Kris Bernal on Aljur Abrenica's hunky body: "Parang gusto ko na ring mag-Machete diet!"

Kahit may kanya-kanya ng soap at onscreen partners sina Kris Bernal (above) at Aljur Abrenica (inset), hindi maitatangging may kilig pa rin ang dalawa nang magkasama sila sa isang event kamakailan.


Kahit may kanya-kanya ng soap at onscreen partners sina Kris Bernal at Aljur Abrenica, hindi maitatangging may kilig pa rin ang dalawa nang magkasama sila sa isang event kamakailan.

"Nakakatuwa siyempre. Ewan ko, na-miss mo ba ako?" tanong ni Kris kay Aljur nang sabay na interbyuhin ng Startalk TX during the said event.

"Oo naman," ang mabilis na sagot ni Aljur. "Actually dahil kay Kris... nagpapasalamat po talaga ako. Siya yung nag-invite sa akin dito, e. Siya yung nagbukas sa akin dito. Hindi siya galing sa [GMA] Artist Center, so natutuwa ako kay Kris kasi gumawa siya ng plan para magkita kaming muli."

Ang host ng nasabing event na si Kris Aquino ay hindi naiwasang kiligin din sa dalawa.

Noong una nga ay nasa gitna ni Aljur at Kris Bernal ang actress/TV host pero tumayo si Kris Aquino at pinagtabi ang original na magka-loveteam.

Since BlackBerry event iyon, tinanong ni Kris Aquino ang dalawa kung gaano sila kadalas mag-BBM sa isa't -isa.

"Yun na, yun na yung parang text talaga namin kasi mabilis ang instant messaging sa BBM, e," ang sagot ni Kris.

Tinanong naman ni Kris Aquino si Aljur kung ano ang pinaka-latest BBM na ipinadala ng binata kay Kris.

"Kasi tawagan namin bebs, 'Bebs, kumusta ka na...'"

Dito biglang nagsalita si Kris Aquino na may naalala...

"Ay sandali, sandali, may naalala ako diyan! Nung birthday niya, na-text mo ako by mistake, yes. Ang sabi ko kay Aljur, 'Aljur, si Kris Aquino ito, hindi si Kris Bernal!'

"Kasi sinabi niya, 'Bebs happy birthday!' Di ba?" kwento ng TV host, habang tawa ng tawa ang [dating] magka-loveteam.

Hindi nawawala ang suporta nina Kris at Aljur para sa isa't-isa.

"Parang gusto ko na ring mag-Machete diet," ang natatawang sagot ni Kris nang tanungin kung ano ang masasabi niya sa Machete body ni Aljur.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At ayon naman kay Aljur...

"Sa lahat ng mga taong sumusuporta sa Machete diet, maraming-maraming salamat po. Lalung-lalo na kay Kris Bernal na patuloy pong sumusuporta sa akin, sa Machete, [at] sa Machete diet.

"And full support din naman po ako sa Koreana, and kino-congratulate ko po siya dahil sobrang taas ng ratings ng show niya," ang pagtatapos namang pahayag ni Aljur sa Startalk TX na ipinalabas kahapon, Sabado, February 12.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN