Barbie Forteza and Joshua Dionisio insist they have nothing to do with Kristoffer Martin's removal from Nita Negrita

Barbie Forteza and Joshua Dionisio are paired once again in GMA-7's new afternoon drama series titled Nita Negrita. Coupled with their rising fame are intrigues, which both claim they just ignore and shrug off.


Magkakasama ulit ang tween stars na sina Barbie Forteza at Joshua Dionisio sa isang TV series kung saan masusubok ang kakayahan nila sa drama.

Simula sa Araw ng mga Puso, February 14, mapapanood na ang bagong afternoon soap ng GMA-7 na Nita Negrita.

Gumaganap sa lead role na Nita si Barbie. Dahil sa kanyang role ay kailangang maglagay ng makeup sa buong katawan ang dalagita upang siya ay paitimin. Inaabot ng halos dalawang oras ang paglalagay ng makeup.

Si Joshua naman ay gumaganap bilang Prince, ang binatang iibig kay Nita.

ATTITUDE PROBLEM? Hindi na nga makakaila ang patuloy na pag-angat ng career nina Barbie at Joshua. Ngunit kasabay ng kanilang pagsikat ang hindi maiiwasang mga intriga.

May mga lumalabas na reports na lumalaki na diumano ang ulo nilang dalawa at nakikitaan na raw ng attitude problem.

Sa press conference ng Nita Negrita kahapon ng tanghali, February 10, mismong mga katrabaho nina Barbie at Joshua ang dumepensa sa mga negatibong naglalabasan tungkol sa kanila.

Ayon sa beteranang aktres ni si Nova Villa, na kakalipat lang sa Kapuso network, "Una kaming nagkita sa storycon [conference] nitong Nita Negrita... Nung nag-start kami ng taping, wala naman akong nakita na ikinalaki ng ulo ng mga batang ito.

"Every time I see her [Barbie], na naka-makeup ng ganyang kaitim, yung laging ngipin lang niya nakikita ko dahil lagi siyang nakangiti!

"'Eto namang si Joshua, nakasama ko 'to sa Super Inggo dati. At tahimik lang 'tong batang 'to."

Pinabulaanan din ng iba pa nilang kasama na sina Zoren Legaspi, Lotlot de Leon, at Bubbles Paraiso ang mga naglalabasang reports tungkol sa diumano'y attitude problem ng dalawa.

Pagkatapos ng general conference, nagkaroon ang PEP (Philippine Entertainment Portal) ng pagkakataon na makausap sina Barbie at Joshua.

Tuwang-tuwa ang dalawa at sobra ang pagpapasalamat sa kanilang co-stars na dumepensa sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Joshua, "Masaya kami kasi hindi na kami ang nagpapatunay sa sarili namin. Hindi ko na kailangan magsalita pa, kasi nasabi na nilang lahat. Mas masarap sa pakiramdam kung ano ka talaga kaysa sa sarili mo lang."

Dagdag naman ni Barbie, "Siyempre, magdadalawang-isip pa din yung ibang tao kung totoo talaga sinasabi namin. Iba pa din kung mapatunayan nung iba kung ano talaga kami."

NOT AFFECTED. Kumusta naman sila sa pag-handle ng issues na ibinabato sa kanila?

"Nasanay na po kami," sagot ni Joshua. "Simula pa lang ng First Time, marami na pong dumadating na ganun. Siguro iba-iba lang po yung topic pero puro intriga lang po."

Hindi rin daw sila naaapektuhan ng mga intrigang ibinabato sa kanila. "Kasi, alam naman po namin na hindi totoo," ngiti ni Barbie.

Bago pa man nila pinasok ang show business, inihanda na raw nila ang kanilang mga sarili para sa mga tulad nito.

Sabi ni Barbie, "Kasi nung may unang write-up na negative sa akin, sabi po sa akin ni Mama, 'O, Barbie, simula lang 'yan, ha. Sunod-sunod na 'yang mga intriga na 'yan, dapat handa ka. Basta pag pumasok ka sa showbiz, dapat handa ka na sa mga intriga.'"

NOT TRUE. Isang isyu na natanong kina Joshua at Barbie ay ang balitang sila raw ang nagpatanggal sa co-star nila sa Tween Hearts na si Kristoffer Martin sa cast ng Nita Negrita.

Nang una kasing i-announce ang lineup ng cast ay kasama si Kristoffer, pero bigla na lang tinanggal ito nang magsimula na ang taping. Ayon sa balita, sina Joshua at Barbie raw ang may kagagawan kung bakit natanggal sa cast si Kristoffer.

Itinanggi ng dalawa na may kinalaman sila rito.

Ayon kay Barbie, "Hindi ko po alam ang mga tanggalan na 'yan. 'Tsaka hindi naman siguro kami ganun kalakas. Hindi naman po namin kayang gawin yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Diin naman ni Joshua, "Wala naman po akong nakasamaan ng loob. Wala naman po akong kagalit. Wala naman po akong kaaway."

Paliwanag pa ng binatang aktor, "Bakit kami magkakaroon ng rivalry, e, nasa same network kami? Bakit naman kami makikipag-kumpetisyon sa sarili namin? Yung mga ganung intriga, hinahayaan na lang po namin."

Tinatawanan lang ng dalawa ang mga isyu na lumalabas tungkol sa kanila.

"Kasi, alam ko naman po na hindi totoo yun, and hindi naman po ako yung klase ng tao na alam kong hindi ako totoo, tapos iiyak ako, e, nonsense," saad ni Barbie.

Samantala, masayang-masaya ang dalawa na magkasama pa rin sila sa isang proyekto.

"Sana nga po magtuloy-tuloy na ito," ngiti ni Barbie. "Pero hindi naman po namin maiiwasan na ipareha kami sa iba. Okay lang naman po sa amin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN