Arnold Vegafria says Baron Geisler's interview on The Buzz was not rehearsed

"Pinalabas na kaawa-awa?" Arnold Vegafria (main picture), talent manager ni Baron Geisler (inset), reacts to comments that TV host Boy Abunda conducted a sympathetic interview with the controversial actor on his sexual harassment case. Baron was sanctioned after actress Cherry Pie Picache complained to PAMI about his unprofessional behavior. "Boy Abunda just did his job. And fair naman sila ah, fair naman ang presentation... Kung may questions yung kabilang kampo, e,


Nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Arnold Vegafria, ang manager ng kontrobersiyal na aktor na si Baron Geisler, na kamakailan lang, after ng general check up nito sa doctor, ay pumasok na sa isang rehabilitation center. Ito ay bilang kasunduan ng Professional Artists Management inc. (PAMI), kunsaan miyembro si Arnold.

Bawal nga lang banggitin ang pangalan ng rehab center na pinasukan ng aktor for security and privacy reasons.

Ang pangyayaring ito ay nag-ugat sa isyung kinasangkutan ni Baron with Cherry Pie Picache sa taping ng Noah ng ABS-CBN, kunsaan diumano'y "nabastos" ni Baron ang magaling na aktres.

Kumusta naman ang pag-uusap nila ni Baron pagkatapos mangyari ang bagyong ito sa buhay nito?

"Okey naman siya," sagot ni Arnold. "Willing na willing naman siyang tapusin yung rehab niya."

Pero ayon sa ilang opinion sa mga babasahin, sa panayam daw ni Boy Abunda kay Baron sa The Buzz, pinalabas daw na "kaawa-awa" ang nagkamaling aktor sa mata ng televiewers. (CLICK HERE to read related story.)

Ano ang masasabi dito ng manager?

"Pinalabas na kaawa-awa?" halatang nagulat si Arnold dahil hindi raw siya aware sa mga naglalabasan lately tungkol sa nasabing interbyuhan. "E, ina-answer lang naman niya ang mga questions sa kanya."

JUST DOING HIS JOB. So, nasa nag-i-interview rin ba yun kung papaano ang magiging takbo ng panayam?

"Boy Abunda just did his job. And fair naman sila, a, fair naman ang presentation.

"Kung may questions yung kabilang kampo, e, di magpa-interview rin sila. Ibigay rin nila yung side nila."

Ang tinutukoy na "kabilang kampo" ni Arnold ay ang aktres na si Cherry Pie Picache at ang manager nitong si Ed Instrella.

Inamin ni Arnold na hindi raw niya alam ang set of questions na itatanong ng host na si Boy Abunda, at hindi ito "screened" ng kanyang talent management office, tulad ng minsan o kadalasang request o requirement ng ibang talent manager na may one-on-one interview sa TV talk shows.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I didn't even know what the questions will be. Hindi ko na tinanong o ini-screen ang mga questions.

"Basta, sabi ko kay Baron, ang gusto ko lang, ma-interview na at makapag-apologize siya at ilabas niya ang side niya. Hindi na dumaan sa office ko ang questions [sa interview na yun].

"Ang sinabi ko lang, mag-ayos lang siya ng sarili niya. Sabi ko sa kanya, 'Eto ang suotin mo. Malinis dapat ang itsura mo...'"

Idinagdag din ni Arnold na naging fair naman daw ang ABS-CBN sa nasabing isyu.

"Fair naman ang ABS, e," sabi niya. "Kung meron lang pagkakamali, kailangang ayusin... Kailangang harapin. Yun ang stand ko.

"Ang ABS naman, hindi naman nagpapabor ng artista. Alam naman nating may problema rin kay Baron. So, dapat, mag-comply rin si Baron sa requirement ng PAMI at ng ABS. I-address kung ano ang problem. Hindi naman nakikialam ang ABS sa isyung ito."

NORMAL REACTION. Nagpapasalamat ba siya at nagkaroon ng "special report" ang The Buzz tungkol dito?

"Ako naman talaga, lahat ng media...binigyan ko ng chance na ma-interview [si Baron]. Hindi ako nag-inhibit or nag-manipulate ng kahit na ano.

"Ask them, ni hindi nga ako um-attend ng press conference ni Baron, di ba? Kumbaga, hinayaan ko lang siya. Like yung show ni Karen Davila [Headstart sa ANC], ayun, pinapunta ko lang siya.

"Ang first requirement ko lang sa kanya ay to apologize sa na-offend niyang si Pie. Yun ang number one. Yun kasi ang requirement ng PAMI, of which I am also a member, so lahat, any form of media, ginawa ko na.

"Naiintindihan na yun ng PAMI. Ginawa ko na lahat. Humingi ng apology, ayan na. Yung rehab, ayan na. And so, ano pa ba ang ibibigay ko? Ano pa ba ang gusto nila?

"So, objective lang naman ako... You cannot please naman everyone kung may mga comments pa rin... For me, it doesn't matter. What is important is na-comply ko ang requirements nila," aniya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WORRIED ABOUT HIS CAREER. On Baron's part naman, may pahayag ito sa kanyang interviews na pakiramdam niya'y "pinagkaisahan" siya ng showbiz, bagamat naniniwala itong ang aksiyon ng PAMI ang siyang dapat ngang mangyari upang ituwid ang kanyang pagkakamali.

Sabi ni Arnold, "E, siyempre, yun ang napi-feel niya, pero sinabi ko naman sa kanya nang maayos na hindi naman ganoon... Ang bottom line there is ayusin mo ang sarili mo, para wala ka nang problema. Think about yourself, don't think about other people, think about yourself.

"Normal reaction lang naman niya yun, e. Pero ngayon, naiintindihan na niya."

Na-realize na raw ng kanyang alaga ang ginawa niya pagkatapos ng masinsinan nilang pag-uusap.

"Oo naman... Si Baron, kapag naman hindi 'yan under the influence of alcohol, maayos naman siyang kausap. Mabait naman siya."

Dialogue daw ni Baron sa mga close nitong reporter ay "May career pa ba ako pagbalik ko?" Ano ang masasabi dito ni Arnold bilang manager niya?

"I hope meron pa siyang mabalikan. Pero kung ako ang tatanungin, gusto ko sana, e, mabigyan siya ng chance ng industry. Nag-comply naman ako sa requirements," sagot niya.

So, walang masasabi sa kanya ang PAMI?

"Wala dapat, dahil ginawa ko naman lahat," nakangiting sagot nito.

ARNOLD'S OTHER TALENTS. Tinanong na rin namin si Arnold kung anu-ano na ang mga updates sa career ng iba pa niyang mga alaga under ALV Talent Circuit, kunsaan siya president.

"Si Billy [Crawford], lalabas na uli yung Pilipinas Got Talent niya sa ABS-CBN, at gagawa siya ng movie sa Star Cinema. It's a comedy pero hindi ko pa alam ang ibang details... Bawal pa atang sabihin, e. Co-actors, I have no idea.

"Kakatawag lang nila, basta, he's going to do a movie for Star Cinema, and he's going to do a movie also for Regal Entertainment. Tapos na rin yung new album niya na ni-record niya sa France.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Si Iya [Villania], aside from nakapasok na siya sa Umagang Kay Ganda, she has a new reality show, yung I Dare You [with Jericho Rosales] and she's taping for it na. Patapos na rin ang Book 2 ng Kristine.

"Daily yung reality show kaya ang mukha niya, all over. Still taping for Us Girls, Myx, and ASAP Rocks. Ang dami niyang ginagawa."

Ano na ang balita kay Denise Laurel na natsismis na buntis kaya nawala sa sirkulasyon?

"Still nagpapahinga and studying pa rin."

So, Denise is just here in the Philippines at hindi siya nag-abroad?

"Nag-abroad siya. Nag-aaral," sagot ni Arnold.

Si Ahron Villena, na kakalabas lang sa Survivor Philippines Celebrity Showdown ng GMA-7, biglang nakita na lang ng publiko na nasa Mutya, ang bagong primetime show ng ABS-CBN.

Wala bang naging conflict ito sa contract ni Ahron sa GMA-7, kung meron man?

"For drama, wala," sagot ni Arnold. "In-allow naman siya ng GMA."

Pagpapatuloy ni Arnold, "Si Kris Lawrence, may sarili siyang album na tinatapos niya under Polyeast Records.

"Si Nikki [Gil], gagawa na rin siya ng soap opera. Matagal na yung dati niya. Hindi ko pa alam ang details, pero sinabihan na ako."

Ang singers naman ni Arnold na sina Geneva Cruz at Jessa Zaragoza with comedian-performer na si Jon Santos ay may Valentine show sa Bellevue Manila sa Valentine's Day.

"Kasama rin si Geneva sa isang new TV show na tungkol sa mga police. She arrived recently from the States, nagkaroon siya ng mga shows. Nagbakasyon na rin siya doon para makita niya yung anak niya.

"Si Jessa naman, gagawa ng bagong album.

"Si Carla [Abellana] has a new soap, Magic Palayok. Siya ang lead. She's doing a movie with Regal, yung Temptation Island.

"Nag-renew lahat ng endorsements niya—Pantene, Hapee toothpaste, Ponds... May bago siyang endorsement na perfume. Isu-shoot pa lang. Malaki ang launching."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang bagong pasok under his talent management office ay ang former child actress na si Isabella de Leon, na ayon pa rin ay Arnold ay nagte-taping na ng new soap opera sa ABS-CBN entitled Elisa.

"Second lead si Isabela dito, sila ni Melissa Ricks. Natutuwa si Isabella dahil nakabalik siya sa acting. Pero she sings also. May plano rin ako sa singing career niya soon, magaling na singer, e.

"Sina Jay-R and Kyla, they have a Valentine show on February 11 at The Establishment at The Fort entitled Soulmates. Successful yung Music Museum concert nila and their fans are asking for a Valentine show.

"Jay-R is also doing a soap opera sa GMA, part of the contract niya kasi ay isa pang show every year.

"Si Kyla naman, maganda ang album niya ngayon and selling like hotcakes. Puro foreign artists ngayon ang nasa charts, pero sa OPM, siya lang.

"KC Montero is doing a regular 89.1 radio show and hosting a travel show onTV5. Maglu-launch rin ako ng mga bagong stars. Gusto ko pag nag-launch ako, may bago na silang shows.

"Si Gary Estrada, after doing Bantatay sa GMA, is doing a show with ABS-CBN, yung Agimat, kasama niya si Jolo Revilla. Bida-kontrabida si Gary.

"Monsour del Rosario is also back with me and kasama nga siya sa police show with Geneva," pagtatapos ni Arnold.

Ang iba pang under ALV ay sina Gian Magdangal, John and Camille Prats, Cesca Litton, Pinky Amador, and Patrick Garcia.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN