PEP FORUM: Stars reveal Valentine's Day plans

In the forum, "How will you celebrate Valentine's Day?" PEP has learned that most of the stars will spend time with their nearest and dearest. (From left) Eugene Domingo will go out with her gay friends; Richard Gutierrez may spend it with his four leading ladies in My Valentine Girls; Rhian Ramos has dinner plans with family.


Nalalapit na naman ang araw ng mga puso, kaya naman tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang ilan sa inyong mga favorite celebrities at personalities kung paano nila isineselebra ang Valentine's Day!

Richard Guttierez

"Sa Valentine's Day, baka kasama ko yung apat na leading ladies ko sa My Valentine Girls. Sa ngayon kasi wala pa akong plano kung papano ko ise-celebrate ang araw na yun this year."

Eugene Domingo

"Plano? Wala pa, baka katulad nang dati. Kasama kong magse-celebrate yung mga kaibigan kong bading — ganun naman kasi nangyayari sa akin taon-taon. At least masaya sila kasama."

Rhian Ramos

"Wala pang plan. Bahala na. Pero sa ngayon, siguro baka dinner lang with my family and friends."

Sunshine Dizon

"Siguro lalabas lang kami ni Tim (Tan, her husband), magdi-dinner, kasi medyo malaki na ang tiyan ko, so hindi na puwede yung malayong lakaran."

Bea Binene

"Dahil bata pa ako at walang ka-Valentine's, magse-celebrate ako sa GMA Kapuso Foundation Blood Letting Program on Feb. 14. Magho-host ako doon and after ng show, baka kain lang kami sa labas ng family ko."

Jhake Vargas

"Sa araw ng mga puso kasama ko ang Mommy ko at ang pamilya ko. Balak naming mag-beach o kaya, kumain na lang sa labas. Parang bonding na rin ng pamilya namin, kasi sa sobrang busy ko sa trabaho, bihira na kami magkita-kita."

Kristoffer Martin

"Baka yayain ko lumabas mag-lunch o kaya, mamasyal yung ka-loveteam ko na si Joyce (Ching) — kung papayag siya Pero kung hindi, yayain ko na lang si Mommy. Siya na lang ang ka-date ko sa Valentine's Day. "

Joyce Ching

"Ano bang plano namin? Siguro kakain lang sa labas with my family. Pero pag nagyaya si Kristoffer at ibang kasamahan namin sa Tween Hearts lumabas, baka sila yung kasama ko sa Valentine's Day."

Benjamin De Guzman

"Kasama ko ang family ko kakain sa labas, tapos bibigyan ko ng regalo ang Mommy ko, kapatid ko, Lola ko at ang manager ko. Isasabay na rin namin ang celebration ng birthday ng Daddy ko, kasi Feb. 13 ang birthday niya. Basta ang mahalaga sa akin sa araw na ito ay manatili ang magandang samahan at pagmamahalan ang pamilya namin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hiro Magalona

"Sa bahay lang hindi kasi ako nagse-celebrate ng Valentine's Day kasi loveless ako. Baka next year, pag may special someone na ako, doon na ako magse-celebrate ng Valentine's Day. Sayang kasi hindi ko pa nakikilala si Krystal Reyes —siya sana ang yayayain kong maka-date. Kung papayag siya."

Jonalyn Viray (La Diva)

"Naku, zero ang love life ko kaya walang ka-date sa Valentine's Day. Family ko na lang siguro ang kasama ko sa araw ng mga puso."

Jackie Rice

"No plan to go out kasi may taping kami ng Bubble Gang that day."

Paulo Avelino

"Simple dinner lang kasama ng pamilya ko. Medyo excited and thrilled ako kasi ito ang first Valentine's Day na tatlo na kaming magkakasama ni LJ [Reyes] at ang baby namin na si Aki."

Katrina Halili

"Wala pong plano, pero nag-invite ako ng mga single friends ko na kami-kami na lang ang mag-date. Baka sa house lang o baka lumabas kami."

Stephanie Henares

"Sa mga nakaraang taon, nag-e-exclusive dates ako, but this Valentine's Day, gusto ko makasama ang malalapit kong kaibigan para i-celebrate ang friendship at appreciation namin sa isa't-isa, para mas masaya."

Jan Manual

"Medyo malamig ang Valentine's ko, kasi break na kami ng GF ko. Siguro I'll just spend ito with my Mom. Siya na bale ang ka-date ko ngayong Valentine's Day. Nasa barko kasi ang Daddy ko. Kakain lang kami sa labas o manonod ng sine."

Paolo Paraiso

"For the past four years, I spend it with my single friends and treat it like any other day spent with my close friends. Good food, good conversation and good times!"

John Nite

"I will have a steak dinner sa Wagyu sa Eastwood [Mall] with my sister and brothers who are married and also with Kuya Germs [Moreno]."

Sylvia Sanchez

"Sa bahay lang. Nagluluto ako ng dinner sa mag-aama ko. Ayaw kong mag-dinner sa labas dahil sobrang traffic."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Chariz Solomon

"May taping ako ng Tweetbiz ng araw na yun. Walang date, kasi pupunta ng China si Nestor (her boyfriend)."

Direk Louie Ignacio

"Dini-deadma ko lang ang V-Day. Para sa akin kasi, everyday is V-Day. Dapat araw-araw in love para inspired ako magtrabaho."

Arnell Ignacio

"I will celebrate it with my daughter. Kakain lang kami sa labas o manonood ng sine. Deadma na ako kay Suzuki [Sadatsugu], bahala na siyang makipag-date sa sarili niya!"

Shalala

"Well, masaya ang Valentine's Day ko. Baka yayain ko lang siya, alam mo na. Pero depende pag walang work. Pero, pag meron, wa na muna date; work work muna."

Sheena Halili

"Katulad last year, solo flight. Baka siguro mag-dinner na lang kami nila Mommy at Daddy kasama ang mga kapatid ko, yun lang."

German Moreno

"Kasama ko ang family ko — sila Federico, Sheila at mga apo ko. Kakain lang sa labas o kaya manonood ng sine."

Alexzies (recording artist)

"Actually, noon pa man, hindi talaga ako nakikipag-date kapag Valentine's Day. Isine-celebrate ko ito kasama ng buo kong pamilya at kaibigan. Nagsisimba kami at kumakain sa labas."

Zyrus Desamparado

"Kasama kong kakain sa labas yung special someone ko. Baka manood na rin kami ng sine."

Cesar Apolinario (director/GMA News reporter)

"I just kiss my kids, early morning ng Feb. 14, and then go to work to gather news about Valentine's Day. I buy flowers for my wife during my free time, file a report for the news program, and then go home and ask my wife out for a date."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN