Gladys Reyes starts her work as board member of MTRCB

"When I become a mom, yun ang number one most fulfilling and greatest achievement ko. Pangalawa, ito na, being chosen as one of the members of the MTRCB," says Gladys Reyes.


Nanumpa na ang aktres na si Gladys Reyes bilang board member ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) noong Lunes, Pebrero 7. Pagkatapos ng kanyang oathtaking ay sumabak na agad si Gladys sa kauna-unahan niyang board meeting.

Sa pamamagitan ng text ay nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Gladys kahapon, February 8.

Ayon sa kanya, nagulat siya nang tawagan siya ni mismong MTRCB Chairman Mary Grace Poe-Llamanzares at alukin ng puwesto sa sangay na ito ng pamahalaan.

"Si Ate Grace Poe Llamanzares ang tumawag sa akin few months ago. She was asking me kung willing daw ba akong mag-join ng board. Of course, without battling an eyelash, I said 'more than willing!'" sabi ng dating child actress.

Mismong si Mary Grace din ang nag-induct kay Gladys sa tanggapan ng MTRCB. Pero ayon kay Gladys, posible rin daw silang i-induct ni President Noynoy Aquino.

"Noong Monday, si Chairperson Grace Poe ang nag-induct, pero ipapatawag din daw yata kami sa Malacañang with PNoy. Depende sa schedule ng President."

Ano ang pakiramdam niya ngayong kabilang na siya sa MTRCB na nagre-review at nagka-classify ng mga palabas sa pelikula at telebisyon? Na-imagine ba niya noon na hahawak siya ng ganitong katungkulan?

"When I become a mom, yun ang number one most fulfilling and greatest achievement ko. Pangalawa, ito na, being chosen as one of the members of the MTRCB.

"In my 27 years in showbiz industry, dito na ako nagkamuwang, nagdalaga, nagka-asawa at mga anak. Isa ako sa mga artistang naghahangad at nagmamalasakit na maitaas pa lalo ang quality ng programs and movies, especially para sa mga anak natin," saad ni Gladys.

Naikuwento rin ni Gladys sa PEP na ngayong araw, February 9, ang unang araw niyang mag-i-screen ng pelikula.


BREASTFEEDING. Habang ka-text namin si Gladys ay pinapatulog at bine-breastfeed niya ang ikatlo at bunsong anak nila ni Christopher Roxas—si Grant Carlin, three-month-old.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Full breastfeeding si Gladys sa kanyang bunso kaya naman hindi siya puwedeng mawalay rito nang matagal. Pero nagagawan naman daw niya ng paraan kapag may inaasikaso siyang ibang bagay.

"Siyempre, bukod sa proper time management, it helps na may mga katuwang, kasama tayo sa bahay at sa buhay, para siyempre mas madali ang lahat.

"Actually, noong nag-oathtaking ako, kasama ko ang bunso ko. Kasi nga, nagbi-breastfeed ako. Nasa pantry lang siya habang wait niya ako," sabi ng aktres.

Pagkatapos maging judge ni Gladys sa Star Circle Quest for the Next Kiddie Superstar, wala pa raw siyang alam na susunod niyang project. Meron daw ino-offer na series sa kanya, pero at this point, hindi pa raw niya kaya ang masyadong malayong location.

Pero ang kanyang mister na si Christopher Roxas ang busy ngayon sa paggawa ng soap opera titled Elisa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN