Jericho Rosales denies rumors linking him to Andi Manzano and Andi Eigenmann; admits past feelings for Anne Curtis

"Hindi ko kasi alam kung kailan ako tatamaan. But this year kasi, as much as possible, sana maka-concentrate ako sa lahat ng plano ko. Na plinano ko last year... We'll see, we'll see," says Jericho Rosales about falling in love again.


Ayon kay Jericho Rosales, wala siyang lovelife ngayon after his breakup with TV host Chesca Litton. Pero pilit na inuugnay ngayon ang kanyang pangalan sa dalawang Andiā€”ang radio-TV host na si Andi Manzano at ang young actress na si Andi Eigenmann.

Itinanggi ni Echo na may romantic siyang kaugnayan alinman sa dalawa.

"Wala, wala talaga yun. Andi [Manzano] and I are friends," sabi ng aktor sa presscon ng Green Rose kahapon, February 9, sa 14th floor ng ELJ Bldg. sa ABS-CBN compound.

Hindi ba niya nakikita na ang sinasabi nilang friendship ni Andi Manzano ngayon can go further?

"Siguro it's not that stage... Andi and I, we're friends talaga. I got to talk to them about my life, lovelife man or kung anuman ang nangyari sa akin in the past, nakakausap ko sila about it.

"So, I treasure them and I respect them, really talaga. When I say I treasure it, I don't wanna cross like boundaries, ganoon," saad niya.

Ano naman 'yong nakita raw sila ni Andi Eigenmann sa Cebu?

"Kami ni Andi, nagkita sa isang lugar sa Cebu. Pero hindi kami nag-date, nagkita lang kami. May mga kasama siya, mga barkada niya. Nandoon lang ako, siyempre babatiin ko.

"And Andi and I, palagi kaming nagkikita sa isang gasoline station, kasi magkapitbahay kami. Actually, kapitbahay ko po ang dalawang Andi," paliwanag ni Jericho.

NOT IN A HURRY. Mas gusto ba niyang wala muna siyang lovelife ngayon?

"Hindi ko kasi alam kung kailan ako tatamaan," sagot niya. "But this year kasi, as much as possible, sana maka-concentrate ako sa lahat ng plano ko. Na plinano ko last year... We'll see, we'll see.

"Kailangan ma-focus ko yung sarili ko dun. Magawa ko muna yun. Hindi ko naman sinasabing distraction ang lovelife, but when it comes... When the Lord gives it to me, alam Niya rin naman ang babalansehin para sa akin, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I just think this year for me is para ma-strengthen ko lalo yung priorities ko. Alam kong gawin kung ano ang mga kailangan kong gawin this year and plus the fact na hindi naman ako nagmamadali."

Tinanong din ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Jericho kung may kinalaman ba ang series of breakups niya sa desisyon niya at sa pananaw niya sa pagkakaroon muli ng relationship?

"Hindi... Ano lang, alam ko lang kung ano ang gusto ko ngayon. Alam ko lang kung ano ang gusto ko.

"Gusto ko rin naman yung dati. Masaya naman ako sa mga relationship ko with my exes. Okay naman ako do'n, di ba? Although, hindi siya dumating sa point na tumagal. Nasira siya, naghiwalay kami, pero marami akong good memories and I know na nagmahal naman ako nang tunay.

"Minahal naman nila ako and that's a blessing na for me. And some of them, friends ko," pahayag ng aktor.


Isa si Kristine Hermosa sa naging girlfriend ni Jericho. Ikinasal na ang aktres kay Oyo Sotto noong January 11 this year. Na-congratulate na ba ni Jericho si Kristine?

"Wala akong chance na i-congratulate siya. Wala akong contact number niya. I think in TV, I did.

"Congratulations Tin and Oyo. Yes, I'm very happy for her," sabi ni Echo (palayaw ng aktor).

ANNE CURTIS. Naungkat din ang pagsasama nila ni Anne Curtis noon sa pelikulang Baler at ngayon muli sa Green Rose.

Napaamin si Echo na noong ginagawa nila ang Baler ay may naramdaman din siya para kay Anne. Pero that time ay kabi-break lang ng aktres sa ex-boyfriend nitong si Sam Milby. Ngayong single ulit si Echo ay may boyfriend nang bago si Anne sa katauhan ni Erwan Heussaff.

Masasabi ni Echo na wrong timing kaya hindi natuloy ang panliligaw niya sa aktres?

"I won't say it's wrong timing. I would say it's wasn't the time siguro. Hindi ko binalak manligaw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"You can say, may naramdaman, kaya lang, we we're both on healing. I believe that there's a time for everything and siyempre, si God dapat ang healing factor ng bawat isa.

"Let's say ako, hanap ako ng iba, I'm just covering up," sabi niya.

Hindi ba siya nanghinayang na ngayong single siya ay saka naman nagka-boyfriend ulit si Anne?

Nangiti si Jericho sabay sabi ng, "Ayoko nang magsalita. Baka may ano... Basta, I'm happy na nakaka-inspire katrabaho si Anne. Nai-inspire ako.

"I have the reasons to smile every day. Siyempre naman, ang leading lady mo, maganda, mabait. So, I'm always happy."

VALENTINE CONCERT. Single man siya ngayon, hindi naman daw magiging malungkot ang Valentine's Day ni Jericho dahil sa kanyang concert sa Music Museum.

"As of now, hindi ko masabi ang mga repertoire, pero gusto kong i-surprise ang mga tao sa kakantahin ko. Itong theme song na naririnig n'yo ngayon sa Green Rose, ang 'Bumuhos Man ang Ulan,' maririnig n'yo yun. Imagine n'yo na lang na medyo may pagka-swing ng konti.

"Basta take note, itong klase ng show na ito ay medyo may pagka-dream come true for me. So, it really means a lot. So, yun.

"Ako ang nagdirek nito with Paolo Valenciano. Then Gary Valenciano is helping me out with the production, the lights. Eto na 'yun, e... eto na yun. Ito ang future ko, e. Gusto kong mag-produce ng mga concerts, ng mga shows."

Dagdag niya, "I promise you talaga, even if ang daming nagsasabi sa akin ng mga negative stuff, hindi ako nagpapatama ro'n. Basta I want to entertain people and I want to show them na 'eto talaga ang buhay ko."

GREEN ROSE. Tungkol naman sa bagong teleserye ni Jericho na Green Rose, ayon sa aktor ay napaka-challenging ng character na ginagampanan niya rito.

Aniya, "I'm telling you, medyo physically and emotionally challenging kasi yung mga eksena na ginagawa, as in nagpapamasahe ako kada eksena.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Meron akong eksena na isang araw, sumisipa ako, umiiyak ako. Tumatakbo ako na parang pagod talaga. Emotionally drained ako. Not because ibinabalik ko ang nakaraan ko, I use it, pero the character, marami siyang demands, e.

"Meron siyang normal na mabait...I'm loving, pero may mga part na hindi ako yun, e. Tapos bilang fugitive, nagtago. And then, biglang naging may-ari ng isang kumpanya na tulad ng Purefoods or San Miguel.

"And then, pagbalik ko, magko-Korean ako. Meron akong mga Korean lines and you have to exude three characters."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN