2010 was a tough year for Sunshine Cruz and family

Actress Sunshine Cruz doesn't mind observing Valentine's Day even with a simple celebration. "What's important is that we're with our loved ones," says Sunshine.


Isa si Sunshine Cruz sa mga artista na dumating sa BlackBerry event na ginanap noong nakaraang Linggo, February 6, sa Activity Center ng TriNoma Mall sa Quezon City.

Aminado si Sunshine na avid user siya ng nasabing mobile phone dahil na rin sa mga features nito na nagagamit niya para ma-access niya ang mga social networking sites katulad ng Twitter at Facebook.

Kilalang mahilig mag-post ng kanyang mga mensahe si Sunshine sa Twitter at ito na rin bale ang nagsisilbing tulay niya sa mga kaibigan, kasamang artista sa industriya, at ilang tagahanga.

During the actual program na pinamunuan ni Kris Aquino ay naikuwento ng aktres na madalas silang magtawagan sa telepono ng kanyang asawa na si Cesar Montano. Mahilig din silang magkuhaan ng pictures gamit ang kanilang mga telepono.

FULL OF SURPRISES. At the time of the interview ay hindi pa raw alam ni Sunshine kung ano ang gagawin nila ni Cesar for Valentine's Day.

"My husband is full of surprises," ngiti ni Sunshine. "Pero I'm sure meron 'yong something [for Valentine's].

"Pero it doesn't matter naman, e. Kahit simple lang at nasa bahay lang kami, kahit na mag-wine lang kami sa bahay—what's important is we're with our loved ones."

Kadalasan daw ay nagdi-dinner sila ni Cesar tuwing sasapit ang Araw ng mga Puso. Nakaugalian na nilang mag-asawa ang maglaan ng espesyal na oras tuwing hapon kasama ang mga anak.

"Then night time, we spend it as a couple, 'yong kami lang dalawa. Kung saan 'yong favorite resto ko, we'll have dinner there together, and then pagdating sa bahay, magbubukas siya ng mga pinagkakatagong wine niya!" natatawang kuwento ni Sunshine.

A STRONG PERSON. Nakabawi na si Cesar mula sa kanyang pagkatalo sa nagdaang eleksiyon, ayon kay Sunshine.

Tumakbo ang aktor noong May 2010 elections bilang governor ng Bohol sa ilalim ng Liberal Party ngunit natalo kay former Congressman Edgar Chatto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dalawang buwan bago ang halalan ay binawian ng anak si Cesar matapos na magbaril si Christian Angelo sa loob ng kanilang tahanan sa Tivole Royale subdivision sa Quezon City dahil diumano sa problema nito sa pag-ibig.

Si Christian Angelo ay ang pangalawang anak ni Cesar sa kanyang unang asawa.

Aminado si Sunshine na hindi naging madali para sa kanilang pamilya ang nagdaang taon dahil sa mga nangyari.

"Last year was medyo makulay and tough for us," banggit ni Sunshine.

"Pero si Cesar naman is a very strong person and lahat naman ng experiences niya, whether they're good or bad, alam niya na talagang it happens for a reason.

"And 'yong faith naman niya kay God hindi nawawala. He always prays. Tulad ngayon, hinahanap niya na ako kasi magsisimba kami. Every Sunday talaga, kahit let's say may work siya, nilalaan niya 'yan para magsimba," saad ni Sunshine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN