Louie Ignacio on directing Charice in her TV special: "Ang sarap niya katrabaho. Naging fan niya ako."

Director Louis Ignacio reveals what it's like to work with Charice (above): "Wala... walang prima donna effect. Hindi ko nakikita yung mga nirereklamo sa kanya. Natural lang na magkaroon ng bodyguards kasi international star naman siya, di ba? Siyempre, kailangang protektahan yan dahil artista naman siya, di ba? Magaling na singer yan," he says.


Masasaksihan na ang pagiging Kapuso ni Charice Pempengco sa Linggo, 8:30 PM sa kanyang TV special sa GMA-7, Charice: Home for Valentine's.

Si Louie Ignacio ang director ng Valentine special.

Ayon sa magaling na direktor, never niyang na-experience kay Charice na isnabera at mapagmalaki gaya ng mga napapabalita sa kanya sa nakaraang Aficionado Event sa MOA Concert Grounds.

"Ang sarap niya katrabaho. Naging fan niya ako.

"Yung mga naririnig ko sa kanya, parang nung magkatrabaho kami ay baligtad. Parang hindi naman. Sobrang napaka-ordinaryong girl ni Charice nung mag-tape kami. Tapos bigla ka na lang mapapatunganga pag nag-perform na siya," sambit ni Direk Louie sa isang interview with PEP (Philippine Entertainment Portal) sa taping nito nung Miyerkules sa morning show niya na Love ni Mister, Love ni Misis.

Hindi ba si Charice naging prima donna at nagpa-importante?

"Wala... walang prima donna effect. Hindi ko nakikita yung mga nirereklamo sa kanya. Natural lang na magkaroon ng bodyguards kasi international star naman siya, di ba? Siyempre, kailangang protektahan yan dahil artista naman siya, di ba? Magaling na singer yan," saad pa ng direktor.

Nakita rin ni Direk Louie na accommodating si Charice sa mga taong nanood ng taping ng kanyang TV special sa GMA-7.

"Ay naku, mga fans, mga audience during the show sa Studio 7, dami ngang nagpa-picture sa kanya. Lumalabas siya talaga kasama yung aso niya.

"Nag-rehearse siya. Sumusunod siya. Hindi mo siya makitaan na ayaw ko nito, gusto ko nito. Wala siyang attitude na ganun. Kung ano ang gusto ng director, sinusunod niya.

"So far, nakita ko na sobrang masaya siya sa TV special na ito. Tapos umiyak pa nga siya dun sa isang number. Masaya siya dahil first major concert niya ito sa GMA," ang sabi ni Direk Louie.

Ilan sa mga guests ni Charice sa two-hour Valentine special ay sina Ogie Alcasid, Michael V, at Rachelle Ann Go.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Happy ako dahil first time naming magkasama ni Charice sa isang major show with Homer Flores as musical director," aniya.

PIOLO'S MUSIC VIDEO. Excited din si Direk Louie dahil siya ang nagdirek ng music video ni Piolo Pascual para sa bagong album nito sa Star Records. "You Were There" ang title ng song na kung saan si Kelly Misa ng Star Magic ang ka-partner niya.

Bakit hindi si KC Concepcion ang ni-request ni Direk na ipartner kay Papa P?

"Dapat nga siya pero mukhang hindi puwede. Hindi yata available," tugon ni Direk Louie.

"Kahit sino naman basta gusto ni Piolo na ka-partner, walang problema. Dapat this time, choice ni Piolo dahil very intimate yung music video. Dapat may rapport sila," dagdag pa niya.

Mapapanood sa ASAP ang ginawa niyang MTV kay Piolo dahil doon ito ilo-launch.

"Ang taray at ang ganda! Mataray ang concept niya. Yung mga visuals, gagamitin yung mga paintings ko na magma-mark sa mga tattoo ni Piolo. Ayaw ko muna i-reveal yung concept. Dapat mapanood muna nila. Ganda sobra ng MTV. Mukhang pang-award," pagmamalaki pa ni Direk Louie.

Magkakilala ba sila ni Piolo kaya nagawan niya ito ng MTV? Kapuso director kasi siya, samantalang kilalang Kapamilya naman ang guwapong actor.

"Nagkakilala kami ni Piolo dun sa movie nila ni Regine [Velasquez]. Tapos ipinakilala ni Songbird sa akin. Tapos pag nagkikita, nagkakabatian kami. Tapos sabi ko sa kanya nung magkita kami sa Star Awards for Music, 'Sa next video ko, gawan kita.'

"E, tinotoo naman niya. Tumawag siya sa Star Records tapos ni-request daw niya ako," kuwento ni Direk Louie. Nanalo ng MTV of the Year sa Star Awards ang huling video na ginawa ng director para sa La Diva.

Mahal ba ang talent fee ni Direk Louie dito?

"Mahal na mahal ko si Piolo. Hindi... love ko si Piolo talaga," ang simpleng sagot niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tinanong din namin yung isyung aalis na siya sa GMA-7 at mago-ober da bakod na ...

"Ay hindi ko po alam. Hayaan na natin," bitin niyang sagot na tumatawa.

Anyway, inaanyayahan ni Direk Louie ang kanyang mga friends na suportahan siya sa opening ng "Inner Sanctum," isang one-man water color exhibition niya sa Gallery Anna sa 4th level, Megamall Bldg A sa February 19.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN