Iya Villania, new face of Umagang Kay Ganda, is up against boyfriend Drew Arellano, mainstay of Unang Hirit

Isa sa mga artistang muntik-muntikan nang lumipat sa GMA-7 ay si Iya Villania. Ngunit nagdesisyon ang aktres na mag-stay sa ABS-CBN dahil sa ganda ng mga proyekto na ibinigay sa kanya. Na-disappoint tuloy ang boyfriend niyang si Drew Arellano na nasa Kapuso network.


Aminado si Iya Villania na marami siyang natutuhan sa role niya sa Kristine series, ang katatapos na serye sa ABS CBN, where she agreed to do a sexy role.

Marami tuloy ang nagtatanong kung simula na raw ba ito na mapapanood ang isang sexier and more daring Iya Villania.

"I don't know if I can go any sexier pa, [hanggang] dito na muna ako. [The role] gave me a sense of fulfillment. [I enjoyed] playing a different character, of being someone very different from who you really are. I must admit nung una, medyo natakot ako sa role but I was reassured by my director na di nila ako pababayaan," ang sabi ni Iya.

Kilalang may pagkakonserbatibo ang boyfriend niyang si Drew Arellano. Di raw kaya ito tinutulan nung boyfriend nang unang sabihin ni Iya na kakaiba ang role niya sa Kristine kung saan marami siyang love scenes with Rafael Rossel?

"It's something different for him, like, 'Wow, may ganyan ka na ha?' but of course it's normal for a guy to feel uncomfortable when he sees or hears that his girlfriend is kissing another guy so I understand that.

"He goes to bed early para hindi na rin niya nakikita. Alam niya na ilalagay niya ang sarili niya sa uncomfortable situation. Definitely, alam niya and he trusts me. He wants me to make my own decision because it's hard discovering more about myself. I'm becoming a stronger and better person," aniya.

"Kami ni Drew, we're happy. Seven years na kami and I guess we just keep it between the two of us — the understanding, the communication. Matindi na kasi yung communication naming dalawa."

Isa si Iya sa pinasok sa pagre-reformat ng Umagang Kay ganda (UKG) kung saan inalis naman sila Rica Peralejo, Bernadette Sembrano at iba pa. Tinanong namin si Iya kung ano ang reaksyon niya sa pagkakaalis ng mga ito kung saan sila naman ang pinalit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually, nalungkot ako kasi I was looking forward to working with them so it's sad that one has to come and the other one has to go. But it's something new, it's a new opportunity and at least pareho na kami ng oras ni Drew. Ayokong isipin yung pressure, I just want to do my best na lang."

Sa pagpasok sa UKG, awtomatikong katapat niya sa kabilang istasyon ang boyfriend na matagal nang bahagi ng Unang Hirit. Mukhang hudyat daw ito ng kumpetisyon between Drew and Iya.

"It's work and we've never been the type to compete. Actualy, excited si Drew for me because it's something new. He's been with Unang Hirit for many years, college pa lang ako. First day ng college ko, first day niya sa UKG so excited kami to experience that."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN