Ai-Ai delas Alas's Valentine's date is a hunky Italian-Colombian model

"Hindi niya alam na artista ako. Hindi niya alam na Best Actress ako. Pero kasi siyempre, nagtitinginan yung mga tao sa bar. Na-curious siya, 'Sino bang tinitingnan n'yo?'" says Ai-Ai delas Alas about meeting her new foreigner date, an Italian-Colombian model.


Nilantad na ni Ai-Ai delas Alas ang bagong lalaki sa buhay niya para tuluyang mabura ang pagkaka-link niya sa direktor na si GB Sampedro.

Isang Italian-Colombian model na 26 years old ang bagong dini-date ng Comedy Concert Queen, pero ayaw niyang banggitin ang pangalan nito. Dahil dito, mistulang "mystery guy" ang guwapong model na nagpapatibok sa puso ngayon ni Ai-Ai.

Ang naturang model ang magiging date ni Ai-Ai sa February 14 show niya sa Zirkoh Comedy Bar sa Tomas Morato, Quezon City, titled Ai Luv It..143 For All, kasama ang wacky duo nina Jose Manalo at Wally Bayola.

"Malamang, bakit hindi?" sabi ni Ai-Ai sa PEP (Philippine Entertainment Portal) nang makausap namin siya sa Zirkoh Morato noong Lunes ng gabi, February 7.

Sa mismong show niya ay darating daw ang guy para sunduin siya at lalabas sila after ng show.

Waging-wagi ang beauty ng komedyana dahil sa larawan ay hawig ang lalaki kina Shintaro Valdez at Troy Montero. May kaya rin daw ito sa buhay at katatapos lang gumawa ng isang commercial sa TV.

Ayon kay Ai-Ai, nagkakilala raw sila sa isang sosyal na bar.

"Hindi niya alam na artista ako. Hindi niya alam na Best Actress ako. Pero kasi siyempre, nagtitinginan yung mga tao sa bar. Na-curious siya, 'Sino bang tinitingnan n'yo?'

"Pagkakita niya sa akin, 'Dyusko, 'yan lang ba? Gandaah!' Parang gano'n! 'Hindi naman kagandahan, pinagkakaguluhan n'yo? Sino ba 'yan?' Gano'n!" natatawang kuwento niya.

Dagdag ni Ai-Ai, "Tapos, nag-meet kami. Nakilala ko na siya. Guwapo siya!"

Isang buwan na raw silang magkakilala ng guwapong modelo. Nasa stage pa lang daw sila na "getting to know each other," pero posible raw itong lumalim.

Five times na raw silang nag-date ng guwapong mo­del at ito ang taya sa mga date nila.

Inamin ni Ai-Ai sa PEP na masaya siya ngayon at sa darating na Valentine's Day.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Happy flower!" tawa niya ulit.

"Mi amore" (my love) ang tawag ng guwapong model kay Ai-Ai at "babe" naman ang tawag niya dito.

Ipinagmamalaki pa ng aktres na walang sabit at masasagasaan kung sakaling matuloy sa malalim na relasyon ang lahat.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nakipag-date sa isang foreigner si Ai-Ai. Noong 2009 ay na-link siya sa isang Venezuelan na nagngangalang Julio Cabrera. (CLICK HERE to read related story.)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN