Grace Poe officially concedes to Rodrigo Duterte

May 9, 2016
<p>Iginagalang ni Senator Grace Poe ang hatol ng taumbayan sa pagpili ng nakararami kay Mayor Rodrigo Duterte bilang bagong pangulo ng bansa. Aniya, "Ako si Grace Poe at naging kandidato sa pagkapangulo ngayong eleksyon 2016 ay nagibigay daan kay Rodrigo

Nag-concede na sa laban sa pagka-presidente ang Team Galing at Puso standard-bearer Senator Grace Poe kay PDP-Laban presidential candidate Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

Bandang lagpas alas-dose ng madaling-araw ngayong May 10, nagsagawa ng isang press conference si Poe upang bigyang-daan ang pangunguna ng Davao City mayor sa bilangan ngayong halalan.

Nauna nang naiulat bago mag-hatinggabi na tumawag mismo si Poe kay Duterte upang ipaalam na sumuko na siya sa laban.

Naging maayos naman daw ang kanilang pag-uusap.

Narito ang buong pahayag ni Senator Grace:

“Magandang umaga sa inyong lahat.

“Mga minamahal kong kababayan, naging malupit ang tatlong buwan ng kampanya.

“At higit pa dun, kung bibilangin niyo kung kailan ako naghayag sa aking desisyon na tumakbo bilang pangulo.

“Ipinagmamalaki kong sabihin na ako at ang aking pangkat, ang aking mga tagasuporta ay hindi nawalan kailanman ng pananalig.

“Naniniwala kami sa mga adbokasiyang aking isinusulong para sa ating mga kakabayan.

Continue reading below ↓

“Lumaban kami nang malinis at patas.

“Matutulog ako ngayong gabi na may malinis na kunsensiya na panatag na ako kasama ang aking pangkat at lahat ng mga minamahal kong tagasuporta.

“Ginawa natin ang lahat. Ginawa natin ang lahat ng ating makakaya.

“Ako si Grace Poe at naging kandidato sa pagka-pangulo ngayong eleksyon 2016 ay nagbibigay daan kay Rodrigo Duterte, na siyang maliwanag na nagunguna sa kasalukuyang bilangan at siyang napili ng nakararami ng ating mga kababayan.

“Bilang isang masidhing tagapagtaguyod ng repormang pang-eleksyon, matatag ang paniniwala ko sa boses at kalooban ng ating taumbayan.

“Iginagalang ko ang resulta ng ating halalan.

“Binabati ko si Mayor Rodrigo Duterte at ipinapangako ko ang aking pakikiisa sa paghilom ng ating bayan at pakikiisa ng ating mga kababayan tungo sa patuloy na pag-unald ng ating bansa.

“Maraming salamat po.”

Read Next
Read More Stories About
Rodrigo Duterte
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Iginagalang ni Senator Grace Poe ang hatol ng taumbayan sa pagpili ng nakararami kay Mayor Rodrigo Duterte bilang bagong pangulo ng bansa. Aniya, "Ako si Grace Poe at naging kandidato sa pagkapangulo ngayong eleksyon 2016 ay nagibigay daan kay Rodrigo
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results