Perci Intalan says TV5 offers good projects and competitive pay—that's how they attract stars from other networks

"Ang maganda kasi kay Alex, talagang go lang nang go. Yung role ni Grace [sa Babaeng Hampaslupa] was tailor-made for her. May sense of humor, may drama. Maraming mangyayari sa kanyang mabibigat," says Perci Intalan (main picture) of Kapatid Network's major star, Alex Gonzaga (inset).


As the Vice-President for Entertainment ng TV5, isa si Mr. Perci Intalan sa mga taong nasa likod ng paunti-unting pag-angat at pagiging isa sa mahigpit na kakumpetensiya ng GMA-7 at ng ABS-CBN, ang mga nangungunang TV networks sa kasalukuyan.

Di tuloy maiwasang tanungin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Mr. Intalan kung ano ang reaksyon niya sa espekulasyon ng marami na nanunulot daw sila ng mga artista ng mga kalabang istasyon at kapalit nito ay ang tripleng talent fee at kabi-kabilang mga proyekto.

"Many people think na yung offer namin is only monetary but [we offer them] good projects at napapanindigan naman namin yun... If you ask the artists, they will say— and I hope they do — it's all about the projects that we give them.

"We also take into consideration kung sino ang lumabas sa comfort zone nila, yung risk factor. If you will ask the other artists, they will admit na okey lang yung compensation. But sometimes we don't discuss this immediately. Ang tinatanong namin agad is project," paliwanag ni Mr. Intalan.

"Pag pera kasi ang pinag-usapan agad, parang walang respeto. Ang philosophy namin kasi is, this is show business at ang puhunan dito is talent. MVP (Manny V. Pangilinan, TV5 chairman) recognized this.

"This is a creative industry so you have appeal to the artists, to the people. Pag kausap namin sila, [we tell them] 'Ito yung project, ito yung role, ito yung istorya.' Usually nasa 2nd or 3rd meeting ang tungkol sa pera," dagdag pa niya.

Alam din ni Mr. Intalan na mahigpit ang kumpetisyon sa larangan ng telebisyon.

"Mahigpit siya, pero that's the challenge on our part. Sabi nga nila, it brings out the best or worst in you. Kami, we're very conscious about the competition pero di namin pine-personal.

"Our talents can go to ABS or GMA, wala kaming problema dun. This is part of the business, but it doesn't mean na dine-deadma namin yung fact na may dalawang higanteng networks around us," saad ni Mr. Intalan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa Christmas party for the press ng TV5 ay nagbigay-pahayag ang management na magpu-full blast sila by 2011. Sinisimulan na ito ng Kapatid Network with the premiere last Monday ng Babaeng Hampaslupa. Maraming malalaking shows ang nakalinya pang ipapalabas.

"Definitely yes, kasi pinangako namin yun, not only to management but also to the advertisers. In 2010, [we asked them na] bigyan kami ng pagkakataon to prepare, to build up. In 2011, magsisimula na kaming lumipad," aniya.

Hindi lamang tumatayo bilang Vice President for Entertainment si Mr. Intalan, bahagi din siya ng creative team ng mga shows sa TV5, at isa rito ay ang Babaeng Hampaslupa.

Agad tinanong ng PEP kung hango ito sa Bababeng Hampaslupa na ginawa ni Ms. Maricel Soriano.

"Actually yung sinasabi nilang reference namin is Mano Po [produced by Regal Films]. It's an honor, kasi epic siya at magagandang projects ng Regal. Pero siyempre di siya intentional.

"Nung ginagawa namin yung script, nagtanungan kami, 'Ano ba ang gagawin natin para may bago?' We came out with the concept na dalawang Filipino-Chinese family, isang mabait at isang medyo di mabait," paliwanag ni Mr. Intalan.

"Alam namin we would be compared, it would be an added pressure on the production team kasi yung expectations sa Mano Po kailangang ma-reach namin. Ako, I would like to congratulate Direk Eric Quizon and Direk Joyce Bernal kasi they gave more than what we envisioned," aniya.

"Yung story, di siya yung Babaeng Hampaslupa ni Maricel Soriano or yung earlier version ni Ms. Nida Blanca. Dito, hindi lang umiikot ang istorya kay Grace played by Alex Gonzaga. Umiikot din kay Ms. Susan Roces, Ms. Alice Dixson. Tatlo silang babaeng naghirap at inapi, literal yung iba, figuratively, yung iba.

"Original yung kuwento, yung title lang ang similar. Pero tsi-nek muna namin yun, allowed naman daw yung similar title."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Alex Gonzaga, na gumaganap bilang Grace sa dramaserye, ay kinukunsidera na isa sa mga importanteng artista ng Kapatid Network sa ngayon. Bukod sa di naman kukuwestyuning husay sa pag-arte ng young actress, binabalik lang ng TV5 ang loyalty na binigay niya dito.

"Si Alex, isa sa mga unang Kapatid natin at hinahanda talaga namin siya for better and bigger things. Sukli na rin namin yun sa pagtatayang ginawa niya sa TV5 kasi maski nung walang-wala pa ang TV5, sumugal siya sa amin," ayon kay Mr. Intalan.

"Ang maganda kasi kay Alex, talagang go lang nang go. Yung role ni Grace was tailor-made talaga for her. May sense of humor, may dramatic acting. Maraming mangyayari sa kanyang mabibigat."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN