MYX VJ Robin Nievera picks rock tunes over ballads on Valentine's Day weekend

Robin Nievera will attend the MYX Music Awards for the first time as a video jock. The son of Concert King Martin Nievera and Concert Queen Pops Fernandez will be at the annual music awarding ceremony on March 15 at Music Museum in Greenhills, San Juan.


Excited na ang MYX VJ na si Robin Nievera sa darating na MYX Music Awards na idaraos sa March 15 sa Music Museum sa Greenhills, San Juan.

"I was there last year. I presented Best New Artist, I think with Paolo Valenciano, and to me just going there as a guest lang ha, going to the red carpet, dressing up nice, I was excited the day after and I have nothing to show," pagbabalik-tanaw ni Robin nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) noong Lunes, February 7, sa 9501 restaurant sa ABS-CBN.

During last year's event ay hindi pa MYX VJ si Robin kaya hindi pa gano'n kalaki ang participation niya sa taunang parangal.

July 21, 2010 nang manalo si Robin sa MYX VJ Search kasama ang dalawa pang kalahok na sina Ton de Dios at Julz Savard. (CLICK HERE to read related article.)

"Now, I'm really part of the show," nakangiting sambit ni Robin.

"I don't know what I'm going to do yet. But I'm very excited to meet everyone. All of my favorite artists will be there. I've met a lot this last six months, but I'm looking forward to meeting more, talking to them—it's gonna be fun."

Nagtatanong ba siya sa mga beteranong VJs kung ano ang karaniwang nagaganap tuwing sasapit ang annual awards night ng MYX?

"I don't ask them. They just talk about it like, 'Remember that time...' and I can't relate because I'm still new.

"So I'm excited to be part of the stories next year. I hear only good things about it, like they have so much fun, and I'm excited to have fun with them."

NOT AN EASY JOB. Isa sa itinuturing na "coolest jobs," partikular ng mga kabataan, ang pagiging VJ o video jock.

Bagamat aminado si Robin na masaya ang kanyang trabaho ay sinabi rin niya na kailangan pa rin ng tiyaga at talento para maging matagumpay sa larangan ng pagpepresenta ng music videos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Before, while watching MYX, before I say 'That looks like a very easy job.' Kasi they're talking lang, maybe may script, maybe may [tele]prompter, but it's really difficult," sabi ni Robin.

"It's more difficult than what people would see. I thought I knew a lot about music, but I didn't know enough. I didn't know that the responsibility of being a VJ on MYX is pretty hard.

"Kasi I have to know what I'm saying even if there is a script, and most of the time, there's no script, we're just talking whatever that comes to our heads, and that's not easy."

ROCKIN' VALENTINE'S. Tuwing sasapit ang Valentine's Day season ay hindi siyempre mawawala sa eksena ang mga magulang ni Robin na sina Martin Nievera at Pops Fernandez.

Parehong kilala si Martin at Pops sa pagdaraos ng concerts every time na papasok ang buwan ng Pebrero.

Ngayong taon ay may magkahiwalay na concert ang dating mag-asawa sa parehong petsa na February 12.

Si Martin ay mapapanood kasama ang Pop Princess na si Sarah Geronimo sa concert na pinamagatang What Love Is, na gaganapin sa Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Makakasama naman ni Pops ang singer-songwriter na si Ogie Alcasid sa concert na I Valentine U, na idaraos naman sa Crowne Plaza Galleria Manila sa Ortigas Avenue.

Dahil walang ka-date ay baka mas piliin na lang daw ni Robin na panoorin ang Philippine concert ng American metal band na Deftones na gagawin din sa February 12 sa World Trade Center sa Pasay City.

"Walang lovey-dovey moments kaya Deftones na lang!" natatawang pahayag ni Robin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN