Kristoffer Martin admits he's hurting because he lost a TV show and two friends in showbiz

"Nakakalungkot po kasi expected ko na kasama ako sa show (Nita Negrita), after ako mag-sign ng network contract sa GMA-7 at management contract sa GMA Artist Center," paliwanag ni Kristoffer Martin. Nasaktan siya lalo sa alingasngas na pinatanggal diumano siya sa show ng itinuturing niyang kaibigan na sina Joshua Dionisio at Barbie Forteza.


Malungkot ang isa sa mainstay ng Tween Hearts ng GMA-7 na si Kristoffer Martin dahil one day before the storycon at pictorial ay bigla na lang siyang tinanggal sa Nita Negrita.

Nasaktan siya lalo sa alingasngas na pinatanggal diumano siya ng itinuturing niyang kaibigan na sina Joshua Dionisio at Barbie Forteza.

"Nakakalungkot po kasi expected ko na kasama na ako sa show (Nita Negrita) after ako mag-sign ng network contract sa GMA-7 at management contract sa GMA Artist Center.

"Pero naniniwala ako na kapag hindi ka pa nagte-taping at hindi pa ume-ere yung show, malaki ang possibility na matanggal ka katulad ng nangyari sa akin. Biruin mo po, one day before the storycon at pictorial, tinext ang manager ko na hindi na raw ako kasama, so wag na daw akong umatend sa storycon at pictorial," himutok ng magaling na young actor.

"Bigla-bigla na lang akong natanggal at sinabi nila na utos daw ng boss, dahil may ibang show daw na ibibigay sa akin.

"Pero hindi kami naniniwala kaya tinanong sila ng manager ko na sabihin sa amin kung ano talaga ang totoo kung bakit ako natanggal sa show. Nai-text na nila sa amin yung date ng taping atbp. Bakit biglang ganun ang nangyari?" aniya.

"Sabi nila sa amin, ilalagay daw ako sa Amaya (primetime show ni Marian Rivera), maganda daw yung magiging role ko dun bilang young warrior."

REAL REASON. "Tapos yun, sinabi sa amin na may away daw kami nila Barbie at Joshua kaya daw hindi sila a-attend ng storycon at pictorial pag nandun ako. Siguro between the three of us, natural ako yung tatanggalin nila dahil mag-isa lang ako kontra sa dalawa," kwento ni Kristoffer.

"Pero nakaka-hurt kasi itinuring ko silang kaibigan at wala naman akong alam na ginawa sa kanilang dalawa na hindi maganda para balikan ako ng ganoon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nagtaka lang kami at nagtatanong kung ganoon ba sila ka-powerful sa GMA-7 at kaya nila magpatanggal ng artista sa show? Parang ganun ang lumalabas," ang sabi pa niya.

Ano sa tingin niya ang dahilan kaya ipinatanggal siya sa show?

"Hindi ko alam. Kasi yung sinasabi nilang may away kami ni Joshua, para sa akin wala naman. Kasi maganda naman ang pakikisama ko sa kanya. Okey naman po kami sa set.

"Bukod pa sa pareho kaming galing sa ABS-CBN, nagkatrabaho na kami sa Kung Fu Kids, kaya hindi ko alam kung bakit ganun ang nangyari," aniya.

"Even nga si Barbie hindi ko alam kung bakit siya galit sa akin, samantalang wala naman akong ginagawa sa kanyang hindi maganda. Pinakikisamahan ko naman sila sa abot ng aking makakaya, dahil kaibigan ang turing ko sa kanila at magkakasama kami sa show."

FEELING BAD. Anong unang naramdaman niya nang sabihing hindi na siya kasama sa show?

"Nanlumo ako kasi gusto ko na talagang magkaroon ng bagong show bukod sa Tween Hearts. Honestly speaking, naiyak talaga ako kasi paulit-ulit kong sinasabi na gustong-gusto ko talaga na may trabaho, dahil gusto kong umarte.

"Kaya nga hanggang sa pag-uwi, dala-dala ko sa bahay namin ang di magandang balita at nagkulong na lang ako sa kuwarto para makapag-isa. Mas mabilis ko kasing matanggap kapag mag-isa ako at inisip ko na lang na hindi talaga para sa akin yung show," ang sabi niya.

"Basta ako, gusto ko lang na may trabaho at magkaroon ng kaibigan sa showbiz katulad nila.

"Kaya nalungkot talaga ako kasi trabaho na, nawala pa, tapos yung mga itinuturing ko pang mga kaibigan sa showbiz ang nagpatanggal sa akin. Siguro ganun talaga ang nangyayari pag baguhan ka."

Totoo bang nung araw na nalaman niya na diumano'y ipinatanggal siya sa show, parang wala lang nangyari at binati pa niya sina Barbie at Joshua?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Opo, nandun din kasi sila sa 7th Floor [ng GMA Artist Center], binati ko lang sila, kasi para sa akin, tapos na e. Natanggal na ako, hindi na maibabalik yun. Tinanggap ko na lang, sinabi naman nila sa akin na bibigyan ako ng bagong show.

"Hindi ako marunong magtanim ng sama ng loob. Hindi siguro para sa akin yung show, kaya nawala ako, kahit alam ko kung ano ang totoong nangyari."

"Hindi naman natutulog ang Diyos at alam kong hindi niya ako papabayaan, dahil lagi akong nagdarasal sa kanya," sambit pa ni Kristoffer.

PARENTS' REACTION. Anong reaksyon ng parents niya sa nangyari?

"Naawa ako kay Mommy kasi nakita ko kung papaano siya umiyak sa sama ng loob. Yung daddy ko tahimik lang pero alam kong masama ang loob nito at apektado rin sa nangyari.

"Pero sila yung nagpapalakas ng loob sa akin. Sinasabi nila na wag kang mag-aalala kasi may bago ka namang show at hindi siguro para sa iyo yung show," saad pa niya.

Gusto ring pabulaanan ng young actor ang bali-balitang ang dahilan ng kanyang pagkakatanggal sa Nita Negrita ay ang hindi niya pagpirma ng kontrata sa GMA.
Wala daw itong katotohanan dahil August 31, 2010 ay nakapirma na raw siya sa GMA Network Contract ng three years.

Ilabas na lang daw ang katotohanan kung ano talaga ang dahilan ng pagkakatanggal niya sa show at wag nang maglabas ng ibang kuwento.

Mag-deny nang mag-deny man daw sina Barbie at Joshua sa tunay na nangyari, alam naman daw ng mga ito sa kanilang puso ang totoo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN