Watch Now

Mico Palanca ends up in jail after traffic accident in San Juan

by Mark Angelo Ching
Feb 9, 2011
Actor Mico Palanca is still detained at the San Juan Police Station after a traffic incident. He is scheduled to post bail for his release.

Inaresto kahapon, February 8, ang aktor na si Mico Palanca dahil sa ilang mga kaso kaugnay ng isang aksidenteng pantrapiko na kinasangkutan nito.

Sa ngayon ay nakakulong pa rin si Miko sa San Juan Police Station.



Ayon sa report ng PM tabloid, aksidenteng nabangga ng aktor ang kotse ng isang hindi kilalang doktor sa Ortigas Avenue sa San Juan.



Ayon sa mga pulis na rumesponde sa insidente, lumabas si Mico sa kanyang kotse at sinigawan sila.



Wala rin daw maipakitang lisensiya ang aktor. Galit din umano nitong itinapon sa direksyon ng mga pulis ang Original Receipt/Certificate of Registration ng kanyang sasakyan.



Dahil dito ay haharapin ni Mico ang patung-patong na kasong "slander, malicious mischief, driving without license, and resistance and disobedience to an agent of a person [sic] in authority."



Sa follow-up naman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa isang imbestigador sa San Juan Police Station kaninang tanghali, February 9, ay sinabi nito na nasa piitan pa rin si Mico.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓



Samantala, nilalakad na rin daw ang piyansa nito, pero hindi alam ng imbestigador na nakausap ng PEP kung magkano aabutin.

Si Mico ay ang nakababatang kapatid ng aktor na si Bernard Palanca, at dating boyfriend ng aktres na si Bea Alonzo.

Huling napanood si Mico sa ABS-CBN shows na Gimik 2010, Precious Hearts Romances Presents: Love Is Only In The Movies, at May Bukas Pa.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actor Mico Palanca is still detained at the San Juan Police Station after a traffic incident. He is scheduled to post bail for his release.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results