Rachelle Ann Go on relationship with John Prats: "Iba yung feeling ngayon."

"'Andun yung trust, 'andun yung respeto. Ang maganda diyan, naggo-grow kami as an individual and as a couple. 'Tsaka sabay kami nagtse-church, so nakakatuwa. Spiritually, naggro-grow din kami, so mature na kami lately," says Rachelle Anne Go about her realationship with John Prats.


Mapapanood ang singer na si Rachelle Anne Go na umaarte at hindi kumakanta simula sa Araw ng mga Puso, February 14.

Kasama si Rachelle sa bagong afternoon soap ng GMA-7 na Nita Negrita. Nasa cast din nito ang Tween Hearts stars na sina Barbie Forteza, Joshua Dionisio, at Lexi Fernandex, sina Lotlot de Leon at Zoren Legaspi, at ang beteranang aktres na si Nova Villa.

Isang submissive na kapatid ang ginagampanan dito ni Rachelle.

"Nakaka-excite po na may halong kaba. Parang hindi ko naman ginagawa yung ganitong trabaho, so kinakabahan po ako, something new," paglalarawan ni Rachelle sa bagong proyekto nang siya ay makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kaninang tanghali, February 10, sa press conference ng Nita Negrita na ginanap sa 17th floor ng GMA Network Center sa Quezon City.

Iba man ito sa dati niyang ginagawa sa industriya, masaya naman itong tinatanggap ni Rachelle.

"Blessing po at panibagong trabaho," nakangiting sambit niya.

Hindi ito ang unang pagkakataon na naisalang ang singer sa acting. Naging guest star siya sa kantaseryeng Diva na pinagbidahan ni Regine Velasquez-Alcasid last year.

RELATIONSHIP WITH JOHN PRATS. Napag-usapan din siyempre ang personal na buhay ni Rachelle, partikular na ang kanyang relasyon sa Kapamilya talent na si John Prats.

Kinumusta ng PEP ang plano nila ni John sa darating na Araw ng mga Puso, February 14, na siya ring kaarawan ng young actor.

"Dapat aalis kasama yung family mga kapatid ko kaso...out of the country, Singapore. Pero may trabaho siyang pumasok," banggit ni Rachelle.

So, hindi ito matutuloy?

"Siya [John] lang! Itutuloy namin. Four days namin siyang hindi makakasama. Iinggitin na lang namin siya!" natatawang sabi ni Rachelle.

Kasama ni Rachelle sa Singapore ang pamilya ni John.

"Mag-isa lang siya dito sa birthday niya," sabi pa ng singer.

Hindi ba siya natatakot na may ibang kasama si John sa kaarawan nito sa kanyang pag-alis?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi, magha-hire ako ng magbabantay!" ang pabirong sagot ng singer.

Turning serious, nalungkot man si Rachelle na hindi sila magkasama ni John sa Valentine's Day, naiintindihan naman daw niya ito.

"Alangan namang um-absent siya. Kailangan naman niyang tapusin yung trabaho. Marami pa naman panahon para sa bakasyon.

"Hindi ako nagtampo. Siyempre, nalungkot ako nung una. Parang matagal na naming plinano ito, last year pa, parang ganun. 'Tsaka nag-e-expect na, nae-excite na lahat. Pero trabaho 'yan, mas importante yun," aniya.

Ang trip to Singapore ang first time sana nila ni John na bakasyon out-of-the country bilang magkasintahan.

"First time din akong pinayagan, kasi yung trust ng parents ko, 'andun. Hindi ko naman din makukumpara, pero iba ngayon kasi tanggap talaga," nakangiting sambit ni Rachelle.

Dagdag pa niya, "Yung pamilya talaga, wala kaming tinatago sa kanila. Nakakatuwa... Iba yung feeling ngayon!"

THE ONE? Ibig sabihin ba nito ay nahanap na niya ang "the One"?

"Sana. Yun naman lagi pinagpe-pray namin. Kasi tumatanda na, kumbaga, hindi naman laro-laro," sagot ng dalaga.

Tumigil ito sandali na tila nag-isip at dinagdag na, "Gusto ko i-declare. Gusto ko! Pero siyempre, hindi natin masasabi kasi bata pa kami at maaga pa, pero yun ang goal dapat."

Ano ba ang ipinagkaiba ng relasyon niya ngayon sa past relationships niya?

"'Andun yung trust, andun yung respeto. Ang maganda diyan, naggo-grow kami as an individual and as a couple. 'Tsaka sabay kami nagtse-church, so nakakatuwa. Spiritually, naggo-grow din kami, so mature na kami lately," sagot ni Rachelle.

VALENTINE GIFT. May regalo na ba siya kay John para sa birthday nito at sa Valentine's?

"Meron na po, pero pag nabigay ko na para surprise!" sabi ni Rachelle.

Para naman sa mga regalo ni John, natutuwa man siya sa mga materyal na mga bagay na naibibigay sa kanya, meron siyang mas gustong natatanggap ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mas na-appreciate ko ngayon yung mga simpleng bagay, yung mga ka-sweet-an lang, yung mga letters ganyan, yung mga little surprises," nakangiting sabi ni Rachelle.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN