randy. Kung meron man ibang tao na magtataka kung ano talaga ang nangyari, wala po talaga kaming masamang... At alam naman ni Willie kung gaano namin siya kamahal.

"Kami po ay tunay na kaibigan. Ito po ay isang trabaho lamang. Kailangan din naming magtrabaho ni Randy.

"Sana po, e, katulad nga ng sinabi ko kay brother Randy, as long as malinis ang konsensiya natin, at alam natin na alam ng Diyos na wala tayong ginagawang masama, siguro naman kahit sinong kumalaban sa atin, e, hindi magtatagumpay dahil kakampi natin ang Diyos dito."

Bago nagpaalam si Randy sa panayam sa kanila, binati pa niya si Willie: "Kuya Willie, happy, happy Birthday mula sa puso namin. Sana matapos na lahat ng ito."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN