Cristine Reyes refers to Rayver Cruz's mom as her mother-in-law

Tinanong ng PEP si Rayver Cruz (left) kung ano ang regalo niya kay Cristine Reyes (right) sa birthday ng dalaga at sa Valentine's Day. "Actually, wala pa, gusto ko kasi siya na lang yung pipili ng gusto niya," sagot ni Rayver. Kung si Cristine naman ang papipiliin, eto ang gusto niya: "Ayaw ko na ng regalo. Pagmamahal na lang!"


Magka-holding hands na dumating ang real-life sweethearts na sina Cristine Reyes at Rayver Cruz sa thanksgiving party ng Martha Cecilia's Kristine. Ginanap ito sa White House Patio sa Quezon City noong Huwebes, ika-10 ng Pebrero 2011.


Laking pasasalamat ng dalawa sa lahat ng sumuporta sa teleserye nilang ito, kasama si Zanjoe Marudo na kung saan nabuo ang kanilang pag-iibigan sa tunay na buhay.

Very vocal at kitang-kita ang pagiging sweet nina Rayver at Cristine habang nagaganap ang party.

Palaging magkahawak sa braso si Rayver at Cristine. Laging pinipisil ni Cristine, ang pisngi ni Rayver. At rinig pa ng publiko na "Baby" ang tawagan nila sa isa't isa.


Bakit "Baby" ang tawagan nila?

"Kasi yun ang uso e! Nakiki-join lang!" sabay tawa ni Cristine. "Joke lang! Hindi, kasi di ba, pag baby, inaalagaan mo, minamahal mo."


Noong nakaraang Sabado, February 5, napabalitang dumalo ang Mommy ni Rayver upang makilala si Cristine.


Nang tanungin si Cristine kung ano ang naramdaman niya nang malaman niya na botong-boto sa kanya ang Mommy ni Rayver, ito ang naging sagot niya: "Natuwa ako siyempre, kasi bihira yung mother-in-law na magustuhan yung girlfriend ng anak niya, so tuwang-tuwa ako. Nagpapasalamat ako kay Mommy, ang bait-bait niya sa akin."


Nabigla ang mga members of the press nang sabihin ni Cristine na mother-in-law na ang tawag niya sa Mommy ni Rayver.


Ibig sabihin ba nito ay handa na silang magpakasal ni Rayver?

Gulat na gulat si Cristine at sabay yakap kay Rayver habang sinasabi, "Ay! Hindi, Hindi, Hindi! Ano bang tawag dun? Mommy ni Rayver!"


Ano naman ang reaksyon ni Rayver sa pagtawag ni Cristine na mother-in-law sa kanyang Nanay?

"Actually, hindi ko masyadong narinig kaya di ako nag-react. Kung di niyo pa sinabi," patawang sagot ni Rayver.


May plano na ba silang magpakasal at mother-in-law na ang tawagan?

Sagot ni Cristine: "Hindi! Hindi ko naman talaga alam e, kasi, di ba me brother-in-law ako, so feeling ko ganun din yun. Dun na rin naman yung tuloy nun di ba?"


Nang si Rayver naman ang tanungin kung handa na ba niyang pakasalan si Cristine, aniya, "Hindi pa! Kasi mga bata pa kami. Sa ngayon, nag e-enjoy kaming dalawa."


Dagdag pa nito, "Nasa kanya naman yun, e, kung ayaw na niya akong pakawalan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil sa hirit na ito ng kanyang boyfriend, pabirong sinampal ni Cristine si Rayver.

PROMISE RING LOST AND FOUND. Napabalita rin kamakailan na na-misplace ni Cristine ang "promise ring" na bigay ni Rayver.


Nahanap na ba niya ang singsing na ito?

Ayon kay Cristine, "Yes, of course. Ako pa? Ang galing galing ko!"


Humirit tuloy si Rayver, "Ang galing-galing mo, na misplace mo!"

Nagtampo nga ba si Rayver sa pagkawala ng singsing na bigay niya kay Cristine?

"Siyempre naman, bigay ko yun, e. Sabi ko bakit bigla-bigla namang di na niya makita. Buti na lang nahanap niya."


Biglang hinawakan ni Cristine ang dalawang pisngi ni Rayver at sinabi: "Sorry, baby!"


Tinanong naman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Rayver kung ano ang regalo niya kay Cristine sa birthday ng dalaga at sa Valentine's Day.


"Actually, wala pa, gusto ko kasi siya na lang yung pupili ng gusto niya," sagot ni Rayver.


Kung si Cristine naman ang papipiliin, eto ang gusto niya: "Ayaw ko na ng regalo. Pagmamahal na lang!"


HAPPY AND INSPIRED. Sa tindi ng kanilang pinagdaanan, ano ang pakiramdam nila ngayong lantad na sa publiko ang kanilang relasyon?

Ani Cristine, "Siyempre masaya, kasi wala kayong tinatago di ba? Yung kahit makita kayong magkasama sa labas, kahit saan kayo pumunta na magkasama, okay lang. Kahit may interview kami onscreen di mo na kailangan pang mag-deny."


Sagot naman ni Rayver, "Siyempre, mas kumportable kami sa isa't-isa, mas masarap ang pakiramdam, sinabi ko naman talaga yun sa inyo di ba? Lalo pa't si Cristine yun, kasi love na love ko yan!"


Ano ang plano nilang dalawa this Valentine's Day?

"May work siya, e, may date sila ni Shaina (Magdayao)," pabirong selos ni Cristine.


Paliwanag tuloy ni Rayver: "Hindi! May MMK (Maalaala Mo Kaya) taping kami ni Shaina. Bakit kaya pumayag si Shaina na mag-taping kami ng February 14? Wala ba silang date ni John Lloyd (Cruz, Shaina's boyfriend)? Ah, baka me taping din kasi si John Lloyd noong araw na yun kaya pumayag si Shaina na mag-taping kami ng MMK."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Makikita sa kanilang interview na talaga namang masaya at inspired sina Rayver at Cristine sa isa't isa, lalo pa't very open na sila sa kanilang relasyon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN