A reformed Snooky Serna does three indie films; leads cast in Road to Ampatuan

On why she has a new manager. "New life. New approach. Bagong tao na magtitiwala sa akin. Walang halong bad vibes sa akin. Hindi pa nadadala," Snooky Serna (above) explains during the grand premiere of The Road to Ampatuan, at the Megacenter in Cabanatuan City. The new indie, directed by Jigz Recto, also stars Jao Mapa, Daniel Fernando and Deborah Sun.


Tatlong indie movies na ang natapos ni Snooky Serna sa tulong ng bago niyang manager na si Anthony Hernandez. Lahat ay pumupuri sa kanya dahil hindi siya nagpa-late at nagbigay ng sakit ng ulo.

Bakit nagpalit siya ng manager?

"New life. New approach. Bagong tao na magtitiwala sa akin. Walang halong bad vibes sa akin. Hindi pa nadadala ," sagot niya nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa grand premiere ng pinagbibidahan niyang pelikula na The Road to Ampatuan, directed by Jigz Recto, kasama sina Daniel Fernando, Jao Mapa, Deborah Sun sa Megacenter, Cabanatuan City.

Marami ang hindi makapaniwala na nagbago na si Snooky Serna at very professional na.

"Mabait naman ako. Ako ay nagrerebelde lang pag may nakikita akong mali," deklara niya.

"They treat me with respect naman and [they're] professional. Kumbaga, love begets love," saad pa niya.

"At 44, kailangan naman siguro mag-mature ka na talaga at hindi lang sa salita. Forever na itong pagbabago na ito. I'm not getting younger, di ba kapatid?" dugtong pa ng aktres.

Tungkol naman sa love life ni Snooky. Six months na raw siyang hiwalay sa negosyante niyang boyfiend.

"Very much single," saad niya.


Paano ang Valentine's Day niya?


"E, di sa mga anak. Sila ang kasama ko. Tama muna ang love sa ibang tao. Mahalin ko muna ang sarili ko at mga anak ko. Focus muna ako sa career," aniya.

THE ROAD TO AMPATUAN. Hindi ba siya nagdalawang isip na tanggapin ito?

"Honestly, nagdalawang isip ako kapatid. Siyempre, no, Ampatuan ito. Lugar pero naisip ko rin naman, hanggang ngayon ay buhay sa atin ang freedom of expression, di ba? I'm only an actress here, hindi naman siguro nila ite-take against me. This is my bread and butter," aniya.

"Ang role ko dito ay wife ng journalist na pinatay. Actually, ang istorya nito ay binase sa true-to-life friend pero hindi siya true-to-life na may character. Yung character namin fictitious," paliwanag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento pa ni Snooky, may feeler na gusto silang makausap ni Gov. Esmael "Toto" Mangudadatu ng Maguindanao tungkol sa pelikulang ito at gusto raw nitong mapanood.

Paano kung ligawan siya ni Gov.?

"E, di magiging Mrs. Mangudadatu ako. I'm just kidding," pabirong sagot ni Snooky sabay tawanan.

"Masyado pang maaga. Ayaw ko muna ma-inlove ulit. Minsan 'yan ang nagiging downfall ng career," sambit pa niya.

GAY BAR. Buong ningning na nilinaw ni Snooky Serna na may gagawin siyang indie movie kaya nagpunta siya sa isang gay bar sa Roxas Boulevard kasama ni Lloyd Samartino.

"Eto yun, once lang kami nagpunta. Nag-observe lang kami. Nakalimutan ko nga 'yung pangalan [ng bar] dahil forgettable experience yun," pag-amin niya.

Pero hindi raw yun sa Machete Male Bar sa Roxas Blvd. na isinunod sa bagong serye ni Aljur Abrenica.

"Basta yung ginawa namin ay para sa scientific purposes. Scientific," sabay tawa niya. "Assignment para pag-aralan namin yung role," reaksyon pa ni Cookie.

Mabuti nasama niya si Lloyd.

"Paano kung sabihin ko na kami ni Lloyd?! Ayaw ko namang mag-isa pumunta dun. Baka sabihin name-mick up ako," aniya.

"Malalim na ang friendship namin ni Lloyd. Since naghiwalay kami ni Ricardo [Cepeda], dun na kami naging close, e!" dagdag ni Snooky.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN