Lotlot de Leon recalls playing role of Cofradia; says it's different from Barbie Forteza's Nita Negrita

Totoo bang hindi nakialam ang Mommy Nora Aunor sa career niya? "Yes, hindi naman nakikialam... Kahit wala siya sa tabi ko, kung sinuman ang kasama ko, lahat yun nakakarating kay Mommy. Yun lang ang difference. Kasi naman si Mommy, working din," Lotlot de Leon says.


Ngayong tapos na ang appearance ni Lotlot de Leon sa afternoon soap na Koreana sa GMA-7, may bago naman siyang daytime TV series na lalabasan. Ito ay ang Nita Negrita na pagbibidahan ni Barbie Forteza.

Ginagampanan ni Lotlot ang papel bilang ina ni Nita na nawalay sa kanya matapos dumaan sa isang trahedya. Pero muling magku-krus ang landas nila pagkaraan ng ilang taon.

Sa interview ng PEP kay Lotlot sa presscon ng serye noong Huwebes nang tanghali sa 17th floor ng GMA-7 bldg, naalala niyang gumanap din siyang negra bilang Cofradia, sa isang triology movie ng Regal Films nong 1988 na Love Letters.

Si Ramon Christopher, who later became her husband in real life, ang kapareha niya nuon sa episode na "Till Death Do Us Part."

Nilinaw ni Lotlot na walang katiting na pagkakahawig ang character niya noon sa ginagampanang character ni Barbie sa kanilang serye.

At sa kanyang mother role, mabait raw ang kanyang character dito.

"Mabait ako dito, longing for my child kasi nawala siya sa piling ko hanggang sa magkaroon ako ng chance na magkaroon ng bagong buhay. And I promised myself na hindi na ako magpapa-api at hindi na ako maghihirap sa buhay. Hanggang sa makilala ko si Zoren," ang maikling kuwento ni Lotlot tungkol sa kanyang gagampanang role sa serye.

NO TANTRUMS. Nasasalang sina Barbie at ka-love team nitong si Joshua Dionisio sa isyu na mga bagong monster daw sila ng telebisyon dahil sa paglaki ng ulo at pagkakaroon ng attitude.

Kaya naman kinumusta namin ang dalawang teen actors kay Lotlot.

"Mainam... mainam. Nakita ko naman yung pagta-tiyaga niya (Barbie) e. Kasi ang hirap nang lalagyan siya ng make-up sa buong katawan — almost isang oras. Kasi kailangang mapantay nila yung kulay.

"Wala naman akong nakikitang sinasabing tantrums nila, wala naman," ang sabi ni Lotlot.

Unang nakasama ni Lotlot si Barbie at Joshua sa seryeng Pilyang Kerubin, kaya kilala na raw niya ang dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala naman akong napapansing kakaiba sa dalawa. Actually, mababait nga sila. Minsan kapag mas mauuna ako at darating siya (Barbie), parang nahihiya pang mag-approach to say 'Hello.'

"Wala naman akong nakikitang ganong problema," aniya.

Ikinagulat ni Lotlot ang balita na ang mga magulang nina Barbie at Joshua raw ang pakialamera sa career ng dalawang bata kaya naman nasasabing lumalaki na ang ulo ng mga ito.

Nagsimula kasi ang isyu nang mabalitang may pinatanggal sa cast ng Nita Negrita sina Barbie at Joshua. Ito raw ay si Kristoffer Martin.

"Ay, ganon? Baka naman loving and supportive lang yung mga parents nila. And I think it's just right that the parents are there looking after their child. Kasi ilang taon lang naman si Barbie. So, mabuti na nandoon sila para nagagabayan at nakikita nila ang mga nangyayari sa anak nila."

STAGE MOM. Totoo bang hindi nakialam ang Mommy Nora Aunor sa career niya?

"Yes, hindi naman nakikialam... Kahit wala siya sa tabi ko, kung sinuman ang kasama ko, lahat yun nakakarating kay Mommy. Yun lang ang difference. Kasi naman si Mommy, working din.

"But it when comes to Barbie's parents okey lang that they're there. But siyempre kung sinuman, like the GMA (Artist) Center. I'm sure buo naman ang tiwala nila na hindi naman pababayaan ang anak nila," sabi ni Lotlot.

Marami ang nagsasabi na sa ganda ng mga anak nina Lotlot at Monching (nickname ni Ramon Christopher), malaki ang potensyal ng mga itong maging big stars.

May interes bang pasukin ang showbiz ang isa sa kanila?

"Wala pa naman silang sinasabi. Actually, ang nagawa lang ng mga kids ay yung commercial noong bata sila.

"And then after nun, I made sure na hindi na muna sila pumasok sa industriya. Kasi gusto ko makatapos muna sila ng pag-aaral," aniya.

"In fact, this March, ga-graduate na yung panganay ko na si Janine. Ipapakita ko sa inyo ang picture. Proud mother ako, e," sabay dukot nito ng dalawang photos ng dalaga sa wallet niya. Ang isa ay medium shot at ang isa ay full-body shot na nakaupo sa isang chair.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

JANINE'S DECISION. Nakita namin na ang anak ni Lotlot ay hindi lang sexy, napakaganda rin nito.

"She's 21 years old, 5'7", mas mataas pa sa akin," ang sabi ng ina.

Anong feeling ng nakapagpa-graduate ng anak?

"Sarap. Feeling ko may nagawa akong tama sa buhay ko just seeing my children nakapagtapos ng pag-aral. Kasi that's something I wasn't able to do, e.

"And growing up, my Mom would tell me, 'Anak, magtapos ka ng pag-aral.' E, hindi ko nga natupad yung pangako kong yun sa kanya," saad ni Lotlot.

Magtatapos ng European Studies sa Ateneo si Janine ngayong March. Bagamat may feeling si Lotlot na papasukin na rin ng anak niya ang showbiz, hinahayaan lang daw niya itong magdesisyon.

"I'm telling her to think about it muna talaga. Sa tingin kasi ng iba napakadali nitong trabaho natin. Pero hindi. Kung ano ang gusto niyang gawin okey lang.

"Sabi ko nga sa kanya, 'Anak, you're of legal age na. Nagawa na niya yung obligasyon niya sa amin ng Papa niya.' So, bahala siya kung ano ang gusto naman niyang gawin," aniya.

Kinumpirma ni Lotlot na may mga humihikayat sa kanyang isali ang anak sa mga beauty pageant.

"Maraming nagsasabi, nagsa-suggest na bakit hindi siya mag-join? It's all up to her now that she's finishing school, nasa kanya [ang desisyon]," aniya.

Nararamdaman naman raw ni Lotlot na may interes sa pag-aartista ang anak kapag nag-uusap sila tungkol dito.

"Pero to really pursue, hindi ko pa alam."

Hindi pa napag-uusapan nina Lotlot at Monching ang posibilidad ng pagpasok ni Janine sa showbiz pero alam niyang may ideya na ang kanyang ex-husband tungkol dito.

"Noong una kasi, ang dami nang nag-o-offer kung puwede sa kanila si Janine. Ang sabi ko, huwag muna. Siya (Monching) ay ganundin.

"But now that Janine is graduating, whatever she decides to do after she graduates, we will respect that."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tinitiyak na ni Lotlot na hindi siya magiging stage mother sa kaniyang anak. Pero sigurado siyang bubusugin niya ito ng pangaral at ng mga pointers sa papasuking buhay.

"I'll just watch her. Manonood lang ako. Definitely, I will tell her kung ano yung i-e-expect niya. Pero hanggang ganun lang.

"I should allow my daughter to be her own person in this industry, if and when she enters. Kasi that's the only way she'll grow, e. Tignan natin. Sana lang makayanan ng anak. Pero I think makakaya naman niya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN