Jake Cuenca explains decision to keep relationship with Melissa Ricks secret

"Marami akong pinagdaanan sa past relationship ko and na-realize ko na talagang pagdating sa personal, parang minsan, mas gusto kong itago na lang din. Isantabi yun para sa sarili ko, or kung sinuman ang kapiling ko and it worked out, matagal na," says Jake Cuenca about keeping his relationship with Melissa Ricks private for a long time.


Kahit pawang malalaking teleserye ang nagawa ni Jake Cuenca in the past, para sa aktor, nag-mature pa siya at marami siyang natutunan sa bago niyang teleserye sa ABS-CBN, ang Green Rose.

"Isa na naman ito sa malaking teleserye ng ABS-CBN. Masaya lang kami na finally, meron na kaming playdate at meron na kaming trailer na ipinapalabas, kasi matagal na naming pinagtrabahuhan itong project na ito.

"This is a project na alam namin, kada eksena ay pinulido namin. We have lots of time with this. Pati character namin, kinilala naming mabuti. Pinaghirapan namin itong proyektong ito," pahayag ni Jake.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment portal) at iba pang press si Jake sa presscon ng Green Rose kahapon, February 9, sa 14th floor ng ELJ Bldg. sa loob ng ABS-CBN compound.

Bakit niya nasabing nag-mature siya sa proyektong ito?

"You know, with all the projects that I've done in the past, wala akong pinagsisihan. That was the best that I could have done at that time. Kumbaga, kung ano ko sa panahon na yun, yun ang pinaka-best ko.

"Pero, marami na akong natutunan, lalo na this past three or four years in ABS, and I've done a lot of projects. Marami akong nagawang proyekto na nakatulong sa akin, marami akong natutunan at na-apply ko lahat ng natutunan ko with this project.

"Dalawa lang 'yan—it's either magustuhan n'yo ang portrayal ko or hindi."

Kaugnay nito, ayon sa isa sa mga direktor ng Green Rose na si Manny Palo, nakakatakot minsan si Jake dahil sa intensity na ipinapamalas ng young actor sa pag-arte. May insidente pa nga raw sa isang taping nila na may nabasag na salamin si Jake dahil sa intensity nito.

"DATING" MELISSA. Sa presscon proper, sinabi ni Jake na "nagdi-date" sila ni Melissa Ricks when asked kung officially umaamin na sila sa relasyon nila. Pero hindi tinanggap ng entertainment press ang sinabi niyang "nagdi-date" lang sila dahil umamin na raw siya sa ibang pagkakataon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bakit kinailangan nilang paabutin ng less than two years bago sila umamin sa relasyon nila?

"Again, marami akong pinagdaanan sa past relationship ko and na-realize ko na talagang pagdating sa personal, parang minsan, mas gusto kong itago na lang din. Isantabi yun para sa sarili ko, or kung sinuman ang kapiling ko and it worked out, matagal na.

"Like what I've said, mas madaling kumilos kapag walang plano, just leave it a day at a time. It's almost two years and we're still enjoying it," paliwanag ni Jake.

Ang naging girlfriend ni Jake bago si Melissa ay si Roxanne Guinoo, na ikinasal noong January 23 sa young businessman na si Elton Yap.

Hindi mawala ang isyung kesyo hindi raw pabor ang mommy ni Melissa kay Jake at ito ang itinuturong dahilan kaya natagalan sila sa pag-amin.

Pero ayon kay Jake, "Hindi, wala, wala.... Siyempre, kung meron man, I'm not perfect. And I don't look like the boyfriend-material type. Ako yun, e.

"Pero nasa sarili ko rin kung paano ko papatunayan ang sarili ko sa lahat ng aspeto ng buhay ko. Sa trabaho, sa relationship, sa pamilya ko.

"Tulad nga ng sinasabi ko, hindi ako perpekto. I commit my mistakes. Pero definitely, natututo ako kada mali ko."

MELISSA & JOLO. There was a time, naging item din sina Melissa at Jolo Revilla. Ang impression, tila itinatago raw ni Melissa na close siya kay Jolo.

Ano ang masasabi ni Jake dito?

"That's cool. Close man sila ni Jolo or magtrabaho silang muli, I have no problem with that.

"Again, tulad nga nang mag-prescon kami rito, si Jolo, ginagawa lang niya ang responsibilidad niya bilang leading man. I do the same, so okay lang.

"Sa akin, wala namang problema. I trust Mel. She trusts me. So, yun.

"Tulad ngayon, may show ako, may leading lady ako, responsibilidad ko rin na alagaan ang mga katrabaho ko," saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung sakali, gusto ba niyang pagtambalin din sila ni Melissa sa isang serye?

"Alam n'yo kung dumating, okay lang. Actually, meron nang ibang offer, nagkakataon lang na hindi tumutugma sa schedule, hindi namin natutuloy.

"Pero kung dumating man ang araw, the perfect project comes, it's a good role, I know it's a good role for her, why not?" sagot ni Jake.

Posible rin ba na mas gusto niyang hindi sila magkasama sa isang project?

"For me, maganda rin na nakahiwalay ang personal sa trabaho. Pero kung dumating man ang isang project na magkasama kami, okay lang din," aniya.

V-DAY. Malapit na ang Valentine's Day, may plano na ba siya para sa V-day nila ni Melissa?

"Sa Valentine's, busy, e. She's doing a new show, Nasaan Si Elisa?. So, medyo busy as of now.

"Pero sana, malibre. Kung malibre man, definitely, we'll go out. Masarap mag-date kapag Valentine's Day," sabi ni Jake.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN