Barbie Forteza and Joshua Dionisio get to know each other in a game show

Base sa game show na ginanap sa Startalk TX nuong February 12, ang crush ni Barbie Forteza (left) ay si Dennis Trillo. Ito ay madaling nahulaan ng ka-loveteam niyang si Joshua Dionisio (right). Hindi naman nahulaan ni Barbie ang crush ni Joshua na si Rhian Ramos.


Live na nag-guest sina Barbie Forteza at Joshua Dionisio sa Startalk TX nuong February 12 at dahil Araw ng mga Puso sa Lunes, isang game ang ipinalaro sa dalawa ng hosts na sina Joey de Leon at Manay Lolit Solis.

May mga tanong para sa dalawa at kailangang mag-match ang kanilang mga sagot.

Ang unang tanong ay kung sino ang crush ni Barbie. Nag-match ang sagot nilang pareho na "Dennis Trillo."

Sa tanong naman kung sino ang crush ni Joshua, hindi nag-match ang kanilang mga sagot dahil Marian Rivera ang isinulat ni Barbie sa white board pero Rhian [Ramos] naman ang isinulat ni Joshua.

Ayon kay Barbie hindi raw niya alam kung sino ang isusulat ni Joshua dahil marami raw crush ang young actor.

Tinanong naman ang dalawa kung ano ang katangian ni Joshua na gustung- gusto ni Barbie sa kanyang ka-loveteam?

"Nakakatawa" ang isinulat ni Joshua at "Makulit" naman ang tugon ni Barbie kaya hindi nag-match ang mga sagot nila.

Ang sumunod na tanong naman ay kung ano namang katangian ni Barbie ang gusto ni Joshua.

Ayon kay Joshua, "Thoughtful" daw si Barbie at "Maingay" naman ang isinulat ni Barbie sa kanyang white board.

Ang next question: Kung walang taping, ano ang madalas na ginagawa ni Barbie?

Ang sagot ni Joshua, "Nag-aaral," at ayon naman kay Barbie, nanonood siya ng sine kapag walang taping, kaya hindi na naman nag-match ang kanilang mga sagot.

"Tuwing gabi naman po ako nanood ng sine e, pag mga last full show na," ani Barbie.

Ang next question naman ay kung ano ang madalas na ginagawa ni Joshua kapag wala silang taping.

"Naglalaro ng DOTA" ang isinulat ni Barbie sa kanyang white board at ayon naman kay Joshua, "Basketball, puwede ring DOTA."

Ang final na score na nakuha ng dalawa ay two points each.

After the game ay tinawag naman ang isa nilang kasama sa Nita Negrita, si Lexi Fernandez para mag-promote sila ng kanilang bagong afternoon drama series na ipapalabas na bukas, February 14 sa Dramarama sa Hapon ng GMA-7.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bida rito si Barbie na gaganap na Nita at leading man niya si Joshua na gaganap bilang si Prince. Kontrabida naman dito si Lexi bilang si Misty.

Nasa Nita Negrita rin si Lotlot de Leon bilang ina ni Nita na si Mirasol. For the first time, naman ay mapapanood in a GMA drama series ang beteranang aktres na si Ms. Nova Villa bilang si Nana Ima.

Gaganap naman bilang leading man ni Lotlot si Zoren Legaspi (bilang Arturo), at si Alvin Aguilar bilang si Edgar na kasintahang makakabuntis kay Mirasol na ang magiging bunga ay si Nita.

Tampok rin dito sina Bubbles Paraiso (as Alexandra), Rachelle Ann Go (as Amada), Lollie Mara (as Donya Andrea) at si Diana Zubiri bilang si Danica.

Ito ay sa direksyon ni Direk Gil Tejada, Jr.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN